I Love That Weird Girl
Special Chapter: 3
Mikay's POV
I know I'm not good looking basta mag mukhang okay ang hitsura ko ngayon sapat na siguro 'to.
I let a deep sigh habang nakatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. I freaked out nang may kumatok sa pinto. Iniluwa niyon ang kapatid ko.
"Date huh?" she said habang may hawag na mug. "Kape?"
Umiling ako sa alok niyang kape. Let say... gatas kape.
"Ian asked me on a date today." I said at umupo sa kama ko habang inaayos na ang bag ko.
"Your outfit looks fine." Aniya at tuluyan nang pumasok sa kwarto ko. I'm only wearing a simple beige dress na two inches above the knee at low cut black sneakers.
"T-thanks." Nahiya ako kasi wala naman akong sense of fashion gaya ni Miah.
"But let me help you fix your hair." Anito at tumayong muli palabas ng kwarto ko. Nang bumalik ito at may dala na itong plantsa at pang kulot sa buhok. May isa pa syang dala na nasa pouch. "Hehe!"
Nakakatakot ang tawa ni Miah. Kinabahan ako bigla.
"Sit there at ako na bahala sa hair and make-up mo." Nagsimula na syang hagudin ang buhok ko. "Basta hindi ka lang mag mukhang maputla you'll look fine na." aniya at sinimulan na akong ayusan.
Mabilis lang ang ginawa niya at hindi ako makapaniwala sa hitsura ko sa harap ng salamin.
"Woah. Baka hindi ako makilala ni Ian nito." I blushed. Humagalpak naman ng tawa ang magaling kong kapatid.
"Good luck sa date niyo today. Enjoy!" Kumindat siya at lumabas na dala ang mga gamit niya.
"Thank you, Ate..."
NAKARATING na ako sa bus stop at wala akong Ian na nakita. Where is he? I should message him na nandito na ako sa meeting place para aware siya.
I sent him a message pero hindi pa ata niya nababasa. He'll be here naman siguro after ilang minutes at medyo napaaga naman talaga ako sa oras ng usapan.
"Excuse me, Miss." Napalingon ako bigla at 'di ko rin naman sure na ako ba 'yon. Pero nang paglingon ko ay sa akin nakatingin ang isang lalaking nakangiti. He's tall. About 180cm tall like Ian. He's also... good looking.
I don't know what to say kaya itinuro ko na lang ang sarili ko kung ako ba ang kinakausap niya kasi 'di rin ako sure. Baka nagkakamali lang ako.
"Yeah, you." Anito.
I'm still bewildered kaya napataas ang dalawa kong kilay.
"I just want to say something." Tumikhim ito at napansin ko na maganda ang tindig niya. And what makes me more confused when I noticed his blushing face. Is he sick?
"You're pretty." Anito na parang nahihiya. Napamaang naman ako sa gulat. Sure ka Sir? Ako ba?
Is he from our school? Kung oo I should avoid him. I don't have any time sa mga bully like him. Gosh, kahit off school hindi pa rin ako tinatantanan ng mga bullies from our school. What they want from me? Hindi ko na nga sila pinapansin.
I ignored him at lumipat ng pwesto.
"I-I'm sorry! Did I offend you or something?" halata ang panic ng lalaking nasa harap ko.
Sumimangot ako. "Are you my schoolmate? Are you from TWA? Bigyan n'yo naman ako ng rest day sa pangbubully niyo." I finally burst out. Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko sa inis. I also promised to myself na once na may mang attack sa akin ng ganito, I'll try to fight back na. Kasi, the more I tolerate them, the more silang lumalapit.
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...