Chapter Twelve: Fav♥rite S♥ng

20.5K 479 31
                                    

Sa aking pagsusulat ay hindi ko namamalayan na sa paglakas ng ingay sa labas ay siya namang paghina ng ingay sa loob mismo ng boarding house. Natigilan na lang ako nang may kumatok sa pinto, napalingon naman ako. Nasa bungad ang isa sa mga babaeng boardmates kong nag-aaral sa Saint Anthony, si Thia.

"Bakit narito ka lang?" ang tanong niya.

"May kailangan ba akong puntahan?" ang tanong ko naman pabalik.

"Sa labas, kasama si Zeke" ang tugon niya.

"Okay na ako rito. Hindi naman ako umiinom eh." ang paliwanag ko.

"dapat andun ka. Afterall, kasama niya ang bisita mo"

"Sino?"

"Si Luke Sanchez. Ikaw kaya ang nagdala rito nun. Kaya kargo mo siya" ang paliwanag naman niya.

"Ah, okay" ang reaksyon ko bago pinagpatuloy ang pagsusulat. "Hindi kami close"

"Ikaw ang bahala" ang sabi niya. "Kung sakaling hindi mo alam, lahat nasa labas. Ikaw na lang ang narito. Alam mo naman ang mga kwento-kwento rito sa boarding house. May gumagalang multo."

Kinalibutan ako sa sinabi niya.

"Sandali, Thia!" ang pagpigil ko sa kanya bago siya tuluyang makaalis. Natigilan naman siya at napatingin sa akin. Tumayo naman ako at madaliang nagjacket.

"Tara na nga" ang sabi ko. Sinabit naman niya ang kanyang kamay sa braso ko. Lumabas nga kami ng boarding house. Nasa labas nga silang lahat at nagkwekwentuhan. Magkatabi si Zeke at Luke, nag-uusap. Natigilan sila nang makita ako...kami ni Thia.. Tumabi ako kay Zeke at si Thia naman sa tabi ko.

"Hey, dogface" si Luke. "Dito ka maupo sa tabi ko. Ang dami pang space dito, sumisiksik ka diyan"

"Wala akong naririnig, Mr. Kimchi" ang sabi ko.

"Tatayo ka ba diyan o kailangan pa kitang kaladkarin?" ang pananakot niya.

"Anjan na" ang kaagad ko namang tugon sabay tayo at tabi sa kanya umupo ako na may malaking pagitan sa aming dalawa. Tinitigan naman niya ako ng masama. Napabuntong-hininga na lang ako at pasimpleng lumapit ng upo sa kanya. I'm hating this. Tahimik lang ako sa aking kinalalagyan habang si Luke, Zeke at Thia ay nagkwekwentuhan tungkol sa kung anu-anong bagay. Tungkol sa Science at General Info ang ang pinag-uusapan nila. Napatingin ako sa langit. Bilog ang buwan. Nakamasid ako sa ilang mga bituin nang makita ang tatlong magkakatabing bituin. Bakit parang ngayon ko lang napansin ang tatlong bituing yun? Nakapagtataka.

"Anong favorite song mo?" ang tanong ng katabi ko. Kaagad naman akong napatingin. May hawak-hawak na siyang gitara.  Hindi ko siya inimikan at binaling ang tingin ko sa ibang bagay. Hindi naman niya ako kinulit ngunit sinimulan niyang tugtugin ang gitara. Napakapamilyar ng tono.

>_< wtf.....

"This song is dedicated to my new pet... Pillow"

Grabe....

"Naks" si Zeke. Napatingin ako sa kanya ng masama. Nginitian niya lang ako.

Sa hindi inaaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito.

Tama nga.. Ang kantang Tadhana ng Up Dharma Down. Favorite song ko nga yun. Pero paano niya nalaman?.....

"Si Zeke talaga" ang nabulong ko. Napatingin naman sa akin si Luke at ngumiti.

0_o wtf. CRUSH ko na yata siya.

T_T

Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta.
Bakit di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kinakanta niya ang paborito kong kanta at denidicate niya pa talaga sa akin. Ayaw ko but my body is failing me. For an unknown reason...

KINIKILIG AKO.

Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan na
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Am I blushing???? Hindi pwede...

Dahil kapag oo...

SIYA ANG PINAKA-UNANG TAONG NAGPAMULA NG MGA PISNGI KO.

Medyo awkward dahil sa paminsan-minsan niyang pagtingin sa akin. Sana hindi niya pansin. Tinakpan ko na lang ang mga pisngi ko gamit ang mga palad ko.

Bakit di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin
'Wag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sayo
Whoo..oohh... ho..ooohh...
Whoo..oohh... ho..ooohh...
Whoo..oohh... ho..ooohh...
Whoo.. ohhh....
Lalalala...

"Nagustuhan mo ba?" ang bigla niyang tanong sa akin.

"uhm . Oo. Thank you" ang nahihiya kong tugon. Napangiti naman siya at tumango. Hindi nagtagal ay unti-unting nabawasan ang tao sa labas. Tuloy pa rin ang kwentuhan kahit na hindi naman ako nakikisalo sa kanila. Nagsimulang maging seryoso ang usapan nila.

"Hindi ko talaga matanggap na ganun-ganun na lang niya ako iiwan" si Zeke.

"Ganun talaga. Masakit sa una pero makakalimot ka rin" si Thia. "You deserve someone better"

"Bro, ang dami-rami pa diyan. Di ka mawawalan" ang dagdag din naman ni Luke. Hay naku..

"Madali mo yang nasasabi kasi maraming nagkakagusto sa'yo." ang komento ko.

"So, sa tingin mo dahil dun. Hindi na ako marunong magseryoso?" ang tanong ni Luke sa akin.

"Marami akong kilalang mga taong katulad mo. Lahat ginagawang laro." ang tugon ko.

"Before you label me. You have to understand that before I break hearts. Mine was once broken too." ang paliwanag niya.

" But it never should serve as a license to do so. You should know better" ang komento ko.

"I know better" ang tugon niya.

"No, you don't!"

"Yun eh!" ang biglang singit ni Zeke. "Hindi pa sila. LQ agad!"

Napatahamik kami ni Luke habang tumawa naman si Zeke at Thia.

"Ang cute niyo. Para kayong bata" si Thia.

"Che" ang reaksyon ko.

"Siguro... Natatakot lang siguro akong masaktan ulit." si Luke. Napatingin ako sa seryoso niyang mukha. Dala lang siguro ito ng iniinom nilang alak.

"Lahat naman ng tao may kinakatakutan" si Thia. "Ako.. Natatakot mahulog.. Baka walang sumalo. Eh, ikaw Xean?"

Napabuntong-hininga ako. Ano bang kinakatakutan ko?

"Ewan ko. Siguro... Ang tumanda ng mag-isa lang sa buhay. Natatakot ako sa kinabukasan. Ayaw ko nang gumawa ng mga plano kasama ang taong mahal ko tapos iiwan lang ako sa ere."

VIDEO ATTACHMENT: Tadhana by Up Dharma Down (Jireh Lim Cover)

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon