Chapter Eighty: Arguments

8.4K 287 39
                                    

Tahimik lang kaming naglalakad.

"Bumalik na lang tayo" ang komento ko. "Walang kasama si Mama dun"

"Mas makakabuti pillow kung maglalakad-lakad muna tayo" ang sabi naman niya.

"Bakit naman?" ang tanong ko.

"Naramdaman ko yung pagka-disgusto mo sa mga taong kararating kanina" si Luke. "Sino ba sila?"

"Tita ko at mga pinsan ko" ang tugon ko naman.

"Pillow, pwedeng magtanong?" ang paalam ni Luke. Tumango naman ako. "Bakit ba ganun na lang ang inis mo sa mga kamag-anak mong mga yun?"

"Ah, iba't-ibang rason" ang simple kong tugon. "Tung Tita ko kasing yun... nakatikim lang ng medyo mas maluwag na buhay eh akala mo nakung sino kung itrato ang iba. Ganun din ang mga pinsan kong pinaglihi sa mga demonyo. Naalala ko pa noon, nagbigay sila ng isang box ng donuts. Pagkabukas namin, apat na piraso. Okay lang nama eh. Ang nakakabastos. May kagat pa."

"Grabe naman" ang komento ni Luke. "Anong ginawa niyo?"

"Binalik. Well, aminado naman akong mahirap kami. Na sa hindi naman sa hindi namin kayang bumili. We refused to. Kasi may mas inportante pa kaming pinaglalaanan ng pera"

"I'm not exaggerating but it's the truth" ang sabi ko. "Kahit naman yung lola ko, sila yung pinapaburan. Sila yung mas... yung mas tinuturing na apo kesa sa akin."

"Pillow naman, don't say that" ang suway naman ni Luke.

"Yun ang pinaramdam sa akin blanket. Yang mga kamag-anak kong yan. Wala akong natanggao na kahit unting moral support" ang dagdag ko. "Yet they act as if I owe half of my life to them."

"Don't mind them, okay" ang pag-cocomfort niya sa akin. Napangiti naman ako. "At least, you're a better person. At naniniwala akong mula pa noon, hanggang ngayon"

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Blanket, magulo ang pamilya ko" ang sabi ko. "Most of the time, may away... may gulo na nagaganap"

"I think I can handle that" ang tugon naman niya sabay kindat sa akin.

"Gusto kong mag-ice cream" ang bigla kong nasabi.

"O, sige" ang pagpayag naman niya.

"1.5 liters,ha?" ang request ko.

"H-ha?" ang gulat niyang tanong. "A-akala ko yung naka-cone lang."

"O sige. Kumuha ka na rin ng isang pack ng cones" ang dagdag ko.

"Hui, pillow. Maghunusdili ka naman" ang sabi niya.

"Okay lang naman kung hindi pwede" ang komento ko sabay busangot.

"Pillow naman eh" si Luke. "I just want to remind you, 1.5 liters of ice cream ang gusto mong kainin. As in 1.5 liters!"

"Eh, di 1 liter na lang" ang tugon ko.

"500 ml" ang bargain niya pa. "And I'll buy you some"

"Hmmmf" ang reaksyon ko. "Bibili na lang ako gamit ang sarili kong pera"

"Pillow naman eh" si Luke. "Wag na matigas ang ulo mo"

"Bahala ka nga diyan" ang reaksyon ko naman. "Asan na ba yung pitaka ko? Hala, nasa bag ko"

"So?" ang tanong niya.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon