CHAPTER 28
(Topless Guy's Sickness)
(A/N: Wala na akong mabigyan ng dedication. Sinong may gusto? Taas ang paa este kamay. Lols. XD)
(Weird Girl's WEIRD POV)Lokong topless guy. Kung makabanat wagas e.
Haaaay mga cherry blossoms..
Kung dati nakakainis kayo pero ngayon natutuwa na akong pag masdan kayo. Baliw ko lang. Sana kasi may puno ng Sakura dito sa Pinas. E kung magtanim kaya ako? Ahehe. XDSyanga pala..ano kayang maipasalubong ko kay Ian mamaya? Nak'ng wala akong maisip. -___- Lahat naman kasi nagugustuhan nun pag natitikman e.
Ano kayang gusto niya? Prutas? Fries? Soup? Or Cup Noodles? Ay ewan. Bahala na nga. -___-Susubo na sana ako ng masarap na cup noodles nang biglang may umupo sa harap ko.
"Can I sit here?"
E ano pang magagawa ko e nandyan ka na sa harapan ko at nakaupo. -__- Sino naman ako para itaboy ka dyan.
Enebeyen. It was like before. Ganitong ganito rin yung dati e. Ehmeged.Tumango na lang ako at nagpatuloy kumain. Iisipin ko na lang na wala sya dyan.
E sino pa bang tinutukoy ko e di si Alex. -___-
"Still the same..nothing's changed.."
Napatingin ako sa kanya.
"Favorite mo pa rin ang cup noodles."
"Masarap e."
Yan na lang ang sinabi ko para hindi naman ako magmukang tuod dito.
"Nga pala..pwedeng mag start na tayo sa saturday ng study?"
"Saturday..?" Oo nga pala. Ako nga pala ang pinili ng mokong na to para maging tutor niya. Syet lang.
Parang di ko maimagine na..magkakasama kami ng matagal na kami lang dalawa? Ang awkward nun. -___-
"Yep. Saturday. Ikaw? Kahit anong araw mo gusto?"
Wala naman kasing class kapag saturday e.
"Sige, saturday."
"Saan mo gustong lugar?"
O_O teka..saan nga ba? Hindi naman pede samin..saan kaya?
"Kung okay lang sayo pwedeng sa house namin?"
Napa ere yung pag subo ko ng noodles. Sa kanila? Kyaaa. Paano ba to? -____- Sige na nga..wala na naman akong choice e. Waaa.
"O-okay.."
Bigla syang ngumiti..
Yung mga ngiting isang taon ko ring hindi nakita..
"Sunduin na lang kita sa inyo, mga 9am?"
Sunduin daw? Kyaaa.
"H-hindi! Wag mo na akong sunduin."
"Okay lang yun. Akong bahala, alam ko kung anong iniisip mo."
-____- Mind reader ba tong si Alex? Kaloka. Baka kasi masuntok sya ni kuya Marco pag nagkita sila e. Waaa. X___X
"Ikaw ang bahala.."Dismissal na.
Lumabas na kaagad ako ng classroom, hindi para umuwi kundi bilihan ng pagkain si Ian.
Nakakainis nga e..sya lagi ang nasa isip ko buong klase. -___- Nag wo-worry kasi ako kung okay na ba sya o ano? -___- Kalurks.
Nasa labas na ko ng campus at umuulan na naman. -___- Ang hilig namang umulan ngayon ni kalangitan.
Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin alam kung ano ang bibilhin ko. -___-
Malamig ang panahon ngayon e..siguro mas tamang ibili ko sa kanya ay..
Ramen.
Tama. Ramen nga. Tutal may malapit naman ditong Japanese resto. Tama, yun na nga lang. :D
Yung special ramen ang tinake out ko tsaka may additional na ring sushi at siomai. Bongga. :DNag lalakad na ako para umuwi nang bigla akong may naisip. Napadaan kasi ako sa tapat ng isang tailoring shop. Parang gusto ko kasing gumawa ng handmade bonet para kay Ian. Kasi maulan ngayon kaya malamig, para naman hindi sya sipunin kahit maambonan sya.
Bumili na ako ng mga materials. Gray ang napili kong color tapos black yung ibuburda kong pangalan. Marunong kasi akong mag gantsilyo simula pa nung bata ako.
Baka mamayang gabi masimulan ko na to. Aabutin siguro ako ng three days para matapos to, wag lang sana akong patigil-tigil. -_____-
Binuksan ko na yung black na umbrella ko at nag start ng maglakad papunta kina Ian. Ang cute ng umbrella kong ito. Nabili ko to sa anime world e. Ang kyot kasi bungo bungo yung hawakan. Kyaaa. <3Nag doorbell na ako sa gate nina Ian. Grabe ang lakas talaga ng ulan. -___- Tapos ang lamig pa.
Yung maid nina Ian ang nagbukas ng gate.
"Ikaw pala Mikay, pasok ka na. Kanina ka pang iniintay ni Ian. Naku nabasa ka nang bata ka. Pasok ka na dali."
"Sige po."
Huluuu. Kanina pa akong iniintay? Sabagay, kung wala sana akong dinaanan e di sana kanina pa akong nandito.
Umakyat na ako sa room ni Ian. Kumakatok nga ako kaso hindi niya binubuksan. Tulog ata o di pa nya yata kayang tumayo?
Hindi naman naka lock yung pinto kaya pumasok na ako.
Pagkapasok ko sa loob, nakita ko syang natutulog.
Baluktot na baluktot nga sya e, parang bata lang matulog. Haha. Tapos naka balot talaga sya sa kumot. Kawawa naman, mukang lamig na lamig sya..
Ang kyot pala ng topless guy na to kapag may lagnat. Hehe.
Lumuhod ako para tingnan sya ng ayos..yung pisngi niya namumula. Pati din yung ilong, gawa ng sipon kasi. Muka naman syang baby, hehe. Ang kyoot. Tapos nakalabas pa yung paa niya sa kumot. Pati paa ang puti-puti. Yung sakong niya parang sakong ng baby. Enebeyen. XD
May lagnat pa kaya sya?
Hinipo ko yung noo nya kung mainit pa ba sya o hindi na. Hindi na naman masyadong mainit, buti nalang bumaba na yung lagnat nya. Haaay..salamat naman..Bigla akong napatulala sa muka niya. Hindi ko alam kung gano ako kaswerte bilang kaibigan ni Ian. Hindi ko talaga inexpect na magkakaroon ako ng isang kaibigan na tulad niya. Mabait, matalino, gentleman at..gwapo. Nyahaha. XD
"Nandito ka na pala.."
Ay kamote. Nakakagulat naman tong lalakeng to. -____- Nagising na pala. Kyaaa. Sana hindi nya nakita na napatulala ako sa kanya. Waaa.
"A-ahehe..oo. Kadarating ko lang."
Nilagay ko sa study table nya yung ramen na nakabalot.
"Ahh..kumusta nga pala sa school? Wala bang nang away sayo?"
Bumangon na sya sa pagkakahiga at nirest nya yung ulo nya sa headboard ng bed niya.
"Haha. Wala. E ikaw? Kumusta na ang pakiramdam mo?"
"Medyo okay na. Nahihilo lang ako ng konte. Pero I think makakapasok na ako bukas."
"Mabuti naman. Nga pala, wala naman masyadong ginawa kanina. Hindi naman masyadong nag discuss yung mga professors. Nagpa copy lang sila ng konti kaya hindi naman madami ang gagawin mo."
"Buti naman, timing pala ang absent ko."
"Oo nga e, syanga pala. May dala akong ramen para sayo."
"Ramen? Wow. Nag abala ka pa."
Nilabas ko na yung ramen sa paper bag then nilagay ko sa tray table para comfortable kumain si Ian.
"Wow, may sushi at siomai pa ah. Nakakagutom naman."
"Oo. Yung special ramen kasi ang binili ko kaya may additional sushi at siomai. Galing no?"
"Oo nga, punta tayo minsan sa resto na yun. Ikaw ang taya."
"-____- Ako? Sige na nga."
"Haha. Joke lang."
Nag start na syang kumain ng ramen.
"Ang sarap ah. Kahit medyo matabang ang panlasa ko masarap pa rin sya."
"Oo. Masarap talaga dun. Dun kami laging kumakain nina kuya Marco e. Kung natatandaan mo napasalubungan na kaya kita ng shushi. Dun kami kumain nun."
"Aahh..dun pala yun. Kaya pala masarap.."
Bigla ko ring naalala..nung gabing yun kami..waaa! Wag ko na ngang isipin. Naloloka lang ako e. -___-
"Mikay, tikman mo tong sea weed. Ang sarap."
"Aahh..wag na. Kumain ka na lang dyan."
Bigla syang nag pout.
"Di ko to uubusin hanggat di mo to tinitikman."
Naka angat na yung kamay niya e at gusto nyang isubo sakin yung mabangong seaweed gamit ang chopstick. *m*
"Oo na." -____-
Kinain ko na yung seaweed. Ang sarap.
"Masarap di ba?"
Tumango ako habang ngumunguya.
"Etong beef, masarap din. Say aaaah!"
Letsugas na topless guy to. Di pa nga ubos yung nginunguya ko e. Waaa.
Kaso sinubo nya kaagad sa bibig ko yung beef. -___-
"Eto pang gulay, puro kasi junk foods ang kinakain mo kaya ka pumapayat."
Huluu. Tinitingnan nya ang figure ko? O.O
"Teka..ikaw dapat ang kumain nyan kasi ikaw yung mahina ang resistensya. Nom. Nom."
Nagsasalita ako habang punong puno ang bibig ko.
"Kumain na ko nito kaya ikaw naman. Nga-nga na."
Sinubo na nga sakin ni Ian yung gulay. Kaso nasa bibig ko pa yung chopstick nang biglang bumukas yung pinto at nasa labas sina..
Teka..sino kaya sila? O__O
Isang babaeng singkit na maganda at maputi at sa tantya ko mga nasa mid 30's sya at isang lalaki din na gwapo na medyo kahawig ni Ian at sa tantya ko rin kasing edad sya nung kasama nyang babae. Hindi kaya..
"Mom..Dad..?"O____O
Parents ni Ian?! Kyaaa.
Nilayo ko na yung kamay ni Ian kasi nakasubo pa rin sa bibig ko yung chopstick at punong puno pa ng pagkain yung bunga-nga ko. Kyaaa. >.< Nakakahiya.
Yung parents ni Ian nakatingin lang saming dalawa. Seryoso. Di ko mabasa ang expression sa muka nila. Waaa.
Nakakahiya akooo!~
T_________T
(A/N: Next chapter entitled: Meeting His Parents.
Vote.Like.Comment. Thank you. XD)
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...