CHAPTER 41 (Crazy Date Part 2: This Is Not Me! )

11.6K 180 18
  • Dedicated kay Aleel_SonElf and PRIIngtamad
                                    

CHAPTER 41

(Crazy Date Part 2: This Is Not Me! )

(Michaela' POV)

"San ba kasi tayo pupunta?"

"Basta."

Anak ng tipaklong oh. Kanina pa kaming naglalakad ni Labs--este ni Ian. Pagod na nga ako e. Nasa labas na nga kami ng Mall e at malayo layo na rin yung nalakad namin.

Kanina pa ko paulit ulit na nagtatanong sa kanya kung saan ba kami pupunta laging 'basta' lang ang kanyang sagot. Sabihin nyo, may lugar ba na basta? -__-

At pumunta lang pala kami sa mall para kumain sa Jollibee. Ah, okay. -_-

"Don't worry, malapit na naman yun e."

Ilang kembot pa kaya bago makarating dun? Kaloka ha, nakakapagod. Bakit kasi trip na trip lagi ng Ian na to mag lakad? Nakuu, kung mag isa lang siguro ako hindi ko kakayaning maglakad ng ganito in public. Ang dami kaya namin nakakasalubong na tao. Syempre, hindi maiiwasang hindi kami pagtinginan. Kyaaa.

Ang rason nga pala namin ni Ian kung bakit kami lumabas ngayon kasi tutulungan daw nya akong magkaroon ng confidence. Naloloka tuloy ako kapag naaalala ko yung mga sinabi niya sakin kahapon. Hindi ako makapaniwala na si Ian Jenares ang makakapag sabi sakin ng mga ganung bagay. Kung sa unang tingin wala talaga sa hitsura ni Ian ang magsabi ng mga ganung bagay. Muka kasi syang hindi seryoso e. Hanggang ngayon nga madalas naiisip ko na baka joke lang yung iba nyang sinasabi about sakin. Pero makikita daw ang sincerity sa mata ng isang tao kung seryoso ba ang sinasabi nito o hindi. Kaya kinakaya kong tumingin ng deretso sa mga mata nya kahit naloloka ako. @_@ Pero kapag tumitingin ako sa mga mata nya, feeling ko yung mga mata nya mismo ang nagsasalita at ang puso ko ang nagsisilbing tenga. Ang puso ko mismo ang nakakarinig ng mga ganung bagay mula sa kanya kaya ang puso ko naman, umiiba ang pagtibok..

Namalayan ko nalang na nasa harap na kami ng isang building.

"P-Princess PriiLee's House..?"

"This is my twin cousin's beauty shop. Nandito na lahat. Salon, spa, dress shop, mga ganun. They own this and remember yung sinabi ko sayo yesterday?"

I nodded. Kung ganun ito pala yung ibig nyang sabihin? *O*

Waaaa! Uuwi na ko! Ayoko sa salon. Uwaaa.

"Let's go inside." yaya sakin ni Ian pero napa atras ako. Tapos sabay sabay ang pag iling ko.

"A-ano..a-ano kasi.."

"Wag kang matakot. Relax ka lang. Di naman kita iiwan e."

At kinaladkad na ko ni Ian sa loob. Uwaa. T__T ayoko talaga dito. Natatakot akoo. Waaa. Masyadong maraming taong magaganda sa loob. Ayoko talaga, uuwi na ko. :((

Pero infairness, ang sossy ng shop. Lalo na sa entrance pa lang. Yung mga staff ang gaganda ng suot. Syempre magaganda din sila no. XD Seryoso, staff lang ba sila o mga artista? Kalokaa.

E di mas nakakaloka pa pala yung ibang customers dito? Nakuu..bakit ba kasi dinala ako ni Ian sa salon ng mga artista. =__= Kinakabahan talaga ako ng bongga. 

"Ian uwi nalang tayo.." :(

Nung pagkasabi ko nun biglang nagbago ang expression ng muka ni Ian. Parang dissapointed. Uwaaa. Ang tanga ko talaga kahit kelan. Dapat hindi ko na sinabi yun e.

Para tuloy nasaktan ko sya. Sya na nga yung tutulong sakin pero ganito pa yung ginawa ko. Waaa. Ang sama kong nilalang! Alam ko na, babawiin ko nalang yung sinabi ko.

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon