"Hindi ko rin alam" ang tugon niya sabay paulit-ulit na pinindot ang open button ngunit walang nangyayari. Pinaghahampas ko na ang pinto ng elevator sabay sigaw; umaasang may makaranig sa amin.
"Itigil mo na yan" ang seryoso niyang komento. "Mapapagod ka lang"
Ngunit hindi ko siya pinakinggan at pinagpatuloy ang aking ginagawa.
"Wala nang tao sa ganitong oras" ang sabi niya na nagpahinto sa akin. "I guess shinut-down na nila ang electricity sa building"
"Hindi pwede yun!" ang reaksyon ko. "Hindi pwede!!!!"
"As if you can do something" ang komento niya sabay upo sa sahig. "Wala tayong magagawa kundi magpalipas ng gabi rito sa loob until someone opens the door"
Napabuntong hininga na lang ako at napaupo sa bandang dulo malayo sa kanya. Kanina sa roof top; ngayon naman sa elevator. Bakit ang malas ko ngayon????
"Hindi mo ba dala ang phone mo?" ang tanong ko. Napailing lang naman siya.
"Car" ang sabi niya. He started to hum. Binalot naman ako katahimikan. Ramdam ko pa rin ang ginaw ng basa kong damit. Lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin kami nag-iimikan ni Luke.
"I'm starving" ang pagbasag niya ng katahimikan. Ako rin naman ay nagugutom na. Isang buntong-hininga na lang ang naging reaksyon ko sabay pikit. Napamulat na lang ako ng mga mata nang may marinig akong tunog ng plastic. Napatingin ako ss hawak ni Luke. PAGKAIN...
"Here" si Luke sabay bato sa akin ng isa pang pakete ng tinapay. Kaagad ko naman yung binuksan at sinimulang kumain. Napatayo naman si Luke.
"Ang init" ang komento niya sabay lakad sa loob ng elevator.
"Anong sinasabi mo?" ang nagtataka kong tanong. "Ang ginaw kaya"
Napahinto naman siya at napatitig sa akin. Bigla na lang siyang lumapit at naupo sa harapan ko. He reached for my forehead.
"Linalagnat ka!" ang natataranta niyang balita. Nakakaramdam na nga ako ng pagkahilo.
"Maghubad ka na" ang bigla niyang utos sabay tayo at alis ng suot niyang baseball shirt.
"Anong ginagawa mo?" ang tanong ko
.
"Naghuhubad, obvious ba?" ang tugon niya. "Maghubad ka na rin!"
"Ha????" ang reaksyon ko. "Bakit ako maghuhubad?"
"We got to warm you up" ang tugon niya. Naramdaman kong nang-init ang mukha ko sa sinabi niya.
"Ayoko!!!" ang reaksyon ko sabay bato sa kanya ng plastic bottle na may lulan pang tubig na tumama sa likod niya. Natigilan naman siya at napatingin sa akin. Bigla na lang siyang tumawa na pinagtataka ko.
"We got a pretty twisted mind there, don't we?" ang retorikal niyang tanong habang tumatawa. "But if that's what you need"
"Lumayo ka sa akin!" ang sabi ko. Hindi pa rin siya natitinag sa pagtawa.
"Xean, iba ka talaga" ang komento niya. Binuksan niya ang bag niya at linabas ang basketball jersey. Kaagad naman niyang sinuot yun. Pagkalipas ng ilang minuto ay naka-basketball uniform na siya.
"Palitan mo na yang mga suot mo" ang sabi niya sabay bato ng shirt niya sa ulo ko.
"Ayoko" ang pagtanggi ko sabay alis ng damit niya sa ulo ko.
"Malinis yang mga yan kahit na sinuot ko na" ang komento niya. "Pagtiisin mo na muna. Kailangan mong magpalit ng damit. You're sick"
Sinubukan kong tumayo ngunit dahil sa hilo ay nawalan ako ng balanse. Nahawakan naman niya ang braso ko.
"Dahan-dahan lang" ang sabi niya. "Tulungan na kita"
Pinasuot niya nga ang mga damit niya sa akin kanina. Medyo guminhawa nga ang pakiramdam ko ngayong tuyong mga damit na ang gamit ko. Bumalik ako sa aking pwesto. Gusto ko nang magpahinga. Nahiga ako sa sahig at gamit ang aking braso ay ginawa ko yung unan. Dahil siguro sa aking lagnat kaya madali na rin akong nakatulog.
*********
Hindi na ako giniginaw. At ang lambot na ng tinutungtungan ng ulo ko. Napamulat ako ng mga mata. Towel ni Luke ang naging unan ko na. Katabi ko siya at nakayakap siya sa akin ng mahigpit. Napatingin ako sa mukha niyang mahimbing pang natutulog. Napaka-inosente ng mukha niya. Hindi tulad ng pinapakita niyang personalidad na ubod ng kulit. Walang trace ng pagiging bully o kung ano pa man. Dahil siguro sa pagmasid ko sa gwapo niyang mukha ay nagising siya.
"Good morning" ang nakangiti niyang bati sa akin.
"Uhm, good morning?" ang hindi ko siguradong pagbati pabalik.
"How do you feel?" ang tanong niya. Hindi na ako nakasagot dahil siya na mismo ang tumingin sa temperatura ko.
"May lagnat ka pa rin. Ang taas pa rin" ang sabi niya. "Kailangan mo nang maipunta sa clinic"
"Okay lang ako" ang pagtanggi ko sabay layo sa kanya. "Sana naman may magbukas na."
"Sooner or later." ang sabi naman niya sabay upo. "Maaga namang nagbubukas ang building eh"
Hindi nga nagtagal ay nagbukas ang ilaw at nagsimulang umandar ang elevator.
Ground floor...
Pagkabukas ng elevator ay natigilan kami ni Luke pati ang mga estudyante sa bungad.
"Finally" si Luke sabay buntong-hininga. "Tara na,Xean"
"Sige" ang tugon ko sabay tayo ngunit tulaeld nga ng inaasahan ay inunahan na ako ng pagkahilo na dala ng sakit ko. Napaupo ako.
"Hey, sabi naman sayo magdahan-dahan ka" ang muling bilin ni Luke sa akin. Tumalikod siya sa akin sabay squat. "Sumampa ka na sa likod ko nang madala na kita sa clinic"
Ngunit hindi ako gumalaw at napatingin lang sa likod niya.
"Piggy back ride o lover's carry?" ang sunod niyang tanong. Nagbulangan ang mga estudyanteng nakarinig. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Fine" ang bulong ko. He reached for my both hands at pinewesto sa kanya.
"Hold on tight" ang sabi niya sabay tayo. Nagsimula siyang naglakad buhat-buhat ako sa likod niya. Iniwas ko ang aking tingin sa mga matang nakamasid sa aming dalawa.
"Ang awkward" ang bulong ko.
"You know what? In Korea, lovers do this" ang bigla niyang pagsabi ng trivia.
"Ha?" ang gulat kong reaksyon. "Sorry."
"Bakit ka nagsosorry?" ang tanong niya.
"Kasi ang awkward" ang tugon ko.
"Nakakakilig nga eh" ang bigla niyang sinabi sabay tawa. Napapangiti na lang ako sa pagtawa niya.
"Anyway, thank you" ang pasasalamat ko.
"Just rest and get well" ang sabi niya. "Okay ba yun?"
"Uhhm, ou" ang tugon ko. Hinayaan ko na lang ang ulo ko sa batok niya. "Sigurado ka bang papasanin mo ako hanggang sa clinic?"
"Yeah" ang simple niyang tugon.
"Hindi ba nakakahiya na... buhat-buhat mo ako?" ang tanong ko. Ang dami na rin kasing estudyante at lahat sila ay napapatingin sa aming dalawa.
"Wala naman akong pakialam sa mga sasabihin nila at sa mga iniisip nila" ang paliwanag niya. "Matuwa ka na lang"
"Bakit?"
"Maraming papatay para lang maranasan ang buhatin ko" ang mahangin niyang tugon na nagpatawa sa akin.
"Oo na, Mr. Kimchi"
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Novela JuvenilLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...