Chapter Eighty-nine: Mallows and Marshmallows

6.3K 246 4
                                    

Nang mapuno ang jeep ay nagsimula na kaming bumyahe.

"Ang tagal mo. Nasaan ka na?" ang text ni Luke.

"Papunta na. Nakasakay na ako ng jeep" ang tugon ko naman.

"Ingat" ang huli niyang reply. Bumaba naman ako sa harap ng village nila nang makarating na kami.

"Saan po punta nila?" ang tanong ni manong security guard.

"Kila Luke Sanchez po" ang tugon ko.

"Sige ho. Mag-iwan na lang po kayo ng isang ID dito sa guard house. Pakipirmahan na rin ang Visitors Log" maayos ko naming sinunod ang bilin sa akin. "Malayo-layo pa po yung bahay nila. Sana po nag-taxi na lang kayo"

"Masyadong mahal" ang tugon ko naman. Sinimulan ko naman ang paglalakad. Napatingin ako sa mga naglalakihang bahay sa village nila. Halatang pangmayan. Nagdoorbell kaagad ako nang makarating sa tapat ng gate nila Luke. Nagbukas naman ang gate.

Pinagbuksan ako ng gate ng katulong. "Kanina ka pa po hinihintay ni Sir Luke"

"Asan siya?" ang tanong ko.

"Nasa kwarto niya po" ang tugon niya. Kaagad naman kaming natigilan nang buksan naming ng pinto. Nasa sala si Brent at naka-Martial Arts position. Yung tipong makikipaglaban anytime.

"Brent" ang pagtawag ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig at parang may hinahanap.

"Breent" ang muli kong pagtawag. Napatingin naman na siya sa wakas.

"Tito Mallows!" ang excited niyiang reaksyon nang Makita ako sabay lapit sa akin. Pagkatapos ay parang muli na naman siyang naghahanap. "Have you seen my Dada?"

"No" ang tugon ko. "Why?"

"He stole my snack!" ang pagsusumbong niya sa akin.

"Hay naku, talaga yun!" ang bulong ko. Pati ba naman bata, binubully niya.

"It's okay, little boy" ang sabi ko sa bata. "I have something for you"

"Really?" ang excited niyang reaksyon. Kaagad ko namang binuksan ang dala kong plastic bag mula sa convenience store at kinuha ang isang bag ng marshmallows. Binigay ko naman say un sa kanya.

"MARSHMALLOWS!!!!" ang tuwang-tuwa niyang reaksyon sabay talon.

"Sayo lang yan" ang sunod kong sinabi. "Wag mo nang bibigyan ang dada mo"

"Hala!!!!" ang reaksyon naman ni Luke sabay labas mula sa likod ng sofa. "Brent, give your Dada. I love you!!!!!!"

"No!!! Tito Mallows said NO!" ang tugon ni Brent sabay takbo palayo.

"I'm your Dada" si Luke. "You should listen to me"

"No!!!" si Brent sabay takbo palayo. Hahabulin naman sana ni Luke si Brent nang tumigil siya sa harap ko at ninakawan ako ng halik sa labi bago tumakbo palayo. Naupo naman ako sa sofa. Nakakatuwa silang dalawa. Hindi naman nagtagal ay bumalik si Luke.

"Nagtago na si little boy, hindi ko na siya mahanap" ang balita niya sabay tabi sa akin.

"Ano ka ba? Pati bata, kinukuhanan mo ng pagkain" ang komento ko.

"Panglalambing ko lang yun pillow" ang depensa niya. "Isa pa marami kaming stock ng mga snack pa ra sa kanya"

"Aaah" ang reaksyon ko naman. Natigilan naman kami nang biglang lumabas ang Mama ni Luke mula sa kusina. Kaagad naman kaming nagbatian.

"Luke, tignan mo muna yung linuluto ko." Ang bilin niya kay blanket. "May kailangan lang akong tawagan saglit."

"Sige, ma" ang pagpayag ni Luke.

"Marunong kang magluto?" ang gulat kong tanong sa kanya.

"Oo naman" ang buong pagmamalaki niya. "Pupunta lang muna ako ng kusina"

Tumango naman ako biglang pagpayag. Linabas ko naman ang aking libro at nagbasa na lang. Pagkalaan ng ilang minuto ay sumunod na rin ako ng kusina. Nadatnan ko si Luke na nagpriprito. Sumilip namana ako. Hindi ko alam pero parang pancake na may gulay yung linuluto niya.

"Mukhang masarap...nakakagutom" ang komento ko naman. "Ano yan?"

"Hindi mo alam to?" ang tanong niya pabalik. "French food to mahal"

"Nagugutom ka na?" ang tanong niya. "Tignan mo kung may makakain diyan sa ref"

Sinunod ko naman ang bilin niya. Binuksan ko ang malaking ref nila. Nagtingin naman ako.

"Ano bang pwedeng kainin dito?" ang tanong ko.

"Naghahanap ka pa diyan; andito naman ako" ang singit naman ni Luke na nasa likuran ko na pala.

"Hay naku. Wag mong iwanan ang linuluto mo, baka masunog pa." ang komento ko. Bigla niya namang hinalikan ang batok ko bago umalis. Sira talaga to. Kumuha na lang ako ng tinapay at nagspread ng Nutella. Pumasok naman si Tita.

"Susmaryosep! Jeong-jeong, anong ginawa mo?" ang gulat na reaksyon ni Tita. Naguguluhan naman ako. "Bakit naging flat?! Parang mga bola dapat yan!"

" "Eh, ang hirap kaya prituhin ng ganun! ang protesta naman ni Luke. "Makakain pa rin naman"

"Lumabas ka na nga" ang utos ni tita. Lumabas naman kami ni Luke. Bigla naman akong natawa. As in ng malakas.

"Tinatawanan mo pa ako" ang seryoso niyang sabi, halatang nainis sa bigla kong pagtawa.

"Sorry, blanket" ang tawa ko pa rin ng tawang paghingi ng paumanhin.

"Sige! Tawa pa!" ang reaksyon niya. "Tignan natin mamaya kung makakatawa ka pa"

"Hala! Anong ibig mong sabihin?" ang tanong ko naman. Nginitian naman niya ako... yung tipong may plinaplano.

"Alam mo na yun!" ang tugon niya.

"Tito Mallows" ang pagtawag sa akin ni Brent. Napatingin naman ako. "Are you going to sleep here?"

"Yes" ang tugon ko naman.

"Can I sleep beside you and Dada?" ang tanong niya. Napatingin naman ako kay Luke na napasimangot.

'Of course" ang tugon ko naman sabay pinandilatan si Luke. Tuwang- tuwa naman si Brent sa pagpayag ko.

[LATER THAT NIGHT]

Magkakatabi kami sa kama ni Luke. Nasa gitna si Brent. Napagdesisyunan naming na manood ng animated movie; kasalukuyan naming pinapanood ang Big Hero 6. Mukhang na-eenjoy namn ng mag-ama ang palabas. Patapos na ang movie nang makatulog na si Brent. Napatingin naman kami ni Luke sa isa't-isa.

"Happy ako that he has a liking on you" ang mahina niyang sinabi. Napangiti naman ako.

"I feel the same way" ang tugon ko naman. He reached for my hand.

"I love you" ang sabi niya.

"I love you too" ang tugon ko.

"Let's sleep" ang yaya niya.

"Mauna ka na. Magbabasa lang muna ako saglit" ang sabi ko. Pumayag naman siya at muling nag-good night. Binasa ko naman ang e-book na pinasa ni Sir Elixir Hwan kanina. Ang sabi niya basahin ko and comment about it. Sa una nga ay tinanggihan ko kasi wala naman ako sa lugar para gawin yun. He's already an established writer samantalang wala pa ako sa kalingkingan niya.


I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon