Kinabukasan ay naging maayos na ang pakiramdam ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa pasilyo ng isa sa mga gusali ng Saint Anthony. Bukod sa aking bag ay bitbit ko ang isang paper bag na lulan ang nalabhang damit ns ipinaheram sa akin ni Mr. Kimchi. Napangiti ako nang makita si Terrence sa kabilang dulo ng pasilyo. Naglalakad din siya patungo naman sa pinanggalingan ko. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng isa sa mga manuals namin.
"Ter-" ang pagtawag kp sana sa kanya ngunit kaagad din naman akong natigilan nang may mga paang nagstretch-out mula sa pinakamalapit na pinto sa kanya. Tulad nga ng inaasahan ay natalisod siya dahil dun. Nagkalat ang mga papel na naka-ipit sa manual ni Terrence. Napalakad ako ng mabilis para tulungan siya. Napahinto rin naman ako nang makita kung sino ang may-ari ng mga paa. Naka-upo siya sa isang monobloc chair. Nakapikit lang siya habang nakangiti.
"Sorry, ha. Mahaba lang talaga ang mga paa ko" ang paghingi niya ng paumanhin ns tila ba nang-aasar pa. "Ang tangkad ko kasi"
Hay naku. Imbes na tulungan si Terrence ay inuna niya pa ang magyabang. Napatingin naman kami ni Terrence sa isa't-isa.
"Tulungan na kita" ang nakangiti kong sinabi sa kanya.
"P-PILLOW?!" ang gulat na pagtawag sa akin ni Luke. "Kanina ka pa ba andyan?"
"Oo, kanina pa" ang tugon ko. Nakatingin naman na siya sa akin at bigla na lanh nag-ayos.
"Hep, hep, hep!... Don't you dare move a muscle" ang pagpigil sa akin ni Luke sa tangka kong pagtulong kay Terrence.
"So, gusto mong panoorin ko lang siyang ganyan?" ang tanong ko.
"Exactly" ang tugon naman niya bago tuluyang tumayo.
"Pero-"
"Sssshh" ang pagpapatahimik niya sa akin. Pinanood ko siyang pumwesto sa likod ni Terrence at tinulungan siyang tumayo.
"Okay ka lang, bro?" ang tanong ni Luke kay Terrence. Tumango lang si Terrence at sinimulang magpulot ng nagkalat na papel.
"Stop!" si Luke nang mapansing magpupuloy din ako. Napapuntong-hininga na lang ako. Anong meron sa kanya ngayon? Nagpulot din siya ng papel at inabot kay Terrence. Humarap siya sa akin at nagpamewang.
"Ang bait ko, di ba?" ang biglang tanong niya sa akin. Napanganga naman ako sa tinanong niya. Napangiti ako at tumingin sa kanya.
"Oo, ang bait mo" ang tugon ko. Hindi lang dahil sa pagtulong niya kay Terrence kundi sa pinakita niyang pag-aalala sa akin nang magkasakit ako. Napangiti naman siya pabalik.
"Ito nga pala yung mga damit na pinaheram mo sa akin" ang sabi ko sabay pakita sa kanya ng paper bag.
"Hindi mo naman kailangang ibalik ang mga yan" ang komento niya.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" ang tanong ko.
"Alam ko naman na may crush ka sa akin" ang sunod niyang sinabi. Pakiramdam ko ay rumagasa ang lahat ng dugo ko patungo sa aking mukha.
"H-hindi ah!" ang pagtanggi ko. "Wala akong gusto sa'yo!"
Dahil siguro sa nararamdamab kong hiya ay binato ko sa kanya ang paper bag.
"Hey! What's that for?" ang protesta naman niya.
"Sira-ulo!" ang sabi ko sa kanya bago naglakad palayo.
"I'm just kidding!" ang sigaw niya ngunit hindi na ako tumigil pa at pinagpatuloy na lang ang paglalakad.
"Jerk... jerk... jerk...." ang paulit-ulit kong binabanggit habanh naglalakad. Sinasabayan ko yun ng paghinga ng malalim. Dumetso ako ng lecture room at naupo sa usual spot ko. Kaagad namang naupo sa tabi ko si Apple o Apolonia Perez. Medyo weird siya, hindi lanh dahil sa kasing tapang niya ang binigay na pangalan sa kanya kundi dahil din sa pagiging friendly niya sa lahat. At kahit ako man ay napalapit na sa kanya. Nakapositibo niyang nilalang kaya naman minsan ay na-iinsecure ako sa kanya. Ako kasi yung tipo ng tao na minsan lanh kung dapuan ng positibong pag-iisip at sa mga pagkakataong ganun, kaagad din itong lumilipas.
"HOY! Nakasimangot ka na naman diyan!" ang pagpuna niya sa akin.
"Hindi na ito bago" ang komento ko.
"Hulaan ko... si Luke Sanchez na naman ang dahilan" ang sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
"Nasanay ako" ang tugon ko.
"Alam mo, hindi kita maintindihan" si Apple. "Bakit pinipili mo ang mag-isa? Bakiy kontento ko sa ganun? The idea of loneliness don't appeal to me"
"Bakit nga ba?" ang tanong ko. "Kasi mas safe. I am my own savior, hindi ako nakadepende sa iba... kasi masasabi ko na... I'm my weakest self when attached"
"Bakit hindi mo subu-"
"Because every risk I took was never worth it" ang kaagad kong tugon sa itatanong pa lang niya.
"Naiintindihan ko. Takot ka sa love" si Apple sabay puppy dog pout.
"Hindi... wala akong Philophobia. I'm just Agliophobic" ang pagtatama ko.
"A-aglio..." si Apple. "A-ano?"
"Agliophobia, the fear of getting hurt" ang paliwanag ko.
"Siguro nga napagod ka na" ang komento niya. "P-pero baka sa maling tao mo nailaan ang mga effort mo"
"Siguro nga" ang tugon ko. "Sa iilang tao pa lang nakakapagod na; paano pa kaya kung subukan ko ulit sa tatlong bilyon pang natira sa mundo"
"Over na yan!" ang kengkoy niyang reaksyon na ikinatawa ko.
"Mabuti naman napagtyatyagaan mo ako" ang bigla kong nasabi.
"Alam mo kasi. Sa tuwing titingin ako sa'yo. Nakikita ko ang lungkot mo. At sa tuwing titingin ako sa mga mata mo... para kang nasa ibang lugar samantalang nasa harap lang naman kita" ang paliwanag biya. "Malayo... malalim... ewan ko ba kung bakit"
Napatango naman ako sa sinabi niya.
"At tsaka, kahit na napakapormal mo. Maldito kung minsan. Mabait ka rin naman" ang pagpapatuloy niya. Napangiti naman ako.
"Anyway, magkakaroon nga pala tayo ng teambuilding and retreat after ng finals" ang balita niya.
"Para saan?" ang walang interes kong tanong.
"Fun, relaxation... after ng Hell week" ang tugon niya.
"Kailangan ko bang pumunta?" ang sunod kong tanong.
"Oo, activity yun ng college organization natin and as a member, you're obliged" ang pormal naman niyang pagpapaliwanag. Palibhasa ay siya ang incumbent Chairman ng organization nila.. este namin.
"Okay, fine" ang sabi ko.
"So, promise me na pupunta ka" si Apple. "Promise me... Promise me... Come on, Xean!"
"Oo na!" ang tugon ko. "Promise"
"Yey!" ang reaksyon niya nang mangako ako. Hay naku.. "I'm sure maeenjoy mo yun"
"Sana nga" ang sabi ko bago tumingin sa labas ng bintana.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...