Ngayon ko lang napagtanto na nakagawian ko na pala ang pagmasid sa kalangitan, mapa-ulap man o bituin ang nasasakop ng aking paningin. Kahit paano kasi ay nawawala ako sa aking sarili.
"Mag-eenjoy tayo" ang huling sinabi ni Apple bago dumating si Prof. Napansin kong nasa lecture room na rin si Terrence at kasalakuyang kinaka-usap ang amazonang si Apolonia Perez. Bigla ko na namang naalala ang pagmumukha ni Luke Sanchez. Mukhang may atraso na naman ako kay Luke. Sana napigilan ko ang sarili ko pero grabe naman kasi siyang makapagbiro, nakakagulat at hindi nakakatawa.
Lumipas ang ilang araw ay hindi ko na masyadong nakikita si Luke maliban na lang sa nag-iisang minor subject na pinapasukan naming dalawa.
"Siguro naman, wala kang basketball practice next week dahil hell week" ang pagbasag ko sa katahimikan nang tumabi siya sa akin.
"Wala nga" ang pagkumpirma niya. Napatingin na lang uliy ako sa kalangitan.
"So, what's the talk?" ang tanong niya.
"Uhmm" ang hindi ko siguradong reaksyon. Wala rin kasi akong maisip na itutugon.
"I always catch you staring at the sky" ang pagpansin niya sa pagtitig ko sa langit. "Why?"
Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya.
"Nakasanayan lang" ang simple kong tugon.
"It's boring" ang komento niya.
"Alam ko" ang pagsang-ayon ko naman bago muling binaling ang tingin ko sa langit. Siguro nga masaya sa akin ang boring para sa iba.
"So, anong plano mo this Sem break?" ang out of the blue niyang tanong.
"Wala maliban na lang sa Teambuilding and Retreat Activities na gustong mangyari ng college organization namin" ang sagot ko.
"When? Where?" ang sunod-sunod niyang tanong.
"Hindi ko pa alam" ang monotonous kong tugon.
"Eventually, I'll know" si Luke. Napatingin ako sa kanya. Nakita ko siyang nakangiti na tila ba may na-iisip na magandang ideya.
"Huwag mong sabihin na may balak kang sumama" ang sinabi ko. "Sorry ka na lang college activity yun kaya hindi ka pwedeng sumama"
"I know" ang sabi niya. Hindi pa rin natinag ang ngiti niya. Weird.
"So, pagkatapos ng Sem na to, hindi na tayo magkikita pa" ang sinabi ko na nagpawala sa ngiti niya.
"What do you mean?" ang seryoso niyang tanong.
"Patapos na ang sem, ibig sabihin hindi na tayo magkaklase sa susunod" ang paliwanag ko. Biglang nanlaki ang mga mata niya. Nagbalik din naman ito sa dati.
"Let me guess... nalulungkot ka na" ang pag-aassume na naman niya.
"A-ano?!" ang gulat kong reaksyon. Nalaglag pa nga ang notebook at gel pen ko sa sahig. Kaagad ko namang pinulot ang mga yun. Nakakadalawa na tong asungot na to.
"Don't be" ang dagdag pa niya. Hay naku... "We'll still get together every afternoon. You should know your obligations"
"Anong obligations na naman ang tinutukoy mo?" ang naiinis kong tanong.
"Ang pagsama sa akin sa lahat ng lakad ko" ang tugon niya. "After all, marami ka pa ring atrasong kailangang pagbayaran."
"Sabi ko nga" ang reaksyon ko sabay buntong-hininga. Mahirap makipagtalo sa taong katulad niya. Wala rin namang problema sa akin ang makasama siya tuwing hapon. Nasanay na rin naman ako. At... gusto ko rin naman.
"Mukhang hindi na darating si Prof" si Luke. "I'll see you soon"
Pinanood ko siyang tumayo at tinawag ang mga kaibigan niya bago naglakad palayo at lumabas ng lecture room. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na rin ako ng lecture room at dumeretso ng boarding house. Nag-rereview lang ako buong weekend. Katulad ko ay nagsisipag na sa karereview at kamemmemorize ang iba ko pang boardmates tulad ni Zeke at Thia.
Pagsapit ng Lunes ay nagsimula ba pagsusulit. Nakaka-stress talaga ang mga ganitong punto ng pagiging estudyante. Miyerkules naman ng gabi ay busy pa rin ako sa karereview para aa exam ko sa hapon kinabukasan. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa kamememorize ng mga pangalan at mga petsa. Napabuntong-hininga na lang ako at inumpog ang noo ko sa mesa.
"Ui, Xean" ang pagtawag ni Zeke ngunit pumikit na lang ako at hindi umimik. Hindi gumagana ang pagiging Night Owl ko ngayon.
INFORMATION OVERLOAD
"Okay ka lang?" si Zeke.
"Okay pa naman" ang walang enerhiya kong sagot.
"Xean" ang pagtawag sa akin ng maliit na tinig... si Thia. "May bisita ka"
"Sino?" ang walang gana ko pa ring tanong.
"Ako" ang tugon ng iba ba namang boses, kilala ko kaagad kung sino. Napaupo ako ng deretso at napatingin sa pintuan. Nakasandal siya dun habang nakatupi ang mga kamay. Napakunot ang noo ko nang makita kobg naka plain white shirt siya at pajama.
"A-anong ginagawa mo rito?" ang nagtataka kong tanong. "At bakit gabyan ang itsura mo?"
"I'm off to bed" ang tugon naman niya sabay punta sa kama ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. "Tapos ka na bang mag-review?"
"Hindi ko alam. Wala nang pumapasok sa utak ko" ang pagmamaktol ko naman.
"You need a break" ang komento naman niya.
"Siguro nga" ang pagsang-ayon ko.
"Halika" ang yaya ni Luke sa akin.
"Saan?" ang tanong ko.
"Somewhere" ang simple naman niyang tugon.
"Sandali. Magbibihis lang ako" ang paalam ko.
"Hindi na kailangan. You're fine" ang sabi naman ni Luke.
"Sigurado ka?"
"Yuhp." ang tugon niya. "So, let's go"
"Sige"
"Bro, paheram muna nitong roommate mo. Ngayong gabi lang, pramiz ibabalik ko ng buo" ang paalam ni Luke kay Zeke.
"Kahit na sayo na siya. Okay lang ba wag mong ibalik basta aalagaan mo" ang tumatawang tugon ni Zeke. Walang-hiya para lang akong pinagsawaan na bagay kung ipamigay niya.
"Of course" si Luke. Pagkatapos ay hinila ako palabas ni Luke. Hindi niya dala ang usual na kotseng ginagamit niya bagkus ay isang pick-up ang nakaparada. Nang makasakay ay kaagad din kaming lumarga.
"Saan tayo pupunta?" ang tanong ko.
"Don't ask... just wait" ang utos naman niya. Hindi ko sigurado kung magandang ideya ito. May exam pa ako bukas ng hapon. Saan ba kami papunta? Alas-diyes na ng gabi. Nakapantulog siya samantalang nakapangbahay naman ako. Pagkatapos ng halos tatlumpong minutong biyahe ay pinarada niya ang sasakyan. Madilim ang paligid at malayo na kami sa sementadong gubat ng lungsod. Nasaan ba kami??
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...