"Xean!!!" ang sigawng mga pamilyar na boses nang nasa bungad pa lang ako ng gate ngboarding house namin. Kaagad namang bumaba ng kahoy na hagdanana siZeke at binuhat ang travelling bag ko.
"Ang bait naman" ang punako.
"Para sa pasalubong" angtugon naman niya.
"Wala eh"
"Ah" ang reaksyon namanniya sabay baba ng gamit ko. Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawaniya.
"Ah, ganun!" angnasabi ko sabay tawa namn niya. Kaagad naman niyang binuhat muli angbag ko.
"Biro lang" ang sabi niyahabang papanhik kami ng lumang hagdanan.
"Xean! Andito ka na pala!"ang reaksyon ni Thia nang makita ako.
"Ay, hindi! Aparisyon ko lang to"ang sarkastiko ko namang tugon.
"Hay naku!" si Thiasabay rolling in the deep. (Ibig sabihin: eyes roll)
"Ilang araw ka ring nawala"ang pagpapatuloy niya. "Paniguradong miss na miss mo na ang jowamo."
"Ah, hindi" ang tugon ko."Kasama ko kasi siya run"
"Talaga?" ang gulat namannilang reaksyon.
"Anong kwento?" si Zeke.
"Baka pwedeng magpahinga munaako? O kahit paupuin niyo man lang mun ako, hindi ba?" angsarkastiko ko namang nasabi. Dala siguro ng pagod ko sa byahe.
"Pabebe" si Thia sabaytanggal ng mga gamit sa sofa na mukha nang pangdisplay ng ukay-ukayitems. Naupi naman ako agad. Nakita ko namang dumeretso si Zeke sakuwarto namin bitbit ang mga gamit ko samantalang si Thia naman aynagtungo ng kusina. Napapikit naman akong mga mata. May pasok na agadako bukas. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay ang saktong paglitaw niThia mula sa kusina na may dalawang tinapay at kape.Napakapamilyar... hindi naman na ako nagreklamo pa, bagkus aynagpasalamat pa ako. Lumabas din ng kuwarto si Zeke at halos sabaysilang naupo sa magkabilaan ko. Nagsimula na nga akong magkwento ngmga kaganapan. Ngayon ko lang napagtanto na sa bawat galaw ko o sabawat na lugar na pupuntahan ko, andoon at andoon si Luke. Am I inthe conclusion that I will never have to be alone anymore? Hanggangngayon may mga tanong na wala pa ring kasagutan. Mga what ifs? Andwhys? Pero sa ngayon hindi na muna importante ang mga yun. Siguro ngadahil takot ako sa kinabukasan ay natuto akong makontento sa kunganong meron ngayon.
"O, sha... yun na yun" anghuli kong sinabi pagkatapos magkwento.
"Kayo na talaga!" si Thiana kilig na kilig pa. Napapangiti naman ako.
"Magpahinga na tayo" angyaya ko sabay tayo. "May pasok pa bukas"
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...