Chapter Eighteen: M♥ments

20K 491 48
                                    

"Alam mo, natutuwa ako ngayon" ang bigla niyang pagseseryoso.

"Bakit naman?" ang tanong ko.

"Tumatawa ka kasi ngayon" ang tugon niya. Tinabi ko sa mukha niya ang mukha ko para makita ang facial expression niya. Nakangiti lang naman siya ngayon.

"Ui, ang mukha!" ang reaksyon niya. "Mahal ang kiss! Iilan pa lang nakahalik sa mukha ko."

"As if!" ang komento ko na nakapagpatawa sa aming dalawa.

"Sana palagi ka na lang may sakit" si Luke.

"Bakit naman?"

"Para palagi kang tumatawa" ang seryoso niyang tugon. "Pakiramdam ko, mahirap kang patawanin, pakiligin o pasayahin"

"Ayaw ko, nakakatakot kasi" ang paliwanag ko.

"Ha? Natatakot sa ano?" ang nagtataka niyang tugon.

"Pakiramdam ko kasi, sa bawat oras na sasaya ako, may mahalagang bagay na kukunin sa akin o may malungkot na mangyayari" ang tugon ko.

"Ganyan din naman ako noon eh but because of so many things that have upset me in my life, or things that have made me sad, I have realised the only way you can be happy is to find it in yourself." ang matahinlaga niyang sinabi. Ramdam kong may hugot ang sinabi niya at hindi lang sa dahil may masabi siya.

"Ang lalim nun, ah!"

"Hindi ko nga rin alam kung saan ko nakukuha ang mga yun. Hindi ko rin alam kung nakukuha mo ang mga sinasabi ko" ang sabi niya.

"Nakukuha ko naman" ang tugon ko. "Medyo malayo-layo pa ang clinic. Okay ka pa?"

"Actually, pakiramdam ko... Pasan ko ang daigdig" ang komento niya.

"Ha? Bakit? Mabigat ba ako masyado?" ang sunod-sunod kong tanong.

"Hindi" ang simple naman niyang tugon. "Ikaw kasi ang mundo ko"

Peste.

"Kung makabanat, ha!" ang nakangiti kong komento.

"Minsan nakakalimutan kong tao ako pag magkatabi tayo" ang sunod niyang sinabi nang seryoso.

"Kasi nagiging god ka ng kakisigan?" ang tanong ko.

"Hindi. Nakakalimutan kong tao ako, naiisip ko kasing bagay tayo" ang muli niyang banat. "Maliit ba mga kamay mo?"

"Parang hindi naman" ang tugon ko sabay suri sa mga kamay ko. "Bakit?"

"Nakakapagtaka lang. Kung maliit mga kamay mo paano mo nahawakan ang mundo ko?" ang paliwanag niya.

"Asus. May tanong pala ako sa'yo"

"Ano?"

"Tanga ba ako?"

"Ha? Hindi naman. Bakit?" si Luke.

"Sa tingin mo ba tanga ako kung ikaw lang naman ang siyang laman ng isip ko?" ang pagsakay ko sa kapi-pick up line niya. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ewan ko nga eh kung matino pa ako" si Luke.

"Oh, bakit?" ang tanong ko.

"Pag naaalala kita, nababaliw ako" ang tugon niya na nagpatawa sa akin.

"Puro ka Haha...pag ako nainis... Hahalikan kita!"  ang sunod niyang banat.

"Sira ka talaga" ang komento ko. Napatahimik naman kaming dalawa."Ganyan ka rin ba sa ibang tao?"

"Anong ibig mong sabihin?" ang tanong niya pabalik.

"Masyado kang pa-fall" ang deretsahan kong tugon.

"Bakit? Nafafall ka na ba sa akin?" ang tanong niya. Hindi ko mawari kung seryoso siya o nang-iinis na naman.

"Actually, may crush na ako" ang tugon ko. Napahinto naman siya.

"Sino???" ang curious niyang tanong.

"Secret" ang pag-iwas ko.

"Pakilala mo sa akin para malaman natin kung bagay kayo" ang suhestyon niya.

"Ayoko nga" ang pagtanggi ko naman.

"Mabait ba?" ang tanong niya. Napa-isip naman ako.

"Oo naman" ang tugon ko.

"Mas gwapo sa akin?" ang sunod niyang tanong.

"Uhm, kasing gwapo mo" ang naging tugon ko.

"Sino ba siya?" ang tanong niya muli.

"Bakit ba gusto mong malaman?" ang tanong ko naman pabalik.

"Wala lang" ang tugon naman niya. "Just curious. Wag mong sagutin ang tanong ko ng isa pang tanong"

"Sungit" ang bulong ko sa aking sarili. Sinalubong naman kami ng nurse nang makita kami.

"Anong nangyari sa kanya?" ang tanong ng nurse.

"Naulanan po kahapon. Na-trap pa kami sa elevator kaya nagkasakit" ang kwento ni Luke. Pinahiga ako sa kama at inasikaso ng nurse.

"Hey, I'll just grab you some breakfast" ang paalam niya. Tumango naman ako at tuluyan naman siyang umalis. Akala ko puno siya ng kalokohan pero nakakagulat din naman dahil sa pinapakita niyang kabutihan sa akin. Napapangiti na lang ako sa isang katotohanan.. . Na crush ko na nga ang pinaka-sutil at pinaka-kinatatakutan sa Saint Anthony University.  Ngunit alam ko sa aking sarili na hanggang doon lang yun at hindi na pwedeng humigit o lumalim pa. 

Hindi naman nagtagal ay dumating na nga si Luke bitbit ang ilang plastic bag. Inihanda naman niya yun.

"Mabuti na lang may malapit na lugawan" ang sabi niya. "Subuan na kita"

"Hindi na. Kaya ko naman" ang pagtanggi ko.

"Okay lang naman sa akin eh" si Luke.

"Hindi na. Kaya ko" ang giit ko. Napatahimik naman siya at napabuntong-hininga sabay abot sa akin ng styrobowl lulan ang lugaw at plastic bowl.

"Umuwi ka na muna" ang suhestyon ko. "May klase ka rin"

"A-absent muna ako. Ba-"

"Hindi na. Wag na. Okay lang ako rito." ang kaagad kong sinabi, hindi na pinatapos ang sasabihin niya.

"Uhm.  Okay" ang tugon naman niya. "I'll check you later. Get well soon, Pillow"

Aktong palabas na siya ng clinic nang tawagin ko siya.

"Mr. Kimchi!"

"Yeah?" ang tugon niya sabay lingon sa direksyon ko.

"Thank you" ang nahihiya kong pasasalamat. Napaiwas ako ng tingin at napayuko naman ako dahil sa hiya. Nagulat na lang ako nang may kamay na pumatong sa ulo ko. Napatingin ako sa kanya. He smiled.

"Anytime" ang sabi niya bago tuluyang lumabas ng clinic. Naiwan naman ako na nakatulala at nakatingin pa rin sa direksyon kung saan dumaan palabas si Luke.

"Makikita mo ulit siya mamaya" ang singit ng nurse. Napatingin naman ako sa kanya. Nakangiti lang siya nang nakakaloko kaya namula ang pisngi ko hindi dahil sa sakit ko kundi nasaksihan niya ang eksena namin ni Luke kanina. "Sa ngayon, ubusin mo na yan para maka-inom ka na ng gamot at makapagpahinga ka na"

Kahit awkward sa pakiramdam ay sinimulan kong kainin ang lugaw na binili ni Luke para sa akin.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon