Chapter Forty-two: The End?

17.6K 411 38
                                    

Pagkagising ko ay hindi na ako nagulat nang yakap-yakap ako ni Luke habang magkatabi kami. Kaagad naman akong tumayo at lumabas ng tent.

"Ang sakit ng likod ko" ang reklamo ko sa hangin habang nag-iinat. Natatanaw ko na ang papataas na araw. Medyo maaga pa naman.

"Morning" ang pagbati ni Luke sa akin nang lumabas siya ng tent.

"Good morning" ang parang zombie kong tugon. Kapwa kami bagong gising dahil na rin sa mga itsura at paraan ng aming pananalita.

"Sarap ng tulog mo, no?" ang sabi niya.

"Ha? Paano mo naman nasabi?" ang tanong ko.

"Ito nga oh, may laway ka pa sa damit ko" ang turo niya sa dibdib niya sabay tawa.

"Aaah... eeeh... sorry" ang paghingi ko ng paumanhin.

"Ang aga niyo nagising" ang sabi ng isang tinig.

"Ui, magpalit ka na!" ang bilin ko kay Luke.

"I'm fine" ang sabi niya.

"Sige na!" ang sabi ko sabay lapit sa kanya at tulak papasok ng tent. Baka makita na naman ni Apple yun at mapag-isipan na naman kami ng malaswa. Pagkapasok ni Luke sa tent ay ang paglabas naman ng dalawang babae mula sa tent nila.

"Morning" si Apple. Natigilan ako sa itsura nila. Bakit ganun? Pag lalake ang bagong-gising ang sexy at ang hot tignan pero pag babae.... ang sagwa. Ang gulo ba naman ng buhok...

"Uhm, morning" ang tugon ko.

"Promise, ayaw ko na ulit matulog dito" si Bloom.

"Ako rin" si Apple.

"Eh, bakit ka nga ba dito natulog Apple?" ang tanong ko.

"Anong in-expect mo? Pabayaang mag-isa rito si Bloom?" ang tanong niya pabalik. Napakibit-balikat naman ako. "Mag-ayos na tayo. Balik na tayo ng dorm."

Yun nga. Pagkatapos makapag-ayos o nang mukhang tao na ulit sila Apple at Bloom ay nagsimula kaming maglakad pabalik ng dorm. Naaalibadbaran talaga ako sa pagdikit-dikit nitong si Bloom kay Luke. Ewan ko ba. Nakakairita lang panoorin.

"Uiii, jellly" si Apple.

"Hmmmf" ang reaksyon.ko. "jelly ka riyan"

"Aminin!!" ang tukso niya pa sabay tawa.

"Wala akong aaminin" ang giit ko. Pagkarating namin ng dorm ay dumeretso ako sa kuwarto. Medyo maaga pa kaya naman naabutan kong tulog pa ang mga roommate namin. Naupo naman si Luke sa gilid ng kama samantalang nagtungo na ako sa shower room at naligo. Pagkabalik ko naman ay nakatulog na siya. Mula sa pagkakaupo niya ay nakahiga na siya. Tahimik na lang akong nagpalit bago lumabas ng kuwarto at tumambay sa harap ng dorm.

"Good morning" ang bati ng isang tinig. Napalingon naman ako.

"Good morning" ang nakangiti kong pagbati pabalik sa kanya. "Ang aga mo namang nagising"

"Nagkataon lang" ang paliwanag naman niya bago tumabi sa akin. Napapasinghap ako. Ang sariwa kasi ng hangin. "So, kamusta ang meditation camp?"

"Worst experience ever" ang tugon ko.

"Bakit naman?"

"Ginapangan kasi ako ng gagamba sa paa" ang paliwanag ko. "Phobia ko kasi yun"

"Mabuti naman naalis mo"

"Luke saved me" ang sabi ko. "Again"

"Gusto mo na ba siya?" ang deretsahang tanong ni Terrence. Hindi na ako nagulat pa dahil alam ko namang itatanong at itatanong sa akin yan. Napabuntong-hininga na lang ako. "Crushlife lang dati eh. Pero ngayon likelife na. Palagi kasi siyang nasa tabi ko at may mga bagay na ginagawa siya na hindi pa nagagawa ng ibang tao sa akin. Eeeh, pero hanggang dun lang yun,hehehe"

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon