CHAPTER 44 (Confession To My Self)

7.1K 139 19
                                    

CHAPTER 44

(Confession To My Self)

(Ian's POV)

"Pagod ka na ba?" tanong ko kay Mikay. Naglalakad na kasi kami pauwi sa bahay. E medyo malayo-layo pa yung lalakarin namin. Masakit na siguro ang paa nyan, naka hills ba naman sya e tapos hindi pa sya sanay magsuot ng ganyan.

"Hmm..medyo. Pero kung naka flat shoes ako kaya ko pa naman maglakad."

Pero ayoko naman na nakikita kitang nahihirapan. Pasanin ko na nga lang sya.

Lumuhod akong patalikod sa kanya.

"Papasanin na lang kita para hindi ka na mahirapang maglakad."

Nagulat naman sya sa ginawa ko.

"H-ha? H-hindi wag na. Kaya ko pa namang maglakad e."

"No. Alam kong masakit na yang paa mo kaya sumakay ka na."

"E ano kasi. Baka mahirapan ka."

"Hindi ah. Matibay ata to." tapos tinapik tapik ko yung biceps ko. Hoooy! Alaga sa gym nyan. Hehe.

Napatawa naman si Mikay. "Payatot ka kaya. Tsaka mabigat ako. Dami ko kayang nakain kanina."

"Ako payatot? Ha! Hindi ako payat, fit kaya ako. Ayst. Wag nang makulit kasi. Sakay na dali!"

"Sige ha, bahala ka. Sinasabi ko sayong mabigat ako."

Pinatanggal ko yung shoes nya tapos niyakap na nya yung braso nya sa leeg ko. Pangalawang beses na namin tong nag piggyback ride. :D

At katulad ng dati, ganito pa rin ang bigat nya. Parang lalo pa nga syang gumaan e.

"Nakakahiya tuloy sayo. Ang bigat ko no?"

"Hindi naman. Tama lang. Sabi ko naman sayo, tama lang ang figure mo."

Naramdaman kong parang sumubsob sya sa balikat ko.

"Eeeh! Yan ka na naman Ian e."

"Eeeh! Nagsasabi lang naman ako ng totoo e." parang ginaya ko lang yung rhythm ng sinabi nya kanina. Tapos narinig ko na naman syang tumawa. Gustong gusto ko talaga syang marinig na tumatawa.

Yung halakhak nya, parang musika sa tenga ko.

Yung ngiti nya, ang sarap sa pakiramdam.

Bawat kilos at sabihin nya, hindi sya pumapalyang pangitiin ako.

Grabe, I love all about her..

--Teka! Ano yung sinabi ko? I love..all about her? Tama. Yun lang naman e. Hehe. Wala nang ibang ibig sabihin nun. Hehe.

Bakit parang iba ang pakiramdam ko ngayon? Malamig naman ang paligid pero parang pinagpapawisan ako? Tapos ang weird pa nung pag tibok ng puso ko. Ang weird talaga..syet!

De wala lang to. Pagod lang siguro ako. Medyo malapit na rin naman kami sa bahay namin.

"Ian.."

"Hmm?"

"Babawi ako sayo promise."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Sa lahat ng to. Maraming salamat talaga."

"Ssshh. Para yan lang e. Wala lang yan. Tinulungan lang kita."

"Basta. Salamat ha."

"Oo na. Oh, nandito na pala tayo e."

Bumaba na sya sa pag pasan ko.

"Aah, sige mauna na ko Ian. Salamat ulit. See you tomorrow."

"Sige. Pahinga ka na. Good night."

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon