CHAPTER 57
(Lollipop)
(Micha’s POV)
Buhat-buhat lang ako ni Alex palayo sa canteen. Palayo sa mga taong walang alam kundi ang mang bully at manakit ng kapwa.
Nakikita ko ang galit sa muka niya. Kahit hindi niya yun ipahalata nakikita ko pa rin. Nakatiim bagang sya habang naglalakad. Mahigpit ang hawak niya sakin tapos nakakunot ang nuo niya.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Alex. Iyak lang ako ng iyak sa dib-dib niya. Alam ko namang ligtas ako sa kanya kaya hahayaan ko lang kung saan gusto niya akong dalhin.
Namalayan ko na lang na ibinaba niya ako sa tapat ng kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Saan kaya kami pupunta?
“Hop in..”
Sumunod naman ako. Yung boses niya hindi naman galit. Pero nararamdaman ko pa rin ang galit na nararamdaamn niya. Hindi ko lang alam kung saan at kanino ba sya nagagalit. Pero pakiramdam ko.. sa sarili niya sya nagagalit.
(Alex’s POV)
Naiinis ako sa sarili ko. Masyado akong nahuli para ipagtanggol si Micha.
Hindi ko alam kung paano ko sya patitigilan sa pag iyak. Nagagalik ako sa sarili ko dahil parang wala akong magawa kung paano pagagaanin ang loob niya. Kaya ang tangi ko lang magagawa ay ilayo siya sa mga taong nananakit sa kanya.
Ayokong nakikita siyang ganyan. Ayokong nakikita siyang nasasaktan at umiiyak. Kanina, halos gusto ko nang suntukin sa muka si ian. Kung hindi langa ko nakapag pigil.
Akala ko ba mahal niya si Micha? Bakit ganun ang ginawa niya? Hinayaan lang niyang mangyari iyon kay Micha? At kung hindi ba ako dumating ng mga oras nay un.. tutulungan niya si Micha?
Kung hindi lang talaga ako nakapag pigil kanina.
Nasasaktan ngayon si Micha. Nasasaktan siya ngayon dahil ni Ian. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Hindi lang naman si Micha ang nasasaktan ngayon pati ako. Dahil nakita ko kung paano kahalaga sa kanya si ian. Na kahit may tampuhan silang dalawa, siya pa rin yung unang nagpaka baba ng loob.
Pakiramdam ko nagi-guilty ako. Napaka laking guilty ang nararamdaman ko.
Unang dahilan kung bakit nasasaktan si Micha..ay ako ang may kagagawan. At sa palagay ko, ako ang natalo at hindi si Ian..
Sa ngayon, ito lang ang kaya kong gawin para pagaanin ang loob ni Micha. To comfort her. At isang paraan upang pawiin ang kalungkutan ng isang babae ay ang pag pawi ng mga luha nito..
Hinawakan ko ang muka niya para iharap sakin, then I wiped her tears. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko kaya niyakap ko sya.
“Sige Micha..iiyak mo lang yan, alam kong masakit.." at mas masakit din sa akin na nakikita kitang ganyan..
Ayaw pa rin niyang tumigil sa pag iyak. Kaya may isa pa akong paraan na naisip. Dinukot ko yung bagay nay un sa bulsa ko at pinakita ko sa kanya.
“Here, lollipop. Kasi ang mga bata pag umiiyak..bigyan lang ng lollipop tumitigil na sa pag iyak. Dalawa na lang kasi ang naiisip kong paraan para patahanin ka, kaya sana..tumahan ka na dahil sa munting lollipop na yan. At ito pa ang isang pang paraan ko para patahanin ka..” I hug her again. And I felt that she hugged me back.
"Salamat Alex.."
Sana..iba na lang ang ibig sabihin ng yakap niyang iyon, sana hindi na lang basta pasasalamat..
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Novela JuvenilFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...