CHAPTER 53 (Fail Michaela)

10.7K 146 10
                                    

CHAPTER 53

(Fail Michaela)

(A/N: Ako ho’y wala nang internet connection sa bahay kaya’t lalong pagong ang aking pag u-UD. Kaylangan ko pang mag rent sa computer shop para makapag post lang ng UD. Kaloka lang. XD Bihira akong makapunta sa comp shop na hindi amoy mandirigma. XDD Kaya naman hindi muna ako makakareply sa mga PMs, comments or other chu-chu pa yan. Tambay na lang kayo sa tumblr ko kung miss nyo na ako. Choss! <3 AyoshiFyumi )

(Michaela’s POV)

Madaming bagay ang pumapasok sa isip ko kaya’t sa apat na subject na dumaan sa morning class namin ay wala akong naintindihan. Patay ako nito sa darating quizzes.

Paano naman kasi. Hindi ko naman inaasahan sa ngayong araw na ito ang dami kong malalaman kaya punong-puno talaga ng kung ano anong tanong ang isip ko. Katulad na lang nito ni Miah. Nagulat talaga ako nung makita ko sya dito kanina. Tahimik lang syang nakahalumbaba. Though may lumalapit naman sa kanya para kausapin siya pero parang wala sya sa mood. Di bale na, classmate naman talaga sya namin e.

Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit siya nagpalipat ng section? Nasa top section na nga siya e bakit kaya nagpalipat pa sya? Aaaayst! Marami akong isipin kaya dyan muna sa tabi ang isipin ko sa kapatid ko. Pwede ko naman itanong sa kanya mamaya.

Kaya heto, saba’y sabay kaming lima naglalunch.

Katabi ko si Alex, nasa left ko sya. Si Miah naman katabi ko sa right. Si Ian at Danica naman nasa tapat namin. Sumabay na sa amin si Miah kumain, ewan ko lang kung bakit. Si Danica naman katabi ni Ian..

Napag alaman ko rin na magkababata silang dalawa. At hindi permanent na mag aaral dito si Danica, temporary lang. May business chu-chu and training daw si Danica. Ah ewan, hindi ko masyadong na gets. Mga anak mayaman kasi e, I think parang similar lang nung kay Alex. Sila na nag rich.

Pero ewan ko kung bakit..parang nakahinga ako ng maluwag noong malaman kong temporary lang dito si Danica? Ang strange. Feeling ko ang sama ng ugali ko..

Ang awkward kasi ng situation. Parang si Danica lang ang hindi nakakaramdam noon kaya heto sya’t kwento ng kwento ng kung ano-ano. Nalaman ko rin na magkakilala sila ni Alex. Nagugulat na lang ako sa mga nalalaman ko e. Kaloka. Hindi ko lang alam kung paano nagkakilala si Alex at si Danica. Medyo close naman yung dalawa. Si Miah naman, nagsasalita din. Isa din siya sa pumapatay ng awkwardness sa paligid. Madalas si Alex ang kinakausap niya, kaya ang tanging tahimik lang sa mga oras na iyon ay si Ian at ako.

Palipat-lipat lang naman ang tingin ko sa kanila. Pero hindi ko kayang tumingin ng matagal kay Ian. Pag minsan nagkakasalubong ang mga mata namin pero siya ang unang umiiwas. Ewan ko kung bakit, nasasaktan ako pag ginagawa niya yun.

Alam kong hindi kami okay. As in hindi talaga. Kaya gusto ko sanang makapag usap kami at tsaka makapag sorry na rin dahil alam kong ako naman talaga ang may kasalanan.

Hindi ako sumipot sa tamang oras. Kahit na sabihin niyang hindi siya pumunta noong araw na iyon, alam kong nagsisinungaling siya.

“Ano nga palang balak mo this coming Saturday?”

Heto nga’t  hindi pa niya ako kinakausap ngayon araw o pansinin man lang. Ang sakit kaya. :( At pakiramdam ko pa na parang iniisip niya na wala ako dito ngayon. Sa iniisip kong ito parang gustong tumulo ng luha ko, kaso alangan namang mag iiyak ako sa harapan nila? Kaya pipigilan ko na lang. Hindi pa naman major na major akong naiiyak e. Kaya ko pang pigilan.

“Micha..are you listening to me?”

“Awch!”

Napaso ako sa kinakain kong noodles. Nagulat kasi ako kay Alex. =___= Agad naman niya ako inabutan ng tissue.

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon