Chapter Three: Polaris

27.1K 512 17
                                    

[Xean's POV]

        Alas-syete na ng gabi at nasa café pa rin kami ni Ell. Nakatuon ang kanyang atensyon sa tablet PC niya samantalang nakatingin ako sa kalangitan. Nasa bandang veranda kasi kami pumwesto. Maliwanag ang buwan samantalang ang mga bituin naman ay wala pa ring sawa sa pagningning. Linapag ni Ell ang tablet niya sabay tingin sa kalangitan.

          "Alam mo may  favorite star na ako," ang pagbasag ni Ell sa katahimikan.

         "Alin sa kanila?" ang tanong ko habang nakatanaw pa rin sa kalangitan. "Si Megastar Sharon Cuneta? Star of all Seasons Vilma Santos? Diamond Star Maricel Soriano? O si Superstar Nora Aunor?"

          "Leche ka! Hindi yun ang ibig kong sabihin," ang komento niya. "I mean star na literal, yung shining shimmering splendid sa sky. Helleour!"

          "Aaah, sorry naman," ang sabi ko. "So, alin sa mga yan? Betelguese? Alcamar? Bellatrix? O baka naman yung Regulus?"

          "Hanu ba yang mga pinagsasabi mo? Ayun oh!" ang turo niya sa pinakamakinang na bituin sa kalangitan na aming natatanaw.

           "Aah, Polaris ang tawag sa isang diyan. Northern Pole Star, Pole star o North Star ang mga common name," ang paliwanag ko. "People take that star as their guide in life."

            "Lucky star mo rin ba yan?" ang tanong niya sa akin.

            "Hindi eh. Kung star lang, pipiliin ko ang Sun. Since technically, ang Sun ay star din," ang tugon ko. Napapatango naman siya sa mga sinasabi ko.

            "Anyway, kamusta kayo ni Ivan?" ang pag-iiba ko ng topic.

             "We're doing fine," ang simple niyang tugon.

               "Kasi naman... ang kupad niya! Puro kayo pakiramdaman," ang komento ko sabay inom ng frappe.

                "Ano bang sinasabi mo diyan?" ang maang-maangan niya. Eh, kung alam ko nga lang kasi mahal niya yung tao at mahal siya rin ng tao. Kaya nga nakapagtataka. Hindi pa ba sapat yun? Na may mutual feelings sila para sa isa't-isa?... Alam kong hindi na ako naniniwala sa mga ganyan pero once in a while, gusto kong maniwala na may ganun pa.

                "Hay naku," ang reaksyon ko. "I bet Seven is still Seven."

                "Uhmm, oo," ang tugon niya.

               "Nasabi ko na ba na allergic ako sa mga ganyang tao?" ang sabi ko. Hindi ko pa kasi siya nami-meet. Si Ivan lang at base sa mga kwento ni Ell; sa tingin ko isa siyang malaking playboy. Hello, monogamy is not a sin.

                 "Alam ko. Eh, kahit sino naman eh. Pero bestfriend ko pa rin siya and he's a nice person. One of these days, sana makilala mo siya."

                  "No. Thanks," ang komento ko. "Newsflash: allegy."

                 "Hay naku. You'll get along," ang pilit niya. Yeah, right! "Tsaka, bibigyan kita ng anti-histamine pag nagmeet kayo."

                  "Bigyan mo ako ng sandamakmak," ang sabi ko.

                  "Eh, ikaw?"

                  "Anong ako?"

                 "Kamusta ang love life?"

                 "Wala," ang flat at mabilis kong tugon. "Hoy, ha! Hindi dahil may Russian basketball player kang ka-MU eh... ibu-bully mo na ako."

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon