CHAPTER 52.1
(Emily..)
(A/N: May gusto lang akong klaruhin. Yes, ina-accept ko ang FC (Feeling Close). It’s kinda cool naman talaga. Kasi nakikipag friends. Ang saakin lang, alam nyo naman siguro pag nagsalita (or whatever sinulat pa yan) ang isang tao, then seryoso siya.. talk to him/her ng seryoso. At kung feel mo talagang magbiro, aba, siguraduhin mong katanggap-tanggap yang biro nayan at hindi nakaka-gago. Iba ang biro na “nakakatawa” kesa sa “nakaka-gago” okay mga bata? Inilulugar po iyan. :) And oh, gusto ko lang idagdag. RESPECT. Kahit pa bata yan o matanda magbigay tayo ng respeto lalo pa’t hindi mo kilala. Wag basta-basta magbibitaw din ng salita kung hindi naiitindihan. Isipin muna. Okay? Kaya yung mga mas bata sa akin. Gumamit ka sa akin ng “Po” maliwanag? Hahaha. >:) Kahit isa pa akong GAGO e may limitasyon din ang pagsasalita ko. Ang sakit lang sa bangs. =__= One of the reason kaya ko tinagalan mag update. Nabadtrip ako. AS IN BADTRIP. Pasensya. Ako ito e. :))
(Miah’s POV)
Papunta na ako sa room dahil feeling ko na overdose na ako sa mga narinig ko. Hindi ko akalain na ganoon pala ang nangyari. Nakakaloka. Ano ba yan. Naawa na ako sa kapatid ko dahil lately lang nalaman niya yung about kay Alex. Then ngayon naman about kay Emily. Kahit ako windang din e.
Naghihintay at umaasa si kapatid na magkikita muli sila ng matalik niyang kaybigan na si Emily pero hindi na mangyayari.
Yes. Nagkita nga sila. Pero hindi pala si Emily.
Nalilito na ba kayo? Okay, kwento ko na nga lang yung narinig ko at nakita kong eksena. Si Ian naman umalis na para makapag usap sila ng seryoso. Nauna na si Ian sa room. Buti na nga lang at hindi niya ako nakita.
Okay, heto na talaga. Flash back tayo kanina.
Hinawakan ni Emily kuno si kapatid sa kamay nang mahigpit. “Makinig kang mabuti Michaela.. hindi ako si Emily..”
“Paano’ng hindi ikaw si Emily? Hindi ako nagkakamali. Magkamuka talaga kayo. Pati boses..lahat..”
Tumungo si Emily kuno at huminga ng malalim bago nagsalita. “Ako, si Danica Emily Olivares. Twin sister ni Daniella Emily Olivares..”
Like..what?! Hindi nga siya si Emily na kaibigan ni kapatid? Oo sabihin natin na may pangalan syang Emily..pero hindi siya ang Emily na kaibigan ni kapatid? Kung ganun, nasaan na yung twin sister nya? Si Daniella Emily?
“Kapatid ka ni Emily? Walang nabanggit sakin si Emily dati na may kapatid siya..”
“Siguro dahil sa galit niya sakin..” Ngumiti ng mapait si Danica. Ano na ba kasi yung kwento? Pasuspense pa tong pink hair na to e. Nakakainip na. -__-
“G-galit..?”
“Yeah, noong bata pa kasi kami. Napaka laki ng insecure ko sa kanya. Nasa kanya kasi ang attention ng parents ko. Naisip ko tuloy na parang siya lang yung anak. At dahil sa inis ko sa sarili kong kapatid..itinuring ko syang kaaway. Mas minahal ko pa ang mga kaibigan at kalaro ko noon kesa sa sarili kong kapatid. Madami akong kaibigan noong bata pa lang ako, marami sana syang kaibigan kung hindi ko lang sana sya siniraan. Sinabi ko na may nakakahawang sakit si Daniella—Emily dahil nga maputla ang kanyang balat..” Pinahid ni Danica ang luha niya. Parang malaman talaga ang nangyari dati ah.. “Tapos, gustong makipag laro samin ni Emily noon bagkus ako pa yung nangungunang awayin sya. At sumuko na rin syang makipag laro sa mga kaibigan ko. She always tried to be with me kaso parati ko syang tinataboy. Hindi naman sya sumusuko na maging maayos kami pero ako..malaki talaga ang galit ko sa kanya. Halos wala akong alam tungkol sa kapatid ko. Ang tanging alam ko lang sa kanya, isa syang attention seeker. Hanggang isang araw…halos pagsisihan ko yung mga ginawa ko sa kanya. Till now, pinagsisisihan ko rin.” Oooh, ang sama naman pala ng ugali ng isang ito e, magkakasundo kami. XD Okay, seryoso na. “Kaya pala lagi syang pinapaboran ng magulang ko at laging binibigyan ng attention because.. she’s sick. Mayroon syang heart failure, reason kung bakit maputla sya dahil hirap syang huminga. Hindi ko alam ang tungkol doon kahit na bata pa ako. Pinakitid ko ang utak ko, mas tinuunan ko ng attention ang galit at inggit ko sa kanya. Yun pala, may sakit sya kaya ganun.”
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...