Chapter Seven: Ikot-ikot

20.6K 500 39
                                    

Xean's POV

"Hala ka! Bakit mo ginawa yun?" ang gulat na reaksyon ni MJ.

"Ang alin?" ang tanong ko naman.

"Kinuhanan mo siya ng makakain."

"Ginawa niya rin naman sa akin, eh," ang depensa ko sa aking ginawa.

"Sa bagay, parang walang epekto sa kanya," si Afel. Napatingin naman ako muli kay Luke. Nagtatawanan sila ng mga kabarkada niya. "Close kayo, no?"

"Hindi ah! Hindi ko talaga siya kilala," ang pagtanggi ko. "Tsaka nagkabungguan kami kaninang umaga lang kaya sinasabi niyang may atraso ako sa kanya."

"Anyway, yung mga kasama nga niya nga pala. Sila Axel, Anjo, Marcus at Riley," ang turo nila sa mga kasama ni Luke. At lahat sila ay puro chinito. Pagkatapos kong mag-meryenda ay pumasok na ako sa aking susunod na klase. Wala naman akong naging problema maliban na lang sa huli kong subject. Sa ibang block ako napunta. Nagkamali yata ang registrar's office sa sched ko pero okay lang. Nakapwesto na ako sa loob ng lecture room. World Literature ngayon. Ganun pa rin ang pwesto ko, malapit sa bintana. Nakadungaw ako sa labas ng makuha ang aking atensyon ng mga maiingay na estudyanteng pumasok. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha ni Luke. Kaagad kong kinuha ang folder ko sa arm chair at pasimpleng tinakip sa aking mukha para hindi niya ako mapansin. Naramdaman kong pumwesto sila malapit lang sa akin. Mukhang may sarili naman silang mundo kaya medyo napanatag na ako. Hindi talaga ako kumportable kay Luke. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang Prof namin.

"For now, group yourselves into six," ang utos ni Prof. Nanatili na lang ako sa aking upuan at naghintay ng kung sino mang lalapit sa akin. Napadungaw na lang ako sa labas ng bintana.

"Excuse me," ang pag-agaw ng atensyon ng isang tinig. Kaagad naman akong napatingin. Isang babaeng nakangiti sa akin. "Kulang pa kasi kami ng isa. Baka gusto mong-"

Nag-iba ang direksyon ng tingin niya.

"Uhmmm, sorry. Kompleto na pala kami," ang bigla niyang pagbawi sa kanyang sinabi bago umalis. Nakapagtataka naman yun. Bigla na lang may tumabi sa akin. Napatingin naman ako. Si Luke. Nanlaki ang mga mata ko at napa-urong palayo sa kanya. Puwesto naman ang iba niyang kasama sa ibang upuan; forming a circle. Tumayo si Luke at lumapit sa armchair ko. Kinabahan ako nang hinila niya ang upuan palapit sa kanila bago tahimik na umupo. Sinimulan namin ang activity. Contribution lang tungkol sa literature. Tahimik lang akong nagsasalat samantalang ang mga ka-groupmate ko ay may kanya-kanyang mundo. Napatingin ako nang...

"Ikot ikot lang. Ikot ikot ikot lang. Ikot... ikot..." ang biglang pagkanta ni Luke. Napatingin naman ang mga kabarkada niya sa kanya. Muli akong bumalik sa ginagawa ko.

"Ikot ikot lang. Ikot ikot ikot lang. Ikot... ikot," ang muling pagkanta ni Luke sa awitin ni Sarah G.

"Ikot ikot lang. Ikot ikot ikot lang. Ikot... ikot."

"Ikot ikot lang. Ikot ikot ikot lang. Ikot... ikot."

"Luke, itigil mo nga yan!" ang suway nung si Axel, halatang inaantok.

"Get a life!" ang tugon ni Luke. "Ikot ikot lang. Ikot ikot ikot lang. Ikot... ikot."

"Ano ba? Paulit-ulit!" ang naiiritang reaksyon naman ni Marcus.

"Mind your own business," ang pambabara na naman ni Luke. "Ikot ikot lang. Ikot ikot ikot lang. Ikot... ikot."

"Wala ka na bang alam kantahin kundi 'yang chorus?" ang tanong naman ni Riley.

"Ikot ikot lang. Ikot ikot ikot lang. Ikot... ikot."

"Argh!" ang halos sabay-sabay na reaksyon nila. Tinakpan ko na lang ang isa kong tenga para hindi na masyadong pumasok sa sistema ko ang paulit-ulit na kinakanta ni Luke. Hinawi naman niya ang kamay kong nakatakip sa tenga ko sabay... "Ikot ikot lang. Ikot ikot ikot lang. Ikot... ikot," ang muli niyang pagkanta. "Ikot ikot lang. Ikot ikot ikot lang. Ikot... ikot."

"Kung gumagawa ka na rin kaya ng ma-cocontribute mo" ang komento ko bago pinagpatuloy ang ginagawa ko. Inilabas niya ang binder niya at imbes magsulat ay nagsimula siyang mag-drawing. Napa-iling na lang ako.

"Ikot ikot lang. Ikot ikot ikot lang. Ikot... ikot."

"Ikot ikot lang. Ikot ikot ikot lang. Ikot... ikot."

"Dude, maawa ka naman sa mga tenga namin. Para kang sirang plaka," ang komento ng isa.

" "Ikot ikot lang. Ikot ikot ikot lang. Ikot... ikot," ang muling pagkanta ni Luke at hindi na pinansin ang mga barkada niyang iritang-irita na sa paulit-ulit niyang kinakanta. Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ang group activity.

"Okay. Pass your outputs," ang utos ni Prof. Binigay sa akin ng apat ang ginawa nila maliban na lang si Luke na nagdrawing lang. Tinignan ko naman ang gawa nila. Medyo maayos ang ilan. Ang iba naman ay dalawa hanggang tatlong pangungusap lang.

"Dogface," si Luke sabay pakita ng palad niya. "Ako na ang magpa-pass kay Prof."

Hindi na lang ako umimik at binigay ko na lang sa kanya ang mga papel. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako sa sunod niyang ginawa. Sinulat niya ang pangalan niya sa taas ng pangalan ko. Napatingin naman siya sa akin at mapanuksong ngumiti.

Tumalim ang tingin ko. Pakiramdam ko ay lahat ng dugo sa katawan ko ay napunta lahat sa ulo ko. Pinanood ko siyang magtungo sa desk ni Prof at binigay ang mga papel. Pagkabalik niya ay kaagad niyang tinapik ang ulo ko ng tatlong beses.

"Good pillow," ang puri niya. Hindi na ako makahinga sa mga sandaling ito. Parang ano mang oras ay sasabog ang ulo ko sa pang-iinis niya sa akin.

"I hate you," ang sabi ko sabay layo sa kanila. Napapikit ako at nagbilang para mapakalma ko ang aking sarili. Tumingin na lang ako sa asul na kalangitan. Pagkatapos ng last subject ay paspasan akong lumabas ng lecture room. Baka kung ano-anong kalokohan na naman ang maisip ng Luke Sanchez na yun sa akin. Pagkalabas ko ng lecture room ay nakita ko si Daniel. Sinalubong naman niya ako at kinamusta ang unang araw ko sa Saint Anthony. Hindi ko na binanggit pa ang tungkol kay Luke. Hinatid naman niya ako sa boarding house.

Pagkatapos makapag-hapunan ay nahiga ako sa kama. Napapa-isip na lang ak nang maalala ang nakakainis na Luke na yun.

"Good pillow," ang muling pumasok sa isip ko. Napahawak ako ng wala sa oras sa ulo ko. Kaagad kong tinanggal ang kamay ko at agresibong nailing sa mga naiisip ko. Huli na ng mapagtanto kong namumula ang mga pisngi ko.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon