CHAPTER 5
(Shooting Star)
(Michaela's POV)
Kaloka lang. Alam nyo bang nakaabot kami sa 7/11 sa pag-aagawan ng flashlight!
Hoy! Baka iniisip nyo na may sweetness 'don? Duh! (Ay! Ang arte ko lang.) Wala pong sweetness 'don. Nakakahiya nga lang dahil nakatingin na pala sa amin yung mga crew sa 7/11. Tae lang.
Pagkapasok namin dumeretso kaagad ako sa sadya ko sa store na iyon. Hehehe.
Cup noodles my love! Here I come! Yay! Lalalala. Asan na ba yung beef flavor? Where na ba you? Dito na me!
Hanap. Hanap. Hanap. Hala! Bakit wala ata sa gondola? Ah siguro nasa kabila.
Hanap. Hanap. Hanap. Hala! Bakit wala rin dito? Nasaan na 'yon? Ah siguro napapunta na sa kabilang side.
Hanap. Hanap. Hanap. Syet. Wala talaga. Bakit wala pa rin dito? Nasaan na ba 'yon? Hindi pwede 'to! Laslas na.
May natitira pa namang ibang cup noodles kaso hindi ko naman gusto ang flavor. Masarap din naman sila kaso mas love ko talaga ang beef! Nasaan ka na?
Alam ko na! Siguro hindi ko lang makita. Much better kung magtatanong na lang ako sa crew.
May nakita akong crew na nag ma-mop ng floor kaya lumapit ako para magtanong.
"Uh, excuse me po. Pwede pong magtanong?"
Nakatalikod sa akin yung lalaking nag ma-mop kaso nung pagharap niya sa akin..
"Ay susmaryosep na multo!" At talagang nabitawan pa nya yung mop niya? OA sa gulat? Ganon?
Lalalala. Sanay na ako. Promise.
"Hindi po ako multo." Sayang gwapo pa naman ang crew na 'to!
"Ay! Sorry, Miss. Hehehe. Akala ko kasi.."
"Multo ako? Sorry Kuya ha, nabigo ka na makakita ng multo. Tao po kasi ako e." I said in sarcastic. Hehe. Siya naman napakamot lang sa ulo. Ewan ko ba kung bakit nagawa kong mambara ngayon. Dati kasi kapag ginaganyan nila ako hindi ko na lang sila pinapansin. Ewan ko ba kung bakit nabanatan ko ang gwapong crew na 'to. Nakakainit kasi ng ulo e. Di ko na nga makita-kita yung cup noodles na flavor ay beef dadalihan pa ako ng papaganyang gulat. Takte lang.
"M-may kaylangan po ba kayo, Miss?" Ay huwaw. Ang galang lang ha. Oo may kaylangan ako, kaylangan kong takutin ka ng wagas.
"Itatanong ko lang po sana kung may cup noodles pa kayo na ang flavor ay beef?" Lord, sana meron pa.
"Ah, may isa pa po akong nakita doon kanina. Paki tingin na lang po."
"Wala na po akong nakita sa shelf. Nilibot ko na po ang buong store kaso wala po akong makitang cup noodles na flavor ay beef."
"Ah, sige double check ko lang kung meron pa." Then pumunta sya doon sa may line ng mga noodles.
"Sabi ko po sa inyo wala na."
"Naku, may nauna na po siguro sa inyo."
Ano?! May nauna? Sino? Sabiihin mo at kakatayin ko! Pero sino kaya yung nauna na yon? Nakakainis naman! Kung hindi lang siguro umeksena yung dalawang pok-pok kanina e di sana napa-aga ang punta o dito. Hindi sana ako naunahan makadampot sa cup noodles my loves ko.
"Kuya, meron pa ba kayong stocks?" Lord, sana meron pa.
"Naku, Miss. Wala na po e."
ANONG KLASENG STORE TO?! MAGSARA NA KAYO!! Tae lang.
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...