CHAPTER 32 (My Micha..)

12.5K 147 12
                                    

CHAPTER 32

(My Micha..)

(A/N: Nawala yung listahan ng dedication ko kaya dun sa mga nagpapa dedic, paki post na lang sa MB ko para malaman ko kung sino. Seryoso, nagkabukol ako sa ulo kakahanap ng dedication list na yun kasi nauntog ako. Nauntog ako sa may kanto ng table. Ang tanga ko lang. -___- Anyways, after ng work hour ko nagtatype ako. Kaso di ko ma post kasi wala akong magamit. Then kaya ako nakapag ud kasi umuwi ako ng Quezon, mga ilang days lang ako then flylalu na ulit ako sa Sta. Rosa. Tapos na kasi ang OJT ko sa Manila, sa Sta. Rosa naman ako napa assign. So wala na ko sa Manila. Yun lang. Bow. Enjoy my UDs. :D )

(Micha's POV)

Sa loob na rin ng room kami kumain ni Alex.

Dinalahan kasi kami dito nung maid nila. Talagang tumawag pa sya sa maid nya para magpadala ng food. Nandyan na daw kasi yung mga pinsan nyang magugulo.

Pansin ko lang, ang dami naman naming pagkain. Ang alam ko kasi hindi naman kalakasang kumain si Alex unlike kay Ian. Yung isang yun nakikipag kompetensya sakin kumain ng marami e, pero pag minsan sumusuko sya. Bwahaha.

Balik tayo kay Alex, heto nga't kokonti lang ang kinakain niya e. Pero sa totoo lang super gutom na ako kaya kakain ako ng marami. Nakakagutom din yung magturo sa isang tao na alam na naman nya yung tinuturo mo.

Parang nag lolokohan lang kami e. -_____-

*Aamfffhh. Nom. Nom.*

Infairness, ang sarap ng pagkain. Ayos din pala ang cook ng kanilang mansion.

"Ang sarap di ba?"

Tumango ako habang ngumunguya. Di ako makapag salita e. Punong-puno kaya ang bibig ko tapos bigla akong magsasalita baka tumalsik pa sa muka ni Alex yung kinakain ko. Nakakahiya lang. -___-

Pero sa totoo lang, lahat ng mga ulam na nakahayin sa harapan ko ay puro paborito ko. Kalurks.

(Alex's POV)

Salamat naman at nagka POV din ako sa wakas.

Anyway, mabuti naman umaayon na ang lahat sa plano ko. Kaylangan ko na lang talaga ng tyempo para pagusapan ang bagay na yun.

Pero sa tingin ko..hindi pa sya handa. Hindi pa nga talaga ito ang tamang pagkakataon para sa bagay na yun. Pero gusto ko na talagang linawin ang lahat at gusto ko na rin bumalik sa dati ang lahat. Ang LAHAT ng MERON KAMI.

Pinalano kong lahat ng ito. Pinili ko sya bilang tutor ko mula sa fourty nine ko na classmates. Sya ang pinili ko para magkaroon kami ng oras. Kinuha ko talaga ang pagkakataon nung tinanong sakin ni Prof kung sino ang gusto kong mag tutor sakin. Si Micha kaagad ang pinili ko, at wala nang iba pa.

Nag decide din ako na dito na sa bahay kami mag aral. Syempre para masolo ko sya.

Naiirita kasi ako dun sa transferee classmate namin. Yung lalaking laging dumidikit kay Micha. Inaamin kong nagseselos ako sa kumag na yon kasi super close sila. Ewan ko ba kung paano sila naging close.

Ang alam ko kasi, si Micha hindi na sya yung tipong sya ang unang nakikipag kaibigan, makikipag kaibigan lang sya once na yung taong yun ang unang lumapit sa kanya.

Siguro ganun ang ginawa ng kumag na yun? Madali lang naman kasi makuha ang loob ni Micha dahil napaka bait nyang tao. Kahit pa sabihin ng iba na muka syang nakakatakot, naiinis lang talaga ako sa ibang tao na nag uumpisa sa panghuhusga kesa sa pakikipag kilala.

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon