CHAPTER 15 (Someone's POV)

12.8K 187 48
                                    

CHAPTER 15

(Someone's POV)

(A/N: Simpleng BOOM lang tong chapter na to. Sa mga makakabasa nito uhh..ewan. Basta! Nyahaha. Wag kayong maaasar sa otor. Lol. XD )

(Anonymous POV)

Regrets..

Marami akong pinagsisisihan sa buong buhay ko na kung pagbibigyan ako ng pagkakataon na ibalik ang nakaraan ay itatama ko lahat ng aking mga pagkakamali..

May nasaktan akong tao. At nasaktan din ako.

Alam kong masasaktan siya..at pinaghandaan ko yon..

Pero ang hindi ko pinaghandaan..ay yung mawala sya sa akin.

Mali. Ako pala ang nawala sa kanya. Ako ang nangiwan sa kanya. Lumayo ako sa kanya. Pero ang paglayo kong iyon ay para sa ikabubuti niya. Wala akong pakelam kahit na mahirapan ako..wag lang sya..

(NP: You still have my heart by Princess Velasco)

Isang taon.

Isang taon ang tiniis ko na hindi sya makita ng personal at hanggang sa larawan lang..

Isang taon ang lumipas na nakayanan kong hindi marinig kahit boses lamang niya. 

Masakit. Sobrang sakit. Yung pakiramdam na parang mamamatay ka sa sobrang miss sa kanya. Ganun ang naramdaman ko simula nang lumayo ako sa kanya at pumunta sa Japan para sa ikabubuti niya. Alam kong kinamumuhian niya ako ng sobra..

Tatanggapin ko lahat ng ibibigay niyang parusa sa akin..kung sampalin niya ako ng ilang beses, susuntukin at sasabihan ng mga masasakit na salita..tatanggapin ko..

Tatanggapin ko yun ng buong puso.

Mahal ko sya e..

Ang tanging hinihiling ko lang..sana patawarin niya ako..

Sana bumalik ang dati. Ang dating pagtitiwala niya sa akin. Maghihintay ako, kahit gaano katagal..

At ngayon..handa na akong harapin ang mga bagay na kaylangan kong itama..

Medyo masakit pa ang mata ko kasi hindi ako nakatulog  nung gabi at  kinabukasan nga nun ang flight ko. Kinakabahan kasi ako sa aking pag uwi dito sa Pinas. Sana maging maayos ang lahat..

Sana.

Pero bago ako umuwi dito inayos ko muna ang mga dapat ayusin. Babalik na pati ako sa school na dati kong pinasukan one year ago..

Syempre, dun ako papasok kasi nandun sya sa school na yun e.

Maraming bagay ang inasikaso ko at aaminin kong medyo nahirapan ako lalo na sa pag papareserve ng..nevermind. Soon ko na lang sasabihin.

Kahit one year na ang nakalipas..ang dami pa ring pinagbago ng lugar dito.

Nasa byahe na nga pala ako papunta sa house namin. Syempre, surprise akong umuwi at hindi ito alam ng granny ko. Parents ko kasi nasa America, sina granny lang ang makakasama ko sa bahay. Kung alam siguro nilang uuwi ako tiyak kong ipapasundo nila ako or sila mismo ang sumundo sa akin sa airport. Ayoko nga, baka sumakit pa ang rayuma nila. Kaya surprise na lang and inuwi ko naman ang car ko from Japan dito sa Pinas. Kaya no need na sunduin pa ako. Ayokong maabala pa sila..

Bumusina na ako sa tapat ng gate ng mansion namin. Pinagbuksan naman ako ng gate nung guard. Napatawa lang ako ng konti kasi nabigla sya nung nakita niya ako.

"Sir--!"

"Ssshhh!"

Sinenyasan ko na kaagad sya na wag syang maingay. Tss, marinig pa sya ni granny e di nasira pa yung surprise thingy ko.

"Ahh. Good morning po young master. Welcome back po."

"Thank you. Sina granny?"

"Nasa garden po. Sa may likod."

"Okay. Thank you."

Ipinark ko na yung car ko at bumaba na. Dumeretso kaagad ako sa likod ng mansion kung saan nandun sina Granny.

Nakita kong nagdidilig si lola granny ng kanyang pinaka mamahal na mga orchids at roses habang si lolo granny naman nagbabasa ng bible habang umiinom ng favorite nyang tea. Wala pa rin talagang pinagbago. Ganyan pa rin talaga sina Granny kaya bigla akong napangiti..

"One year kong hindi nakita ang pinaka magandang kong lola, and still maganda at masipag pa rin.."

Nakangiti ako nun kay lola granny habang siya ay biglang napalingon sa akin..

"Surprise granny. Im here na."

Tapos tinanggal ko na yung shades ko para mas lalo nila akong makilala..

Nalaglag naman yung hawak niyang pandilig..

"Oh my god..hijo.."

"Hello lola granny. Missed me?"

Agad akong niyakap ni lola ng mahigpit..

"So much hijo. Why? Bakit hindi mo manlang sinabi na uuwi ka?"

"Surprise nga e. Haha."

Lumapit naman sa akin si lolo. Still, makisig pa rin sya at Don pa rin ang kilos.

"How's my grand son? Its been a long time hijo."

Tapos niyakap at tinap niya ang shoulder ko.

"Here. Still the same. Yeah. Whats up 'Lo?"

"As you say. Still the same too. Makisig pa rin like before."

Haha. Lolo talaga.

"Lets go inside. Naku, mukang napagod ka sa byahe mo ah. Ikaw talagang bata ka. Pasaway ka pa rin. Di ka manlang nagsabi. E di sana napaghandaan kita ng mga favorite mong pagkain. By the way, pagluluto na lang kita."

"Sure 'La. Sobrang miss ko na nga ang mga luto nyo e."

Kinurot ako ni lola sa pisngi.

"Hmmff. Ang gwapo gwapo talaga ng hijo ko. Mas lalo ka ngayong gumuwapo."

Lola talaga. Medyo lang. Lol.

Pumasok na kami sa loob at gaya ng sinabi ni lola. Pinagluto nga nya ako ng mga favorite kong pagkain. Meaning..ang dami. Di bale na, na miss ko naman to.

Pero after two days..makikita ko na rin ang isang taong sobrang..

na miss ko..

(A/N: kyaaa~ at sino naman kaya itong anonymous POV na itey?? Malalaman natin yan sa upcomming chapters. Nyahaha. Well, kung nahuhulaan nyo na..free na free ang comment box sa baba. Lol. XD thank you po sa pag vote ha. Kyaaa~ nagkaroon ako ng time makapag type sa phone ko kasi di pa ako inaantok. Weee~ tanging pagtulog na lang ang free time ko and pag minsan wala pa kaming tulugan. Kaynamang buhay ari! =_______= )

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon