KABANATA 1

59K 764 124
                                    

I Love That Weird Girl

Written by AyoshiFyumi

2012-2013


SIMULA


Ian V. Jenares' POV


AFTER two months natapos din ang pag re-renovate ng isa pa naming bahay dito sa lugar ng Quezon. Nang malaman kong pinapa-renovate ito nina Mama at Papa nagpaalam kaagad ako sa kanila na dito muna ako mag i-stay para malapit na rin ako sa bagong papasukan kong eskwelahan. Nag-decide ang parents ko na i-transfer ako sa ibang eskwelahan dahil gusto raw nila na doon ako magtapos ng high school sa nasabing school na iyon. Doon daw kasi sila parehas ni Papa nagtapos ng high school.

Ayoko sana pumayag dahil malaking adjustments ang mangyayari sa akin kung sakaling papayag ako.

"'Ma, kaylangan ko ba talagang lumipat ng school? Masaya naman ako sa pinapasukan ko ngayon. Marami akong kaibigan at ayos naman ang turo doon." Kasalukuyan kaming nag a-almusal ng mga oras na iyon nang ianunsyo ni Mama na kaylangan ko daw lumipat ng bagong eskwelahan sa susunod na pasukan.

Tumingin ako kay Papa para humingi ng tulong sa gusto ni Mama. Ngumiti lamang siya sa akin at uminom ng kape.

"Baby, doon kami nagtapos ng Papa mo ng high school kaya gusto rin sana namin na doon ka rin magtapos."

Baby?! Oh, damn. Ang tanda ko na para tawagin pa sa endearment na iyan. Pero buti na lang hindi nila ako tinatawag na 'baby' kapag nasa publiko kami. Nakakahiya. I'm already sixteen tapos tatawagin pa rin nila akong baby?

"'Ma, will you stop calling me, 'baby'? Come on, ang tanda ko na kaya."

"Are you skipping the topic, Ian? Kahit gaano ka na katandaan, as long as nabubuhay ako, tatawagin pa rin kitang baby. Or kahit na may asawa ka na. You're still my one and only baby no matter what. Right, honey?" at bumaling siya kay Papa na abalang nagbabasa ng dyaryo sa pinaka kabisera ng lamesa.

"Yeah," sang-ayon ni Papa. Nagtataka ako kung bakit ba ako nagkaroon ng weirdong magulang. I love them pero minsan nakakainis sila.

Napakamot na lang ako sa batok ko.

"Basta, sa TWA ka pa rin papasok this coming school year." Giit pa rin ni Mama.

"Pwede naman po akong mag tapos ng high school kahit na hindi ako pumasok doon sa TWA. Gusto ko pa rin doon sa St. John. Mas masaya po ako doon at mas madami akong kaibigan."

"Mas magiging masaya ka sa TWA. Karamihan doon pumapasok ang mga kamag-anak natin na taga Candelaria. I know marami ka rin makikilalang kaibigan doon. 'Di ba, doon pumapasok si Red?" ani Mama sa isa kong matalik na kaibigan na nakatira sa bayan ng Candelaria. Sa TWA nga siya nag-aaral.

Tumango ako. "Pero, 'Ma. Malaking adjustment ang mangyayari." Giit ko pa rin.

Tumigil si Mama sa pagkain at ibinaba ang hawak na kubyertos. Tiningnan niya ako ng deretso. "Okay, hindi na kita pipiliting mag-aral sa TWA in one condition." Nanghahamon ang tingin sa akin ni Mama. Si Papa naman ay bahagyang ibinaba ang binabasang dyaryo at nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Mama.

Bigla akong kinabahan. Ano naman kayang kondisyon iyon?

"Hindi ka lilipat sa eskwelahan na iyon pero papayag ka na ipagkasundo sa anak ni Mr. Olivares o lilipat ka sa eskwelahan na iyon at kakalimutan na natin ang tungkol sa arrangement?" hindi pa rin nawawala ang mapanghamon na tingin ni Mama sa akin. Nakatingin lang sa akin si Papa at hinihintay ang isasagot ko.

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon