Chapter Two: Eyes

26.9K 572 16
                                    

Xean's Point of View

Batid ko rin naman na pinili ko kung saan ako naka-lugar. Nung una pala, sinara ko na ang sarili ko sa iba. Dumeretso na lang ako sa Dean's office. Pagpasok ko ay inasikaso ako ng student assistant.

"I would just like to get some registration forms for the Literary Festival," ang sabi ko.

"Okay, Pres. Which literary event?" ang tanong niya.

"Every event for the writing category, please," ang paki-usap ko. Napahinto siya at napatingin sa akin pati ang ilang estudyante mula sa ibang college na nag-fi-fill up ng form ay natigilan. Napatango na lang ang Student Assistant at kumuha ng mga registration form.

"Mr. Olivar!" ang pagtawag sa akin ni Dean nang makita ako. "Glad you're here."

"Is there any problem, Sir?" ang tanong.

"None. I would just like to tell you that since you're the President of the Literary Critics Guild. I'm assigning you to become one of the judges in the festival."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kaagad naman akong tumanggi at nagpaliwanag na gusto kong sumali bilang isa sa mga kalahok sa nasabing Literary Festival. At tsaka ayaw ko ring maging sentro ng atensyon. Mapag-initan pa ako at masabihan ng bias, di bale na lang! Bukod pa dun ay gusto kong manalo.

"I see. So, what are you joining then?" ang pag-uusisa ni Sir Dean.

"Uhmm, every event for the writing category, Sir," ang tugon ko.

"That's good. Won't you join any speech events?"

"I regret to say no, Sir. I'm not of an orator, anyway," ang paliwanag ko. Feel ko magkaka-epistaxis ako anytime sa English Only Zone ng koleyo. Pagkatapos maka-register ay lumabas na ako ng Dean's office. Wala na akong iba pang klase kaya naman gusto ko nang umuwi para magawa na ang mga kailangan kong tapusin.

Habang naglalakad sa pasilyo ay may tumawag sa akin. Kaagad naman akong napalingon. Si Ell, close friend ko na Accountancy student.

"Oh, anong ginagawa ko rito?" ang tanong ko.

"Nag-register ako sa essay writing contest," ang tugon niya. Napatango naman ako.

"Kapag ikaw ang nanalo, sa'yo ang certificate; akin ang cash price," ang sabi ko na nagpatawa sa kanya.

"No need. Alam ko naman na ikaw ang mananalo."

"Sana nga," ang sabi ko.

"Busy ka ba?" ang tanong niya

"Hindi naman masyado," ang tugon ko. "Bakit?"

"Yayayain sana kita sa mall, eh," ang sabi niya. "Magpapasama lang ako."

"Uhmm, sige," ang pagpayag ko. Naalala ko yung unang araw na nagkakilala kami. Sa literary fest din last year ng koleyo namin. Nasa student lounge ako habang nakikinig sa kung anu-anong kanta sa phone ko. Nang maaliw ay hindi ko namalayan na kumakanta na rin ako ng malakas. Ang kantang Sunshine ng Monkey Majik.

"Boku no yume wa doko ni aru no ka. Kage mo katachi mo mienakute. Oikaketeta mamoru beki mono. There's a sunshine in my mind. Ashita o terasu yo, Sunshine." 

Natigilan na lang ako sa pagkanta ng mapansin lahat ay nakatingin na sa akin. Favorite ko kasi ang bandang Monkey Majik at sila lang naman ang pinapakinggan ko bukod sa local at foreign artists. Napatingin ako sa tabi ko.

"Kunichiwa!" ang bati niya sa akin. Napakunot naman ako ng noo. "Exchange student?"

Ano raw? Mukha ba akong hapon?

"Uhm,no," ang tugon ko.

"You're Japanese," ang komento niya. It's not a question but a confirmation.

"How do you say so?"

"You're singing a Japanese song, and you look like one. Especially your eyes, almond shape with like a curled hook in the end"

Light-bulb!

"Uhm, I'm mixed," ang pagsakay ko sa kanya. Hindi ko alam kung linoloko lang ako nito o nagsasabi ng totoo.

"I see. Anyway, I'm Ell," ang pagpapakilala niya.

"Xean," ang pagpapakilala ko naman. "X-e-a-n"

"Parang Xian.... Chinese yun, eh! Eh, di Chinese ka!"

Sa pagkakataong yun ay hindi ko na napigilan ang pagtawa.

"Alam mo naman tayong mga Filipino. Yung iba nga mukhang Chinese pero Spanish ang apelyedo. Napaka-typical for us."

"Sa bagay, may tama ka," ang pagsang-ayon niya. Simula nun ay pinaniwalaan niya na may lahi akong hapon. Hanggang ngayon ay hindi niya alam na purong pinoy ako.

"Tara na, Oba-chan!" ang sabi ko.

"O-oba-chan? Ano yun?" ang nagtataka niyang tanong.

"Secret," ang tugon ko. Huminto naman siya sa paglalakad at hinugot ang smart phone niya.

"Lola?!" ang gulat niyang sinabi sabay tingin ng masama sa akin. Napa-peace sign naman ako. "Leche ka!"

"Sige, Onee-chan na lang," ang pagtatama ko. Sumakay kami sa kotse niya. I mean mayayamanin kasi siya. Halos lahat naman ng nag-aaral sa pamantasan na pinapasukan namin. Hindi nagtagal ay nasa mall na kami.

Nagtungo kami sa isang optical clinic.

"Magtitingin ako ng contact lenses," ang paliwanag niya. "Habang tumitingin ako. Ipa-check mo na rin 'yang mata mo. Free computerized eye check-up naman."

"Uhh, sige," ang sabi ko. Nagpa-check up nga ako at kailangan ko na ngang magsuot ng eyeglasses. Lumapit ako sa kanya pagkatapos ng check-up.

"Anong sabi?" ang kaagad niyang tanong.

"Kailangan ko na raw magsuot ng eyeglasses," ang tugon ko naman sabay usisa sa mga display.

"Bagay mo mag-nerd glass," ang suhestyon niya. "Saan 'yung pinaka-dark blue niyo rito?"

"Wala ka bang nakita diyan?" ang tanong pabalik ng sales representative.

"Meron pero, hindi ko sigurado kung dark kung linagay sa mata," si Ell. "Kukunin ko yung shadow gray na one year."

"Sir, 859 po yan."

"Alam ko. Kukuha nga ako," ang malamig na tugon ni Ell. Halatang naiinis na sa sales representative. Pagkatapos niyang bayaran ang lenses ay inabot kay Ell ang plastic bag.

"May free case at cleanser na po yan," ang dagdag ng sales rep.

"Obvious ba?" ang narinig kong bulong ni Ell. Hindi naman narinig 'to ng sales rep at inabot sa kanya ang lenses.

"Dito niyo banda bubuksan," ang bilin niya pa. Tinitigan lang naman siya ni Ell.

"Saan ko ba pwedeng isuot to?" ang tanong ni Ell. "I mean mirror room?"

"Doon po," ang turo sa amin. Hinatak naman ako ni Ell papasok ng mirror room. Pinanood ko siya habang sinusuot ang lenses.

"Imbyerna siya. Akala niya sa akin? Dukha?" ang naiinis na sinabi ni Ell. "Tara na nga, Xean. Magkape na lang tayo"

Kaya naman sinundan ko siya palabas ng optical clinic. Dumeretso naman kami sa isang café at linibre niya ako ng frappé. Mukhang na-stress nga siya ng sobra.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon