Chapter Twenty Six: Terrified

17.8K 397 12
                                    

"Narito na tayo" ang pagkumpirma niya. Bumaba kami ng sasakyan kaya naman lalo kong nasuri ang paligid. Damuhan at ang katangi-tanging pinanggagalingan ng liwanag ay ang buwan.

"Uhm, Luke" ang pagtawag ko sa kanya ngunit walang sumasagot. Nagsimula akong kilabutan. Ang creepy ng lugar na pinagdalhan niya sa akin.

"Luke" ang muli kong pagtawag. Hindi pa rin siya sumasagot. Nasaan na ba yung asungot na yun? Hindi  na talaga ako natutuwa sa mga kalokohan niya. "Luke"

Haaaays, natatakot na talaga ako. Ayaw na ayaw ko sa mga ganitong lugar. May tumunog sa bandang likuran ko. Dahil sa sobrang takot ay hindi ko na nagawang gumalaw pa. Napapikit na lang ako nang may dumampi sa base ng likod ko. Naramdamab  kong umakyat yun patungo sa batok ko. Ano bang kasalanan ko at tinatakot niya ako ng ganito??

Sunod naman ay napuno ang pandinig ko ng tunog na katulad ng nagmumultong si Sadako sa pelikulang The Grudge. Napapadasal na ako sa mga sandaling to at halos lahat ng kilala kong mga anghel at Santo ay tinawag ko.

Hindi ko alam pero... napasigaw na lang ako nang may bumuga ng hangin sa tenga ko sabay sambit ng pangalan ko.

"Xean... xean..." ang sunod-sunod na pagtawag sa akin ng kung sino o kung ano mang nilalang. "Xean! It's me, Luke! For heaven's sake!!"

Natigilan naman ako sa pagsigaw at pagpupumiglas. Tatakbo na sana kasi ako palayo ngunit may humawak sa braso ko. Hindi ko namalayan kong lumanding ang kamao ko sa ulo ni Luke.

"Aray!!" si Luke sabay hawak sa nasaktang parte ng ulo niya. "Remind me not to scare you again.

"Iuwi mo na ako kung tatakutin mo lang ako!" ang utos ko sabay bukas ng pinto ng sasakyan 

"Wait" ang pagpigil niya sa akin. "I'm sorry. It never occured to me that your such a scaredy cat"

Para naman akong nahulugan ng malaking bato nang marinig ang sinabi niya.

"Ewan ko sayo" ang naiinis kong sinabi sa ere. "Siguro naman may maganda kang rason kung bakit tayo narito"

"Only if you promise me that you'll not fall in love with me" ang sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko mawari kung nagbibiro lang siya o seryoso siya sa sinabi niya. Nakatitig lang  naman siya sa akin n waring naghihintay na mangako ako sa kanya. Sinara ko ang pinto ng sasakyan at sumandal ako roon.

"Mahirap akong i-please, Mr. Sanchez" ang pagsisimula ko sabay tiklop ng mga kamay ko. "Hindi ko na kailangang mangako."

"As you say so" anh nakangiti naman niyang tugon. Ngayon ko natanggap ang isang katotohanan. Na natatakot din pala ako sa kanya. Hindi dahil sa sinasabi nilang mapanakit siyang tao kundi dahil sa mga bagay na pinapakita niya sa akin. May gusto ako sa kanya at hindi na maaalis yun. Siguro nga mas okay na ang ganito; ang pagiging kontento sa pag-iisa.

"So, shall we?" si Luke. Napatango naman ako. Naglakad siya patungo sa likod ng sasakyan. Sumunod naman ako. Inalis niya ang takip ng likod ng pick-up.

"Uhmmm"

"Stargazing" ang kaagad niyang tugon na hindi ko pa man nasasabi ang katanungan ko. Kung para saan ang mga unan na marami. Kaagad naman siyang umakyat.

"Halika na" ang yaya niya sabay offer ng kanyang kamay. Tinitigan ko lang naman yun.

"Don't tell me naiilang ka pa rin sa akin. Ipapaalala ko lang sayo na ilang beses na tayong nagtabi sa pagtulog" ang natatawa niyang sinabi.

"Walang-wala akong alam sa mga pagkakataong yun" ang pagklaklaro ko. "Nagigising na lang ako na katabi na kita"

"Ako nga rin eh. Nagigising na lang na katabi kita" ang sabi niya. As if naman. "But tonight, iba ang sitwasyon. Halika na nga rito."

Hindi na nga ako tumugon pa at kinuha ang kamay ni Luke at hinayaan ko siyang tulungan ako pataas. Maayos na bakaset-up ang likuran. In fact, para ngang kama eh. Ang weird. Naupo lang ako sa gilid at kumuha ng isang unan at yumakap dun. Naupo naman si Luke sa bandang gitna. Ang awkward.

"Uhm, para saan to?" ang nahihiya kong tanong.

"I know that I've been such a bully" ang pagsisimula niya. "But I just want to let you know that kahit na ganito ako. There's still goodness in me"

"Alam ko naman yun at nakikita ko" ang tugon ko. Nakangiti lang naman siyang napatango at nagpasalamat.

"Halika rito. Tumabi ka na muna sa akin" ang bilin niya. Lumapit naman ako at tumabi nga sa kanya. "Wanna watch a movie?"

"Sige" ang pagpayag ko. "Anong movie?"

"Final Destination?... Saw?... The Living Dead?"

>______<

"Wag na!!!" ang kaagad kong pagbawi. Please lang, I can't stand them.. Binuksan naman niya ang kanyang laptop at kinalikot ito.

"Ito na lang for you" ang sabi niya. Nagsimulang magplay ang isang movie file. "The Lake House".

Kate: The story of my life. Keep everything at a distance. Everyone... The man who was standing in front of me... the one that wanted to marry me... him, l push away. l run from him. ln the meantime, the.... The one man l can never meet... HIM, l would like to give my whole heart to.
It's nice. It's safe.

#awwwww

"Ang ganda ng movie" ang nakangiting komento ni Luke.

"Oo" ang pagsang-ayon ko sabay hikab. Napagod siguro ako sa review kanina at sa pelikulang pinanood ko.

"Ala-una na pala" si Luke. "Tulog na tayo"

"Sige" ang pagpayag ko. Papunta na ako sa gilis para bumaba nang...

"Hui! Saan ka pupunta?" ang tanong niya.

"Ihahatid mo na ako, hindi ba?" ang tanong ko naman pabalik.

"Nuh-uh" ang tugon niya sabay iling.

"Halika nga rito" ang sabi niya sabay hatak sa kamay ko. "Dito tayo mismo magpapalipas ng gabi"

Blink. Blink.

"D-dito?" ang tanong ko habang tinignan muli ang paligid.

"Takot ka,no?" ang natatawa niyang tanong na tila ba nang-iinis pa.

"Hindi ah!" ang pagdedeny ko kahit na kinalibutan na ako.

"Asus, okay lang yan. Narito naman ako eh"

"Kung sa bagay pati mga multo matatakot sayo" ang bulong ko sa aking sarili.

"May sinasabi ka?"

"Wala. Inaantok na ako kako"

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon