CHAPTER 43 (You're Beautiful)

11.6K 210 40
                                    

CHAPTER 43

(You're Beautiful)

(A/N: Sorry kung ang taray ko sa last AN ko. Nainis lang talaga ako. Hindi po yun maiiwasan. Sana maintindihan nyo po.)

(Ianpot's Point of View)

"Gruuu. Nabusog ako sa nakain ko. Thank You God!"

Ako rin, busog na busog kakatitig sayo Mikay. XD yun oh. Banateroo. XD

Napangiti na lang ako sa bawat reaction nya. Wag nyo kong tanungin kung bakit ako nagkakaganito. Kahit ako hindi ko rin alam.

Mukang napapansin na rin ni Mikay ang pagkatahimik ko. Kaya feeling ko..

"Matanong ko lang Ian." hayan, sabi ko na nga bat magtatanong na yan e. "Kanina ko pang napapansin na parang ang tahimik mo tapos pangisi-ngisi ka lang dyan. Seryoso, nangingilabot na ko sayo." =___=

"Grabe ka naman. Ngilabot kagad?" 

Sana sinabi mong kinilig ka Mikay, e di sana nagtatatalon na ko dito sa tuwa. XD

"E ikaw e. Ang weird mo. Feeling ko tinatawanan mo ko."

"Hindi ah. Hindi ka kasi maarte. Kaya maganda ka."

Biglang kumunot ang nuo ni Mikay, parang litong lito.

"Ha? Teka, anong konek nun?" =___=

"Nakakapanget sa babae ang sobrang maarte. E hindi ka naman maarte so di ka panget. Ibig sabihin maganda ka." :D Sa totoo lang. Turn off ako sa mga babaeng maaarte. =___= Lalo pa kung wala naman dapat ipag inarte. Nakakainis lang. Pero sa lahat ng babaeng nakilala ko, si Mikay lang ang hindi maarte sa kahit anong bagay. Pinapakita nya talaga kung sino sya. Gaya nalang kanina nung kumakain kami. Na amazed ako sa kanya dahil sa hirap syang gumamit ng tinidor at chicken knife, kinamay na lang nya yung grilled chicken na kainin. Napahanga nya tuloy ako. Wow. Hindi pa ako nakakakita ng babaeng nagkamay in public, kundi sya lang. And other thing, hindi sya nag wo-worry sa figure nya. Basta gutom sya, kakain talaga sya ng marami.

Napansin ko na parang sya naman yung hindi umiimik. Anyare?

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya. Bigla naman syang uminom ng tubig. Naubos nga nya yung isang baso e.

"Ang weird mo Ian. Kahapon ka pa e."

"Bakit ba kasi ayaw mong maniwala na maganda ka? Alam mo bang mahirap sa lalaking sabihin na maganda ang isang babae lalo na kapag hindi naniniwala?"

"E-e..di naman talaga ako maganda e. Nang dahil lang sa pag make over sakin ni Ate Prii at Ate Leela kaya medyo nag mukang tao ako."

Bigla akong napatawa. Si Mikay talaga oh. Kaya medyo nag mukang tao? E tao naman talaga sya e.

Lumingon ako sa paligid then may nakita akong katulad din namin edad. Kumakain pa nga lang sila kaso kami tapos na. Pinag masdan ko yung babae. Sa kinakain niya feeling ko hindi sya mabubusog dun e. =___= Nagpapaka hinhin pa kumilos. Nagpapa cute lang naman dun sa ka date. Anubayan. Ang arte pa kumilos. Major turn off dre. Di talaga ako attracted sa mga ganyang klaseng babae.

"Tingnan mo na lang yung babaeng yun na katapat natin na kumakain. Ang ganda nya di ba?" lumingon si Mikay dun sa babae. 

"*O* Ang ganda nga nya no? Tingnan mo oh, ang puti-puti nya, ang amo ng muka tapos ang sexy nya!"

"Oo maganda nga sya. Pero in comparison between you and her, mas maganda ka sa kanya."

Biglang napalipat ang tingin sakin ni Mikay.

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon