Pumasok nga kami ng horror house. Madilim at kung anu-anong nakasabit at nakalagay sa daan. Ewan ko ba pero hindi ako natatakot o natutuwa sa sound effects.
"Grabe, nakakatakot" ang sarcastic kong sinabi sa ere.
"Huh?" si Luke. "Halika rito sa tabi ko"
Sabay akbay niya sa akin.
"Don't be scared. I'm just here" ang dagdag niya pa. Seryoso, wala ba sa bokubularyo nito ang salitang "sarcasm"?
"Asus, pumaparaan" ang pagpuna ko.
"Oo naman" ang nakangiti namang pag-amin ni Luke.
"Asa ka!" ang sabi ko.
"Sus, nakayakap ka na nga sa akin eh" ang komento naman niya. Napagtanto ko naman na nakapulupot ang mga kamay ko sa kanya.
"Subukan mong alisin" ang pagbabanta ni Luke. Napakunot naman ako ng noo. "Kundi hahalikan kita."
Kaagad ko namang tinanggal ang mga kamay ko.
"Tinanggal naman!" ang tukso niya sa akin sabay tawa. "Ang landi mo!"
"Eh, ano ngayon?!" ang bawi ko naman. "Masama ba?!"
"Hindi" ang tugon niya "Kung sa akin lang"
Bago pa lang ako sumagot ay biglang namatay ang mga ilaw. Napasigaw naman ako bigla dahil sa gulat. Biglang may humawak sa magkabilaang braso ko sabay may kung ano mang dumampi sa mga labi ko. Kaagad din naman itong nawala. Pagkatapos ay bumukas ang mga ilaw. Napatingin ako kay Luke na kasalakuyang nakangiti ng nakakaloko. Biglang rumagasa ang dugo sa mukha ko at ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko. Bigla ko na lang siyang nasuntok sa braso.
"Hui, bakit ka ba nanununtok?" ang tanong niya.
"Magnanakaw!!!" ang sigaw ko sa kanya.
"Eeeh?" ang reaksyon niya sabay turo sa sarili.
=____= nagmamaang-maangan pa!
"Hinalikan mo ako!" ang sigaw ko. Bigla na namang namatay ang ilaw sabay sigaw ng sino man sa likod ko. Kaagad akong napakapit kay Luke. Dahil sa sobrang pagkapraning ay muntikan nang magtama ang mga mukha namin.
"Ehemm" ang pagtikhim ni Luke nang bumalik ang ilaw sabay nakaw na naman ng halik sa akin. Aba't nakakailan na ang gagong to!
"Kanina ka pa ah!" ang reaksyon ko sabay layo sa kanya. Tumawa lang naman siya.
"Tara na nga pillow" sabay lakad palayo. Napasunod naman agad ako. Habang tumatagal ay mas lalong naglalabasan ang mga nananakot sa horror house. Napapakunot na lang ako ng noo o napapataas ng kilay sa mga nakikita ko.
"Wag kang matakot. I'm here" si Luke na kina-career ang pang-aakbay sa akin. Hindi na lang ako umiimik bagkus ay napapangiti na lang ako.
Natigilan ang lahat, pati ang mga nananakot at sound effects nang biglang namatay ang mga dim lights at tuluyan kaming binalot ng dilim.
"A-anong nangyayari?" ang tanong ko.
"Pakulo lang yan ng horror house" si Luke. Nanlaki ang mga mata ko nang may mga kamay na humawak sa akin at pilit akong hinatak palayo. Sisigaw na sana ako nang biglang may kamay na tumakip sa bibig ko.
Kidnapping? Sa loob ng horror house?? Grabe namang pakulo yan!
"Pillow? Pillow?" ang naririnig kong pagtawag ni Luke.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...