ILTWG Epilogue

18.1K 307 96
                                    

I LOVE THAT WEIRD GIRL

EPILOGUE

(Ate Gab's Note: Iyak tayo! Huhuhu. T__T Sa wakas matatapos na rin ang ILTWG. Sa loob ng isa't kalahating taon, sa wakas makakatapos na rin ako ng isang nobela. Yey~! Bago niyo basahin ang epilogue, basahin nyo muna itong AN. Utang na loob, kahit ngayon na lang! Hahaha. Alam kong marami sa inyo ang ini-ignore ang AN ko. Lels. So ayun, nagpapasalamat na kaagad ako sa mga ILTWG readers, sa mga sumuporta hanggang huli at sa mga nagtyagang naghintay ng pagkatagal kong UD. :D Thank you! Super thank you! So heto na. :D Play nyo yung theme song nila sa side hanggang matapos nyo ang epilogue. Omygash! Hahaha. Sana basahin nyo yung last AN ko. May announcement ako. >:D)

(Ian's POV)

Tumunog na ang alarm clock ko sa bed side table ko. Hindi pa nakamulat ang mata ko nakangiti na kaagad ako. Nag push up muna ako ng mga sampu bago ko binuksan ang bintana ko. Ang bintana kong matagal din na hindi ko nabuksan. Siguro mga ilang buwan din. Pero ngayon, sa tuwing nandito ako sa loob ng kwarto ko palagi ko na itong bubuksan. Paano ba naman, nasa katapat na bintana lang yung babaeng pinakamamahal ko.

Kahapon ng umaga lang, parang ang bigat-bigat ng nararamdaman ko. Pero ngayon, ang gaan-gaan na. Ang sarap sa pakiramdam. Para bang, lagi kang inspired.

Saktong pagkabukas ko ng bintana ko sakto rin pagbukas ng bintana niya. Ngumiti kaagad ako sa kanya ng makita ko siya.

"Good morning."

"Good morning din."

Ang babaeng hindi ko inakala na sa kanya unang titibok ang puso ko. Ang babaeng hindi ko inakala na ang una kong mamahalin. Ang babaeng hindi ko inakala na magpapamulat sa akin kung ano ang ibig sabihin ng true love.

That weird girl..

Ang kakaibang babae sa lahat. Pero siya ang nagiisang babaeng nakapasok sa puso ko. How she did it? Kahit na madaming lumandi sakin na higit na mas magaganda sa kanya, ewan ko ba kung bakit niya nagawa iyon.

Pero para sa akin, sa lahat ng babaeng nakilala ko..

Siya ang pinaka maganda. Palagi naman siyang maganda sa paningin ko kahit na ang tingin sa kanya ng iba ay weirdo siya. But for me, she's perfect.

Kung tatanungin ako kung ano ang magiging sagot ko sa salitang maganda, pangalan niya ang isasagot ko.

She changed me a lot. And I changed her a lot too. I really love her. She really loved me too. Gagawin ko ang lahat para maging masaya sya araw-araw.

At parang kaylan lang. Sa bintanang ito una kaming nagkita at nagkakilala. Hanggang sa tumagal na ang takbo ng istorya namin dalawa. Hinding hindi ko makakalimutan ang eksenang iyon. Salamat sa pinsan kong si Kiel na naghagis ng bola ng golf noon sa binatana ni Mikay. At doon na nag umpisa kung paano ko siya nakilala.

Maraming nangyari, pero malinaw pa rin sa isip ko ang bawat araw na magkasama kami at masaya. Ayokong kalimutan kahit isa man sa mga iyon. Kahit simpleng kaligayahan lang..

She's my happiness..

She's my sadness..

She's my kryptonite..

But she's my medicine..

Mula sa bintana ko inabot ko ang kamay niya.

"Bakit?" tanong niya habang nakangiti.

"Basta. Give me your hand."

Hinawakan ko yung kamay niya gamit ang dalawa kong kamay. Hinawakan ko iyon ng mahigpit. I really promise to myself, hindi ko na siya pakakawalan. Then I kissed her hand.

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon