"Kuya, saan ba tayo bibili ng makakain?" ang tanong ko.
"Sa fast food na lang" ang tugon niya.
"Eh Kuya, ang layo pa ng mga fast food dito" ang komento ko naman.
"Sakay na" ang paanyaya niya. Natigilan naman ako at napatingin sa mini cooper niya na palagi kong nakikita sa campus.
"Ikaw pala may-ari nito Kuya Ethan" ang sabi ko bago sumakay.
"Oo" ang pagkumpirma niya habang sumakay din.
"Siguro ito ginagamit mo,pagsundo at paghatid kay Kuya PeeJay"
"Ah, hindi"
"Bakit naman?"
"He owns a black Chevrolet Sonic" ang tugon ni Kuya Ethan. Okay... wala akong kaalam-alam sa mga kotse so, in layman's term. May kotse din si Kuya PeeJay. Yun na yun. Susme... Nagpunta nga kami sa fast food. Nakapila kami para umorder. Habang nakapila ay napamasid ako sa paligid.
"Sí, sí. Iré a casa temprano" ang naririnig kong nagsasalita sa kabilang pila. Napatingin naman ako. Matangkad... Lean with muscles. Yung sakto lang. Sun-tanned skin. Short haired. Bilugan ang mata.. Para siyang isang Spanish actor. Ang gwapo niya. Halatang may lahi. "Adios"
"Si Kuya Santi" ang sabi niya sa katabi niya na mukhang Fil-Am naman.
"Seb, anong balak mo ngayon?" ang tanong ng kasama niya.
"My car's a mess. The love of my love fooled me. There's no other way but to move on" ang tugon nung si Seb. Pamilyar siya. Schoolmate ko siya rati sa Richmond. Yung champion drag racer na naaksidente sa sobrang kalasingan.
"Magdradrag race ka pa ba?"
"Of course not. Nagpromise ako kay Kuya Santi." ang tugon niya. Natigilan naman siya nang makita ako. Napangiti siya.
Blink. Blink.
"Dude, you know him?" ang tanong ng kasama niya. Napa-iwas na lang ako ng tingin.
"No. He just reminded me of my brother Dave pero mas bata yun" si Seb. "Nakakamiss din pala kakulitan niya"
Napatingin naman ako sa kanya. His face softened pero nakatingin pa rin sa akin.
"Let's go" ang yaya ni Kuya Ethan. Kinuha ko naman ang ilang plastic bag lulan ang pagkain. Bumalik naman kami sa Saint Anthony.
Alasais na at patapos na kami nang magpakita si Luke sa akin.
"Matagal pa ba?" ang tanong niya.
"Malapit na" ang tugon ko naman. Naupo naman siya sa bench at kinalikot na lang ang phone niya. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.
"Okay guys!" si Kuya PeeJay. "Let's call this a day"
"Finally" ang malakas na komento ni Luke. Hay naku...
"Thanks Xean!" ang pasasalamat ni Kuya PeeJay at Kuya Ethan sa akin. Bago pa lang ako makasagot ay hinila na ako palayo ni Luke kaya kumaway na lang ako. Pinasakay naman niya ako sa kotse niya.
"May kailangan ka bang sabihin sa akin?" ang pagbasag niya ng katahimikan.
"Mukhang ikaw ang may kailangang sabihin sa akin" ang komento ko naman.
"Bakit ba ang cold mo?" ang tanong niya. "Alam mo bang nasasaktan ako sa tuwing tina-tanggi mo na boyfriend mo ako"
"Bakit ka nasasaktan? Eh, kahit naman na sinasabi kong hindi tayo eh meron pa namang iba" ang sumbat ko.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...