Nagbalik na nga kami ng dorm para makapag-ayos na ng sarili. Hindi na kami nag-iimikan ni Luke. Malamang napagod na rin siya sa eksena naming dalawa sa dining hall. At least, naka-isa ako. Pagkarating ko sa kuwarto ay naupo ako sa gilid ng kama.
"Pillow, maliligo na ako" ang paalam naman ni Luke.
"O, ngayon?“ ang tanong ko na walang gana.
"Sama ka?" ang yaya niya.
"Sira-ulo" ang komento ko sabay dampot sa unan niya. Bago pa lang siya matamaan ng inihagis kong unan ay nakalabas na siya.
"Sumunod ka,ha!" ang pahabol pa ng loko habang malakas na tumatawa. Hay naku. Malaki talaga problema niya sa ulo. Napatayo naman ako para pulutin ang unan. Natigilan naman ako ng may malaglag mula sa unan ni Luke. Dahan-dahan naman akong nagbend para pulutin ang kung ano mang yun at kaagad namang sinuri. Isang litrato ng isang bata. Kung tititigan ay kahawig ni Luke.
"Baka picture niya nung bata siya" ang bulong ko sa aking sarili. Tinignan ko naman ang likod. "Little Boy" ang nakasulat. Little boy? Hindi ba yun yung sinulat niya dati sa papel? Madalian ko namang binalik yun sa unan at linagay sa kama nang marinig ang pagkanta ni Luke. Naupo ulit ako sa gilid ng kama samantalang pumasok naman si Luke. Napatingin naman ako sa kanya.
>\\\\<
Nakaboxer shorts lang siya habang nakasabit ang tuwalya sa balikat niya. Natulala ako...
"Laway mo" si Luke.
"Ha?“ ang reaksyon ko.
"Laway mo tumutulo" ang paliwanag niya. Kaagad naman akong nagpunas ng gilid ng labi.
"Teka, wala naman eh!" ang sabi ko nang mapagtantong wala naman akong mapupunasan. Tumawa naman siya ng malakas.
"Napaghahalatang pinagnanasaan mo ako" ang komento niya.
"Mukha mo!" ang komento ko sabay tayo.
"Mukha ko gwapo" ang pagpapatuloy niya.
"Kapal!"
"Ng taba mo!" ang muli niyang tukso sa akin. Hindi naman ako mataba... chubby lang =____=
"Di bale nang mataba! Di bale nang baboy kesa hipon!" ang sabi ko. "Tandaan mo, walang tinatapon sa lechon!"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Baboy!!!! Lechon!!!“ ang tawang-tawang reaksyon ni Luke. "Sige, kainin na kita. Grrrrrrr"
Bigla naman siyang lumapit sa akin.
"Wag kang lalapit sa akin" ang bilin ko sabay cross sign sa kanya. Kumakagat-labi lang naman siya at nakatitig lang sa akin. Bigla niyang binato ang tuwalya sa kama.
o____O
"It's just you and me" ang seryosong sinabi niya.
"Anong tayo lang??? Si Sadako, andito!!!“ ang natataranta kong tugon.
"Then, let her watch" ang tugon naman niya sabay kindat.
"Ayaw niya!"
"Your sarcasm won't affect me this time" ang seryoso pa rin niyang sinabi.
"Bahala ka diyan!" nagsimula akong maglakad palayo pero hinila niya ako at tinulak sa kama. Napadapa naman akong nakahiga. Tatayo na sana ako nang kunin niya ang isang kamay ko at inilagay sa likod ko para hindi ako makagalaw sabay upo niya sa bandang likod ko.
"Aaray! Ano bang ginagawa mo? Hayop ka!" ang sigaw ko.
"Don't move, madali lang to" si Luke.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...