CHAPTER 65
(Hurts: Danica)
(Ate Gab's Note: Okay, after ko matapos ang ILTWG, i-e-edit ko sya ng bonggang bongga! :D Tatanggalin ko na yung mga expressions na "Uwaaah" Kyaaah" at iba pa. Tatanggalin ko na rin yung emoticons kasi hindi naman talaga yun formal sa isang istorya e. I read a lot of rants dito sa wattpad at ang pinakamalaking issue lagi ang paglalagay ng such emoticons. Kahit ako ang tatanungin, nag back read ako sa sarili kong istorya, at masasabi ko ngang ayoko ng mga emoticons na yan kasi INFORMAL talaga tingnan. Napagamit lang naman ako ng emoticons kasi "maraming" gumagamit niyan. Nakiuso lang ako. Nyahaha. Gusto ko lang mag IMPROVE sa pagsusulat. Kasi passion ko to e. Gagawin ko nang formal ang mga stories ko. Well, mapapansin nyo ang pagbabago ng pagsusulat ko sa mga susunod na chapters. Haba ng AN ko, kakahiya.)
(Danica's POV)
Kasalukuyang nag aantay ako kay Ian ngayon dito sa loob ng mall. Naka set na kasi itong araw na 'to na mag de-date kami. Ito kasi ang araw na napaka espesyal sakin. At syempre, ngayong araw ang gusto kong makasama ay iyong taong espesyal sakin.
Hindi na ako nagpasundo sa kanya sa bahay. Mas gusto ko kasi yung magkikita na lang kami at mag iintayan na karaniwang ginagawa ng mga ordinaryong couple.
Gusto kong ganito lang kami kasimple ni Ian. Pasasaan ba, dito rin ang tuloy namin. Sa pagiging isang couple. Alam kong mangyayari iyon, dahil sa tagal na rin nang pagkakakilala namin ni Ian.
"I'm sorry. I'm late."
Salamat naman at dumating din siya. Pero sa totoo lang hindi naman siya natagalan sa pagdating kaya okay lang.
"Okay lang. Kadarating ko lang din naman."
"Bakit kasi hindi ka na lang nagpasundo sa akin para hindi ka na nahirapan."
Ito ang gusto ko kay Ian.. yung pinapakita niya na concerned talaga siya sa akin. Lalo tuloy lumalala ang nararamdaman ko sa kanya. Pero syempre gusto kong malaman niya iyon.
"Uhh, wala lang. Gusto ko lang." Ngumiti ako sa kanya tapos yumakap na ako sa braso niya. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero dapat masanay na siya dahil gagawin din naman namin ito kalaunan.
Nag start na kaming maglakad. Marami kaming nakakasalubong na couple. At tulad nila, mukhang hindi rin naman kami nalalayo sa kanila. Today, I want this day to be simple but romantic habang kasama si Ian. Isasang-tabi ko muna ang mga "what if" na iyan at mga taong involved sa aming dalawa.
"By the way, bakit mo pala naisipang mamasyal ngayon? Di ba, namasyal kayo kahapon ni Mikay--ni Michaela?" Tanong sakin ni Ian.
Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko aakalain na tatanungin niya ako ng ganito. Hindi ba niya..
Oh well, bakit ko pa itatanong sa sarili ko gayong alam ko na ang sagot. Sa ibang dereksyon muna ako tumingin. Ayokong makita niya na nasasaktan ako. Pano nya nakalimutan ang araw na ito? Paano?
At bakit ba lagi na lang siyang hirap na hirap banggitin ang pangalan ni Mikay? Kakalmahin ko na lang ang sarili ko. Basta ngayong araw gusto kong maging masaya kasama siya. Yung walang Michaela Serano na involved kahit ngayon araw lang!
Please kahit ngayong araw lang!
Ngumiti ulit ako ng pilit sa kanya. "Hindi mo ba naaalala--"
Napatigil ako sa pagsasalita and I'm sure hindi niya ako narinig dahil may mga nagpaliritan at nagtakbuhang mga babae. Nagsisimula na kasi yung mall show ng isang banda sa stage. Serenade ata yung name noong banda? Hindi ako sigurado. Nabasa ko lang kanina.
"Oh, may mall show pala dito ang Serenade?" sabi ni Ian na parang wala na sa isip niya yung itatanong ko.
"You know them?"
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Ficção AdolescenteFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...