Chapter Fifteen: Bruises

20.1K 473 23
                                    

Bigla na lang niyang hinuli ang kamay ko.

"Ano bang ginagawa mo?" ang tanong niya.

"Okay ka lang?" ang nag-aalala kong tanong. Sinubukan niyang tumayo ngunit napansin kong nahihirapan siya kaya naman inalalayan ko siya.

"Okay lang" ang tugon naman niya. "Hatid mo na lang ako sa kotse ko nang makauwi na ako"

"Daan muna tayo sa clinic" ang suhestyon ko. Hindi naman siya umimik. Sinimulan namin ang paglalakad. Rinig na rinig ko ang kanyang malalim na paghinga.

"Uhm," ang pagbasag ko sa katahimikan.

"What?" ang tanong naman niya.

"Uh, wala" ang tugon ko. Gusto ko lang sanang magpasalamat sa ginawa niya kanina. Napatingin ako sa mukha niya. May mga sugat.. Sa labi at sa tabi ng mata.

"Ano bang nakain mo at nakipagbugbugan ka?" ang tanong ko.

"Di na to bago sa akin" ang tugon niya. Muli kaming natahimik at pinagpatuloy ang paglalakad patungong clinic. Pagdating namin dun ay nagtaka ako sapagkat maraming tao. Kapwa may mga sugat sa mukha tulad ni Luke.

"Ui, Luke!" ang pagtawag ng isa. "Napuruhan ka rin!"

Napa-peace sign na lang siya sa kanila. Dinala ko nga siya sa loob ng clinic. Abalang-abala ang mga student nurse sa kaaasikaso sa kanila. Natigilan nga sila nang makita si Luke ay halos mag-unahan para asikasuhin siya. Ang ilan pa nga ay naitulak ako ng di nila namamalayan. Natigilan sila nang mapagalitan sila ng clinic nurse. Nagsibalikan sila sa kani-kanilang pasyente. Bigla na lang akong tinawag ng nurse at inutusang linisan ang mga sugat ni Luke. Sinunod ko na lang ang pinapagawa sa akin. Kumuha ako ng bulak at binasa ng Hydrogen Peroxide at dahan dahang lininisan ang sugat ni Luke sa tabi ng kanyang labi. Napapangiwi naman siya sa tuwing dumadampi ang bulak sa sugat niya. Napatitig ako sa chinito niyang mga mata na nakatitig din sa mukha ko.

"Aaaray!!!! Dahan-dahan naman!!" ang pagmamaktol niya nang malakasan ko ang pagdampi ng bulak.

"Sorry" ang kaagad kong paghingi ng paumanhin at linagay ang buo kong atensyon sa sugat niya. Pagkatapos ay ang sugat niya sa tabi ng kanang mata. Tinuloy naman ng nurse ang paggamot kay Luke nang matapos kong linisan ang mga sugat niya.

"Di ba, hinampas ka sa likod? Patingin mo na" ang sabi ko. Kaagad namang sinabihan ng clinic nurse na ipatingin ni Luke ang parteng yun. Tumalikod naman si Luke at inangat ang suot niyang T-shirt. Napangiwi ako nang makita ang malaking itim at asul na marka sa likod niya. Kumuha ang nurse ng ice pack at inutusan akong i-apply ang pack sa pasâng natamo niya. Halatang-halata yun dahil nga sa maputi niyang kutis. Pinainom naman siya ng pain reliever at anti-inflammatory medicine ng nurse. Pagkatapos makapagbilin ng nurse kay Luke ay pinayagan na kaming umuwi. Nasa parking lot na kami nang.

"Ihatid na kita" ang bigla niyang alok sa akin.

"Hindi na" ang pagtanggi ko naman. "Umuwi ka na lang at magpahinga"

"O,sige" ang tugon niya.

"Uhm,Luke" ang pagtawag ko sa kanya.

"Yeah?"

"Thank you" ang pasasalamat ko.

"Para saan?" ang tanong niya

"Uhm,.. Ang awkward sabihing "You saved me" pero ganun eh." ang sabi ko sabay kamot. Bigla naman siyang natawa.

"You know what? You can hug me now and say that I am your hero" ang tumatawa niyang sinabi.

"Pwede?" ang pagsakay ko naman na nagpatigil sa kanya sa pagtawa.

"No" ang flat niyang tugon.

"Anyway, salamat ulit" ang muli kong pasasalamat. Tinitigan naman niya ako. Bigla na lang siyang ngumiti at tumango. Napangiti naman ako pabalik bago nagpaalam na mauuna na ako. Naglalakad na ako nang may sumabay na kotse sa tabi ko. Napatingin naman ako.
"Ingat ka" ang bilin ng driver bago binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Napatitig na lang ako at napakibit-balikat na lang.

Maaga naman akong nakauwi. Nadatnan ko si Zeke sa kuwarto.

"Hi" ang bati niya sa akin.

"Kamusta?" ang tanong ko naman.

"Sakto lang" ang tugon niya. "Keeping up with my life. Mahirap pero moving on"

"Alam kong mahirap" ang pagsang-ayon ko. "Pero minsan talaga wala tayong choice kundi gawin yun"

"So, naranasan mo nang maheart-broken?" ang tanong niya.

"Oo naman" ang tugon ko bago naupo sa gilid ng kama ko.

"So, anong nangyari?"

"Yung una, linandi ako tapos nawala na parang bula. Yung pangalawa, ang gusto landian lang. Gusto raw makasigurado sa nararamdaman pero nagsasabihan kami ng I love you. Yung huli, pinaniwala ako sa mga plano niya sa future pero iniwan din ako sa ere" ang mabilis kong kwento.

"Oh" ang tanging reaksyon niya. "So do you still believe in love?"

"Let me rephrase that" ang pagsisimula ko. "So, tinatanong mo ako kung papasok ako sa isang bagay na magpapahamak sa akin?"

"Ha? Hindi ko naintindihan" ang komento naman niya. 

"Falling in love means putting yourself in to self harm" ang paliwanag ko. "So, the answer is no"

"Mahirap yan, Xean. Love will make a way."

"It would never get me " ang pagsisigurado ko.

"Tapos takot kang tumanda ng mag-isa? Pero ayaw mong bigyan ang sarili mo ng isa pang pagkakataon?"

"Isn't it ironic, don't you think ?"

"Sobra" ang pagsang-ayon niya.

" It's like rain on your wedding day
It's a free ride when you've already paid
It's the good advice that you just didn't take
Who would've thought... it figures"

"Teka lyrics ng kanta yan eh!"

"I know" ang tugon ko na nagpatawa sa amin ng sabay.

"Xean happy ako na sinusubukan mo maging masaya" si Zeke.

"Kailangan kong maging happy kahit na nasasaktan. Parang ganito lang yun eh. You're smiling while crying in the middle of the rain."

"Boy, you're one depressing guy " ang komento niya sabay iling. Lumabas siya ng kuwarto samantalang Nagpalit naman ako. Natigilan ako sa natagpuan sa aking kama. Uniform ng Saint Anthony. Napapa-isip na naman ako. Siguro nga mahirap akong basahin. May mga taong hindi ako maintindihan. Ako man ay pilit kong iniintindi ang aking sarili. Malihim...malungkot... Loner...  Isa lang naman ang naging dahilan eh... REJECTION.

My ideas are rejected.

My thoughts are rejected.

I'm rejected.

Kung hindi naman, iniiwan, linalayuan. Napapagod sa akin. Hindi ko sila masisisi. Kahit ako, kapagod na rin sa takbo ng buhay ko.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon