"Tignan mo tong lalakeng to" ang bulong ko sa aking sarili. "Bipolar. Tssk!"
Pumasok na lang ako ng building at hindi na pinansin ang mga tingin ng ibang tao sa akin. Dumeretso na lang ako kay Apple.
"Tapos na ang trabaho ko" ang balita ko.
"Uhmm, puntahan mo ang mga Fourth year. Tulungan mo sila" ang bilin ni Apple.
"Ha? Eh, wala akong kilala sa kanila" ang protesta ko naman.
"Kahit na. Hanapin mo ang fourth year representative" ang dagdag niya pa. "Mabait yun"
Wala naman na akong magagawa kundi ang sundin siya.
"Nasaan ba sila?" ang tanong ko.
"Sa booth" ang tugon naman niya. "Ibigay mo na rin yung mga kailangan nila."
Nagpunta na nga ako sa bandang mga booth sa harap ng School of Literature and Humanities.
"Excuse me" ang pagdidistract ko kay ate na busy sa paggupit ng kung ano man. "Sino po yung fourth year representative?"
"Hindi mo siya kilala?" ang nagtataka niyang tanong. "Siguro, bago ka lang dito"
"Kalilipat ko lang po last sem" ang paliwanag ko naman.
"Kaya pala" ang komento niya. "Ayun siya"
Napatingin naman ako sa tinuro ni Ate. Nakatalikod si Kuya. Nakasuot ng snapback cap. Basta maporma. Pagkatapos makapagpasalamat ay lumapit ako kay Kuya.
"Uhm.. excuse me" ang pagkuha ko ng atensyon niya. "K-kuya, excuse me po... kuya?"
"Sandali lang" ang pagsingit naman ng isang boses. Napatingin ako. Pamilyar ang mukha. Siya yung Head Cheerleader ng Saints. Ang friendly ng smile niya. Tumabi diya kay Kuya at hinila ang kung ano mang nasa tenga ni Kuya.
"PEEEEEEEJJJJJAAAAAAAYYY!!!" ang malakas na pagtawag ni Ate kay Kuya.
"What the hell!" ang gulat na reaksyon ni Kuya. "Aryan, you lunatic!"
"Hey, who are you calling crazy, you idiot?" ang bawi naman ni.Ate sabay batok kay Kuya.
Hala, ang sosyal ni Kuya at Ate. Nosebleed alert! Nosebleed alert!!
"What the hell is your problem?" ang tanong ni Kuya kay Ate. Bigla naman akong tinuro ni Ate, napatingin sa akin si Kuya.
OmO.... hangpoooogiiii ni Kuya. Red hair, fair skin, makinis, almond shape eyes.. no wonder, kilala sa college namin. Magkasingtangkad siguro sila ni Luke.
"Boyfriend mo?" ang tanong ni Kuya sabay suri sa akin.
"Ogag! Kanina ka pa niya tinatawag pero nakaearphones ka" ang paliwanag ni Ate Aryan.
"Oh, I see." ang reaksyon ni Kuya.
"Maiwan ko na kayo. Tutulungan ko pa si Emily" ang paalam ni Ate sabay alis at lapit sa pinagtanungan ko kanina; si ateng busy sa ginugupit niya. Napatingin ako kay kuya nang bigla siyang napatikhim.
"So?" si Kuya.
"Sabi po ni Pres, tulungan ko kayo" ang paliwanag ko.
"Good. Mas marami, mas mabilis nating matatapos" ang nakangiti niyang sinabi.
Crush ko na yata siya.
"Pero wala pa yung mga materials na gagamitin natin" ang dagdag niya.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...