CHAPTER 58
(Missing You)
(Alex’s POV)
Ginagawa ko ang lahat mapasaya lang si Micha. Gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman niya kahit alam kong hindi ganun basta kadali.
Alam kong naging masaya siya sa maghapong pamamasyal naming kung saan saan. Pero alam ko rin na sa bawat minute naalala niya ang nangyari kanina. Napapansin ko kasi na bigla na lang syang matutulala tapos bigla syang tatahimik. Kulang na nga lang na tumulo ang luha niya. At alam ko ring nahihirapan siyang pigilan iyon.
Siguro, nahihiya na syang umiyak sa harap ko habang kasama niya ako.
Ako nga ang kasama niya, pero ibang tao naman ang nasa isip niya. Pero naiintindihan ko naman yun. Basta ang tanging maitutulong ko sa kanya. Ang pasayahin siya.Yeah, she managed to smile but I know she was hurt. Ayaw nya lang talaga ipahalata sakin.
Kaya nngayon alam ko na. Alam na alam ko. Micha.. okay lang kahit di mo na ako mahal..ang mahalaga, mahal kita..
Masakit tanggapin na pinakawalan ko ang isang tulad niya. Nagsi-sisi ako ngayon kung bakit nawala pa ako ng isang taon. Edi sana, nasa akin ang dapat nasa akin at hindi mapupunta sa iba. Pero kahit papano, humahanap pa rin ako ng butas na pag asa. Pag asa n asana bumalik yung dating meroon kami ni Micha. Pero pakiramdam ko.. sa nangyayaring ito, mukang hindi na mangyayari yun. Sa ibang tao na nakalaan ang puso niya.
Kahit hindi niya ipahalata, alam ko yun. Kung hindi ba nalaman ni Micha ang totoo dati, ako ba ang una niyang pupuntahan? Sa palagay ko hindi. At kung wala lang sa kanya si Ian, masasaktan ba sya ng ganito? Sa palagay ko hindi din.
Okay na sana kung ako lang ang nasasaktan sa nangyayaring ito. Wag lang si Micha. Mananatili pa rin ako sa tabi niya, hanggat kaylangan nya pa ako. Alam ko isang araw, dapat na akong lumayo sa kanya..
(Ian’s POV)
”Ian!”
Iinumin ko na sana yung isang shot ng alak nang may tumawag sakin.
“Oy Red!” tawag ko rin sa kanya. Lumapit na sya sakin at umupo sa bar tool katabi ko.
“Pre, isang vodka.” Sabi niya kay Dale. Pagka order niya tumingin siya sakin. “Tagal kitang hindi nakita dito ah. Mukang napapasyal ka lang dito kapag may problema ka. Anong nangyari?”
“Wala naman. Gusto ko lang uminom.” Sagot ko sa kanya. Si Red nga pala. Isa sa barkada ko. Kami na lang dalawa ang natitirang high school sa barkada.
“Talaga lang ha. Nga pala, pasensya na kung hindi tayo masyadong nagkikita sa school. Medyo abala lang sa mga clubs na sinalihan ko e.”
“Ayos lang, ganun din naman ako.”
Schoolmates kami. Kaso magkaiba kami ng section. Madami kasi kaming section at sa kabilang building pa sya. Kapag nagkikita or nagkakasalubungan kami sa school hanggang tanguan lang kami. Parehas kaming busy but sometimes nagkaka kwentuhan naman kami.
“Kumusta pala yung pinapatayo mong resto?” tanong ko sa kanya. Business minded kasi yan e, sa edad niyang yan magpapatayo na kaagad siya ng resto.
“Pinostpone ko muna ngayong buwan. But by this next month itutuloy ko na sya. Nag ipon pa kasi ako ng kapital at pangbayad sa foreman. Mas lalo pang nadelay kasi nagkasakit si Nanay.”
“Nagkasakit pala ang nanay mo bakit hindi mo sinabi? E di sana nakatulong—“
“Oop! Stop! Hindi ko talaga sinabi sa inyo dahil alam kong tutulungan nyo lang ako sa financial help. C’mon guys. I can handle it.”
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...