KABANATA 4
"E-ewan ko sayo! D-diyan ka na nga!" naglakad na siya palayo. Iniwan niya ako sa kinatatayuan ko. Sumunod naman ako sa kanya.
"Wait, Michaela. Saan ka ba pupunta?" tanong ko sa kanya nang maabutan ko na siya. Sasamahan ko siya kung saan man siya pumunta para hindi na siya masaktan ng mga taong matatakot sa kanya.
"D-doon." Matipid niyang sagot.
Napakunot noo ako. "Saan doon? Maraming doon. Pwedeng doon, pwedeng doon din." tapos tumuro-turo ako.
"Sa convenient store!" naiirita niyang sagot. Oh, mukhang napipikon na ata siya sa akin.
"Oh hey, chillax ka lang. 'Di naman ako bingi. Wait, sa convenient store ka pupunta? Sakto pala, eh. Doon din ako pupunta." Ngumisi ako. "Kahit hindi." Pabulong kong dugtong.
Napalingon siya sa akin.
"Napansin kong hindi na nagpa-function ng ayos ang flashlight mo. Share na lang tayo dito sa flashlight ko." Suhestiyon ko sa kanya. Nabigla naman siya sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin. Palagi kong sinusundan ang bawat kilos at galaw niya. Hindi ko alam kung bakit.
"A-ah, 'w-wag na. M-maliwanag naman ang buwan, eh. Okay lang kahit maglakad ako mag-isa." Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Kaylan ba niya papaunlakan ang mga ino-offer ko sa kanya? Nakakasama na ng loob. Drama.
Tiningnan ko na lang siya ng nakakaasar. Humalukipkip ako at ngumiti sa kanya. "Talaga?"
Maliwanag pala ang buwan, ah. Pero dumilim ang paligid. Tinakpan ng makakapal na ulap ang buwan. Napatawa ako. Nilaglag siya ng buwan.
"Ano kamong sinabi mo? Maliwanag ang buwan? Nasaan?" pang a-asar ko sa kanya.
Napatirik ang mata niya sa taas dala ng frustration. Napahawak siya sa mukha niya at umiling. Damn, she's really cute.
"So... shall we?" nakangiti kong yakag sa kanya.
Hindi naman ako manhid para hindi malaman na iniiwasan niya ako. Pero hindi niya ako maiiwasan. Hinding-hindi.
Sa Seven-Eleven pala ang punta niya. Pero nakarating kami dito na nag a-agawan ng flash light. Sabi ko kasi sa kanya na aayusin ko ang flash light niya pero ayaw niyang pumayag. Kaya pagkarating namin dito pinagtinginan kami ng mga crew at ilang customer.
Pero na-aware naman si Weird Girl kaya lumayo siya sa akin. Iniwan niya ako at pumasok na sa loob. Nakita ko na pumunta siya sa mga noodles. Narinig ko pa na parang may sinasabi siya.
"Cup noodles. Beef. Beef." Iyon ang narinig ko. Sumunod na lang ako sa kanya. Kaasar siya. Matapos ko siyang samahan dito iiwan lang niya ako na parang hindi niya ako kasama at kilala? Sabagay, hindi nga naman kami magkakilala talaga. Ngayon lang.
Nagpapaikot-ikot lang siya sa loob at nahihilo na ako sa kanya. Dumampot na lang ako ng isang cup noodles dahil na-miss ko na rin kumain ng ganito. Hindi naman kasi ako mahilig kumain ng cup noodles.
Dumeretso na ako sa counter para bayaran ang binili ko. Beef flavor pala ang nadampot ko. Teka, ito ata ang hinahanap ni Weird Girl, ah? Napangiti na lang ako.
Dinala na ng crew ang binili kong cup noodles para lagyan ng hot water. Umupo naman ako sa isang bakanteng table para hintayin si Michaela. Ang tagal naman niya. Pero ilang sandali lang ay lumapit na siya sa counter para bayaran ang binili niyang Piattos na large size. May iba pa siyang chichiriya na binili. Kaya niyang ubusin ang mga iyan?
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...