CHAPTER 22 (Strange Stuff)

12.7K 206 10
                                    

CHAPTER 22

(Strange Stuff)

(A/N: Dedicated to @Chechevureche. Thank you po sa pagread ng shungang story na to and thank you dahil nagparamdam ka. Kyaaa~ *hugss* hope you'll enjoy this chapter.

-SpongeBabe/Gabby)

(Michaela's POV)

Madilim na sa labas pero hindi pa rin umuuwi ang dalawa kong layas na kapatid.

Si kuya Marco may klase pa pero palagay ko pauwi na rin yun. Si Miah naman nasa galaan kasama ng mga barkada niya. Ibang barkada na yung kasama niya ngayon dahil galit na nga sya sa mga dati nyang mga barkada na pulaera daw. Yung dating pumunta samin na napagkamalan akong multo tapos nilait lait ako to the bones. Yung time na nakilala ko si Ian..

Lels, ano ba yan. Ahehe. Speaking of Ian, nandun sya sa loob ng kwarto ko. Nanunuod ng The Walking Dead. Hanep, nakikinuod sa kapit bahay. Pero sabi niya para narin daw may kasama ako dahil mag isa nga lang daw ako. Okay.

Nandito ako sa kitchen namin at kumukuha ng juice. Kawawa naman ang kapitbahay kong kumakain ng cup noodles sa loob ng kwarto ko. Walang panulak, baka mabilaukan. -___-

Papunta na sana ako sa kwarto ng biglang may nag doorbell. Si Miah na siguro yun kasi ni-lock ko yung gate namin. Lam nyo na, iwas sa mga masasamang loob.

Bumaba kaagad ako ng bahay at pumunta sa gate. Kaso nung pagkabukas ko ng gate..wala namang tao. Pero naagaw ng isang bagay ang paningin ko.

Nagulat ako nang makita ko ang isang bouquet of red roses sa paanan ko. Nabigla pa ako kasi may isang cute na bagay katabi nung mga roses.

Isang cute na zombie. Kyaaaa~

Kaso, kanino naman to galing? At alam kong hindi ito para sa akin dahil imposibleng may magbigay sakin nito. Tss. Suntok sa moon. -___-

Alam kong para kay Miah ang mga to at hindi sa akin, nilagay ko na lang sa table yung roses at yung cute na zombie. Pumunta na ko sa room ko dala yung juice. Kaso pagdating ko dun nadatnan kong natutulog na si Ian sa bed ko. Ay huwaw lang, tinulugan ang panunuod ng zombie. -___-

Lumapit ako kay Ian at pinagmasdan ko ang muka niya habang natutulog. Kyaaaa~ ang sarap pisilin ng kanyang ilong. >.<

Mas lalo syang gwapo kapag natutulog. Tapos yung lips nya napaka kissable. Ehem. Alam kong minsan ko na syang.. Kyaaa. >.< Bakit ba bigla na lang pumasok sa isip ko yung accidentally kiss na yun? Uwaaa. >////< Kakaloka. Yoko na nga! Feeling ko pumunta lahat ng dugo ko sa muka ko e.

Bakit naman kaya to nakatulog kaagad? Siguro napagod lang to sa pinuntahan nito kanina. Pagkauwi kasi niya pumunta kaagad siya dito at nakinuod din sakin ng zombie movie. Take note, naki dinner din ng cup noodles.

Sabi nya kasi sakin kanina na nag stroll sila ng pinsan nyang si Gabby. E di ko naman kilala yun. Nakakatawa nga e, sinabi nya talaga ang mga pinuntahan at ginawa nya kahit hindi ko naman tinatanong. Ngayon masasabi ko na talagang close na close na kami ni Ian. Buti na nga lang at nakilala ko sya. At least may kaibigan na akong laging nakakausap. ^___^

Sarap na sarap matulog ang mokong.

Nilagyan ko sya ng kumot para hindi sya ginawin. Talagang napagod nga sya sa kanyang pinuntahan.

Nakakapag taka lang kasi, sa lahat ng mga taong nakakakita sakin, sya lang yung tanging hindi natakot at hindi sinabihan ng kung ano ano. Ibig sabihin lang kasi nun, mabuti syang tao..

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon