CHAPTER 63
(Realization)
(Michaela's POV)
"Mikaaaay!"
Papalabas na sana ako ng gate ng school ng tawagin ako ni Danica. Teka, ano'ng kailangan niya sakin? Patakbo siyang lumapit sakin. Hingal na hingal siya pero nakatawa pa sya. Mukang malayo ang tinakbo niya.
"Ano yon Danica?"
"Teka lang ha? Hihinga muna ako." huminga sya ng malalim at ipinamahinga ang sarili. "Mula pa sa third floor kita hinabol bff!"
Nagulat ako sa sinabi niya. "B-bff?"
"Oo! Bff naman tayo di ba?" tapos kumapit sya sa braso ko at naglakad na kami palabas ng school. Bff..siya ang kauna-unahang taong tumawag sa akin niyon. Masarap pala yon sa pakiramdam. Hindi ko akalain na magkakaroon pa ako ng kaibigan. Habang tumatagal kasi medyo nagiging close na kami ni Danica. Tapos madalas kaming mag kwentuhan about kay Emily. Pinakilala ko na rin siya kay Emily doll ko. Pag minsan, siya ang nag aalaga kay Emily kaya natutuwa ako. Pag minsan nga, parang nakikita ko ang ugali ni Emily sa kanya e.
Tumango ako sa kanya at ngumiti ako. Ngumiti din siya sa akin.
"Gusto ko kasi sabay tayong umuwi." Umuwi? Pero..kasabay ko si Alex. Pano yun? Pero minsan lang naman kami magkakasabay ni Danica e.
"Pumayag ka na bff. Gusto kong ihatid kita sa bahay nyo. Wag mo nang isipin si Alex. Ngayon na nga lang kita masosolo sa kanya e kasi lagi kayong magkasabay pumasok at umuwi." :(
Hindi ko rin naman masolo si Ian dahil lagi mo syang kasama. Damn. Gusto ko sanang sabihin pero..argh. Parang ang plastik ko tuloy kay Danica..
"Paano pala si..I-Ian? Di ba lagi din kayong magkasabay?"
Pumasok na sya sa loob ng van nya tapos hinila naman niya ako para pumasok sa loob.
"Psh. Ayoko muna syang kasama ngayon. Gusto kitang kasama e." ^_^
Tapos nirest niya ang ulo niya sa shoulder ko. Kapag kasi ngumingiti si Danica nakakadala e. Yung tipong, papayag ka kapag may hiningi syang favor sayo? Ganun.
"A-ah. Sige. Tutal nandito na naman ako sa loob ng sasakyan mo."
"Yey! Thank you bff." :D
Nag kwentuhan lang kami buong byahe. Nagtext naman ako kay Alex na hindi ako makakasabay sa kanya pag uwi. Ayos lang naman daw sa kanya. Buti na lang daw nagtext ako kaagad sa kanya dahil kanina pa daw niya ako hinahanap sa buong campus. Nag alala na nga daw sya sakin e. Nag blush tuloy ako. Hihi.
Bago ako bumaba ng sasakyan ni Danica may sinabi siya sakin.
"Bff! Pwede mo ba akong samahan bukas?"
"Ahh, saan?"
Then humawak sya sa buhok niyang color pink na may nakapatong na big red ribbon sa ulo niya. Ang cute rin kasi ng fashion nitong si Danica.
"Gusto ko kasing pakulayan ng black tong hair ko. Nakakahiya naman kasi sa rules and regulation ng school nyo kahit na temporary student lang ako."
"Hmm. Sige. Wala naman akong gagawin bukas." wala naman talaga akong gagawin bukas kahit saturday. Hindi rin naman kami makakapag unwind ni Alex bukas dahil sa alam nyo na. Anak ng taga pag mana kaya busy si Alex bukas. Part ng business training niya.
Ang balak ko manunuod lang sana ako bukas ng horror movie pero sasamahan ko na lang siguro si Danica.
"Talaga?! Yehey!" tapos hinug ako ni Danica with patalon talon pa. Kaloka. "Ten ng umaga ha? Susunduin na lang kita."
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Novela JuvenilFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...