Blink. Blink.
"Excuse me" ang paalam ko sabay takbo papunta sa Dorm. Natigilan ako sa kalagitnaan ng daan. Bakit biglang nang-init ang mukha ko???? Dumeretso ako ng banyo at tumingin sa salamin. Namumula na naman ako. Kaagad naman akong naghilamos para mapawi ang pamumula ng mga pisngi ko. Nang makarecover o naging normal na ang mukha ko ay dumeretso ako ng dining hall at tumulong na lang sa preparation ng makakain para sa dinner namin. Hindi nga nagtagal ay unti-unti silang nagsadatingan. Natigilan ako sa pagseserve nang makita si Luke na pumasok ng hall. Tumalikod naman agad ako at nagsimulang maglakad palayo.
"Pillow!" ang narinig kong pagtawag niya sa akin. Natigilan naman ako at napalingon. Lumapit naman siya sa akin. "Hi"
"Uhmm, hi! Bye!" kaagad naman akong umiwas sa kanya. Kumuha agad ako ng makakain at pumwesto malayo sa tao. Papalapit si Apple sa akin.
"Xean" si Apple.
"Yes?"
"After mo mag-dinner. Pumunta ka ng dorm at kumuha ka ng pangtulog" ang bilin niya sa akin.
"Uhmm, bakit?" ang nagtataka kong tanong.
"Sa meditation camp ka matutulog" ang tugon ni Apple. Natigilan naman ako sa pagkain.
"HA? HUI! BAKIT???!!!" ang gulat kong reaksyon ko.
"Ipapaliwanag ko kung bakit mamaya" si Apple.
"Apple, ayaw ko matulog ng mag-isa dun. Please" ang paki-usap ko sabay puppy dog pout na hindi ko naman sure kung bagay ko.
"Sino bang nagsabing mag-isa mo lang? May mga makakasama ka." ang sunod niyamg sinabi.
"Sino?"
"Makikilala mo sila mamaya-maya lang" amg huling sinabi ni Apple bago ako iniwan. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ngunit nasa isip ko kung sino ang mga makakasama ko sa meditation camp at kung anong rule ang hindi ko nasunod. Pagkakain ko nga ay dumeretso na ako ng dorm at kumuha ng damit. Saktong papunta na rin ang iba sa dorm nang pabalik na ako sa dining hall kaya hindi maiwasan ang pagtinginan ako.
"XEAN!!!" ang pagtawag ng isang pamilyar na boses. Si Terrence. Napahinto naman ako. "Narinig ko sa Meditation camp ka raw matutulog. Ano bang ginawa mo?"
"Aaah... eeh... hindi ko rin alam eh." ang tugon ko sabay buntong-hininga. "Haays"
"Okay ka lang ba?" ang nagaalala niyang tanong.
"Oo" ang unsure kong sagot.
"Kung gusto mo, samahan kita" ang alok niya.
"Terrence, wag na lang" ang pagtanggi ko sabay ngiti. "Magiging okay ako dun."
"Sigurado ka?"
"Oo naman!" ang enthusiastic kong tugon. "Mauna na ako. Baka topakin na naman si Apple at bigyan na naman ako ng punishment"
"Sige. Ingat ka" ang bilin ni Terrence.
"Salamat. See you" ang tugon ko sabay lakad patungo sa dining hall. Pagkarating ko ng dining hall ay nakita ko si Apple pati ang dalawang tao.
"IKAAAAAW???!!!!!" ang sabay naming nasambit sabay turo sa isa't-isa. "Wag mo akong sabayan!!!!"
"Xean... Bloom..." si Apple. "Baka gusto niyo mabawasan ng points ang mga team niyo?"
"Hmmmf!" ang sabay naming reaksyon ni Bloom sabay talikod sa isa't-isa. Napatingin naman ako sa isa pang andun na kanina pa nakamasid sa akin.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...