CHAPTER 34
(Waiting..)
(Mikay's POV)
Ang haba ng tulog ko. Ngayong 7am na ako nagising simula nung tulog ko kahapon ng hapon. Grabe ah, di tuloy ako nakakain ng dinner. Pero di bale na. Nakapag cup noodles naman ako kahapon kasama si Ian.
Si Ian. O_O
Naku po. Tinulugan ko sya kahapon! Hala!
Napabalikwas tuloy ako ng bangon. Tapos agad kong binuksan yung bintana ko. Kaso nung pagbukas ko nakasarado pa yung bintana nya.
Tulog pa kaya sya?
Ginamit ko yung weird telepone.
"Uy, Ian. Gising ka na ba?"
No response. Sige, isa pa.
"Uy, Ian. Nandyan ka ba? Gising na!"
No response pa rin. Okay, isa pa.
"Uy, sorry kahapon ha? Hehe, natulugan kita. Sorry talaga."
No response pa rin.. Siguro tulog pa talaga sya. Baka maistorbo ko sya kaya wag na lang. Sigh. Ang shunga ko kasi e, tulog ako ng tulog. Yan tuloy..
Ano kayang oras sya umalis kahapon? Ay ewan. Makapag breakfast na nga para makapag prepare na sa pagpunta kina Alex. May study na naman kami. Hay nakuu.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin si Ian habang nag aaral kami ni Alex. Tampo kaya sakin si Ian? Hindi naman siguro. Sana..
"Ang lalim ata ng iniisip mo? Di ko masisid e."
Bigla akong napatingin kay Alex.
"Hindi ah, iniisip ko lang yung susunod na subject na aaralin natin. Ire-recall ko lang sa isip ko yung mga previous discussion para mashare ko sayo."
"Thats good. Salamat ha. Pero sa palagay ko, thanks is not enough. Gusto ko sanang i-treat ka mamaya. Okay lang sayo?"
Treat? Kakain kami? *O* Lels. Sinasabi ko, masamang tumanggi sa grasyaaa. Nyahaha.
"Sige ba. Walang problema." :D
Ngumiti lang si Alex tapos pinagpatuloy na namin yung study.
Bale sa labas na kami nag lunch ni Alex at tapos na rin sa araw na to ang study namin. Three remaining subjects nalang then tapos na. Pero aabutin pa rin ng one week. -__- Pero di bale na, sayang ang extra points na makukuha ko pag nag back out ako dito. Kaya go na lang ako.
Naloloka naman ako kay Alex e, kakain lang naman kami ng lunch e dito pa sa mamahaling restaurant. Di pa naman din ako familiar dito. Okay na okay na ako kung sa Mang Inasal na lang. Atleast dun unlimited rice, pandisawa sa kanin. Tapos karamihan puro french cuisine dito. Enebeyen. Di naman ako sanay sa pasta. Hanggang spagetti lang aketch. Hehe.
Pero infairnes, masarap naman pala. Mukang marami rami ang makakain ko nito. Masarap pala ang spagetti na kulay white. Ahehe. Di ko alam ang tawag dito e. Kahit white lang ang kulay niya malasa sya. Heaven~
Yung feeling na nahihiya akong sumubo. E kasi karamihan mga teenagers na tulad ko ang mga customers ngayon. Puro mga couples. Ang gwapo ng kasama ko tapos ako mukang multo. Kaya nahihiya ako kasi yung ilang mga girls tumitingin sa part namin ni Alex. Center pa naman din ang table namin. Anak nang tupa naman. Di bale na nga, lalo lang akong magugutom kung papansinin ko sila. Sabay subo ko ng puting spagetti. Amfh. Nom. Nom.
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...