CHAPTER 24
(Hurts)
(A/N: Dedicated to @iamkrystel013. Salamat sa pag read ng shungang story na to. :D Sana makarating ka na sa chapter na to kaagad. Lol. Take your time po. Keep reading. :) )
(Alex's POV)
Buong akala ko makakapag usap na kami. Mali pala ako.
Oo alam kong hanggang ngayon galit pa rin sya sa akin. Pero hanggang ngayon..ayaw pa rin niya akong kausapin. Okay lang kahit hindi niya ako mapatawad agad. Ang hinihiling ko lang ay ang malaman niya ang side ko at ang totoong dahilan kung bakit ko nagawa yun. Alam kong darating sa point na masasaktan sya, pero kung hindi ko yun gagawin..mas lalo syang mapapahamak.
Wala pa rin syang pinagbago, pati ang pag luha niya ganun pa rin. Ang expression ng muka niya..walang pinagbago. Sya pa rin ang dating Micha na minahal ko. Medyo humaba lang ang buhok niya pero gusto ko pa rin sya. Hindi naman magbabago yun e.
Kanina, pinipigilan ko talaga ang sarili kong yakapin siya. Sobrang miss na miss ko sya. Ibang klase lang ang pinagdaanan ko nun sa Japan sa sobrang pagka miss sa kanya. Walang araw na hindi siya pumapasok sa isip ko.
Wala pati akong contacts kahit ano sa kanya. Pwera lang sa isang tao na napapakiusapan kong tanungin about kay Micha. Kaso minsan lang kami magkausap dahil busy din sya. Hindi ko na nga pinaalam sa kanya ang pag uwi ko. Wala lang, baka kasi masabi nya pa kay Micha e.
Eto nga..pinaghandaan ko nga ang araw na to. Inihanda ko na ang lahat ng mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya kaso..bigla syang tumakbo.
Gusto ko sana syang pigilan pero wala akong karapatan. Naiintindihan ko kung ayaw pa rin niya akong kausapin o makita.
Kaya sinundan ko na lang sya pero..hindi ko nagustuhan yung mga nakita ko.
Sino yung lalaking yumakap kay Micha?!
Nakita ko na nabunggo ni Micha yung lalaking yun pero bigla niyang niyakap si Micha?
Bigla kong naikuyom ang dalawa kong kamay. Sa mga oras na yun..gustong gusto ko syang ilayo sa lalaking yun.
Muka nga silang close pero parang iba e..
Naiinis ako, nagagalit ako, naiinggit ako, nagseselos ako at nasasaktan ako.
Yung oras na dapat ako yung papawi ng luha niya? Yung ako yung magko-comfort sa kanya? Pero hindi e..ibang lalaki ang gumagawa..
Hindi ko gusto ang nakikita ko. Ang sarap sumuntok sa pader sa totoo lang. Argh!
Pero desidido pa rin ako na babalik ang dating meron kami ni Micha. Hindi ako susuko, kahit gaano katagal kaya kong mag intay. Basta para sa kanya kakayanin ko lahat..kahit sobrang nasasaktan ako..
Naglalakad na ko papunta sa classroom ko. Bawat makakasalubong ko bumabati sakin though yung iba di ko naman kilala.
"Hey Alex. 'Glad youre back. Whats up?"
Yung iba pamilyar lang sakin pero hindi ko talaga sila kilala.
"Fine."
Nilampasan ko na yung isang babae, wala ako sa mood makipag kwentuhan.
"Hello Alex."
Ngumiti lang ako at dire-diretso na uling naglakad papunta sa room.
Hindi pa naman nag i-start ang klase kaya pumasok na ako sa classroom. Lahat sila natigilan pwera lang dun sa mga transferee siguro na hindi nakakakilala sakin. Madami talagang nakakakilala sakin dito kaya magugulat talaga sila sa aking pagdating dahil hindi naman nila siguro inaasahan.
"Alex! Kumusta dude!"
Oh, I know him. Friend ko sya pero hindi masyadong close.
"Fine." Walang gana kong sagot. Marami pang nangumusta sakin at bumati. Yung iba feeling close na pero di bale na. Lahat sila alam nila ang nangyari one year ago dahil classmates ko naman sila. Pero buti na lang walang nag o-open about dun. Syempre takot sila sakin. Ang alam siguro nila miyembro pa rin ako ng frat. Pero bago ako umalis dito papuntang Japan nag quit na ko. Mahabang kwento. Soon ko na lang sasabihin.
Medyo awkward nga lang ang sitwasyon lalo na't nandito sa silid na to ang dahilan kung bakit ako bumalik. Nakaupo sya sa may part padulo katabi yung--
Teka..sya na naman? Siya yung lalaki kanina dun sa corridor na yumakap kay Micha ah. Kung ganun..classmate namin siya? Malamang.
Papunta na ko sa pina reserved kong table. Yep, pina reserved ko talaga to nung inaasikaso ko ang enrollment ko dito. Binayaran ko pa to para lang makatabi ko sa upuan si Micha. Ibinilin ko sa registrar na kung saan umupo si Michaela Serano magreserve ng upuan na katabi niya which is para sakin. Wag nyo kong tawanan ganyan lang talaga ako.
Nagulat pa nga siya nung maramdaman niyang umupo ako sa tabi niya, nakatungo lang siya at hindi niya ako tinitingnan. Inaabala nya lang ang sarili niya sa pagsusulat. Yung katabi naman nyang asungot na lalaki nagbabasa ng libro. Tss. Feeling ko malapit ang isang to kay Micha e, tss, wag lang syang magiging asungot saming dalawa dahil nauna ako kay Micha.
And by the way..kaylan pa napalapit si Micha sa isang lalaki? Ang alam ko sakin lang?
Oh well, nandyan na si Prof.
"Good morning class."
"Good morning Sir."
Tumayo kaming lahat para batiin yung prof. Napansin kong parang nagpapanic si Micha at nanginginig kaya nagpatak yung pen niya.
Sabay pa kaming napahawak dun sa pen niya at nagkadikit yung daliri naming dalawa tapos napatingin siya sakin.
Bigla naman nyang iniwas yung tingin niya sakin at hinablot sa kamay ko yung pen niya..
Sa mga ganung reaksyon ni Micha..nasasaktan ako.
"Take your seat."
Umupo na kaming lahat. Nag a-attendance yung prof namin ng biglang tawagin ni Sir yung pangalan ko.
"Crisanto, Alex."
"Yes Sir?"
"Ow, welcome back Mr. Crisanto."
Masaya si prof ah. Oh well, maganda naman kasi ang records ko sa school na to dati.
"Thank you Sir."
"So you're one week late in our regular discussion. May naisip ako para makahabol ka sa mga previous lessons."
"A-ano po yun Sir?"
"You can choose any of your classmates para matulungan ka sa mga previous lessons or..any volunteer na lang students?"
Tanong niya dun sa mga classmates ko. May naisip ako..
Pero bago pa may mag volunteer, nagsalita na ko.
"Si Ms. Serano po Sir. Siya po ang napili ko."
Lahat sila napatingin sakin lalo na si Micha, gulat na gulat sya. Yung si asungot naman napatingin din sakin. Problema nito? Tss.
"Okay Mr. Crisanto. I'll give twenty points si Ms. Serano this coming first examination."
"A-ano po..?"
Tanong ni Micha. Twenty points daw oh. Laking points na yun.
"Thank you Sir." sabi ko at umupo na ko. Lahat ng classmates namin nakatingin sa part namin at yung iba nagbubulungan pa.
Si Micha hindi pa rin makapaniwala. Dahil ba sa ibibigay sa kanyang twenty points or sa pag pili ko sa kanya bilang tutor ko?
Well, way na rin yun para magkausap at magkaayos kami. Wag lang sanang may aasungot na iba dahil nakaka badtrip. Tss.
Nagsimula na yung klase at sobrang awkward ng sitwasyon. Bale pinanggigitnaan namin ni asungot si Micha. Napapansin ko pa nga na nag uusap silang dalawa at sila lang yung nakakarinig. Tss.
Magiging okay din kami ni Micha tiwala lang..
(A/N: Huraaay! Nakapag UD din sa wakas. Anyahaha. XD yung hindi pa po nakakapag read ng A Man of My Dreams, Love Bulletin Board at yung In My Arms na short story ko sana ma read nyo rin. Salamat po. :D pa vote and comment na rin po sana every chapters. Chos! Ang arteh ko. Ahaha. XD thank you sa pag read. :D )
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...