KABANATA 2

30.1K 490 66
                                    

KABANATA 2


Nasa harapan na ako ng kapitbahay. Naka bukas ang gate pero hindi muna ako pumasok. Kumatok na lang ako sa kanilang gate. At dahil nga stranger ako, sa gulat ko tinahulan ako ng malaking aso sa may garahe nila. Tatakbo na sana ako nang naging limitado ang paglabas ng malaking aso sa dog house niya. Mabuti na lang ay nakatali siya. Nakahinga ako ng maluwag.

Sa tabi ng bahay nila may nakaparada doong lumang volks. Kulay dilaw iyon at palagay ko'y iyon ang pinaka sasakyan ng may-ari. Cute.

Napansin kong bahagyang bumukas ang front door nila. Nakikita ko dahil hanggang dib-dib ko lamang ang kanilang gate. Sapat lang naman ang height ko na one eighty centimeter sa edad ko.

Buong akala ko si Weird Girl na ang lalabas mula sa front door. Bigla tuloy napawi ang makapang lag-lag panty kong smile.

Isang lalaki ang lumabas sa front door. Mukhang tamad itong lumabas at nang lumapit ito sa gate para buksan iyon ay humalukipkip ito at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nakasuot lang naman ako ng gray na v-neck t-shirt at itim na short. Sneakers lang ang suot ko sa paa. May problema ba sa porma ko? Nakakunot kasi ang noo niya. Mas lalong kumunot ang noo niya nang mapansin ang dala kong roses.

Mukha itong seryoso at malalim ang mata. Mas matangkad siya sa akin ng mga tatlong pulgada siguro. Halata namang mas matanda siya sa akin. Malamang nasa kolehiyo na ang lalaking ito. Nakasuot siya ng puting t-shirt at jersey short.

"May kailangan ka ba?" tanong niya at hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Ah, pare, kung hindi ako nakakaabala pwede bang makausap si..." Patay. 'Di ko nga pala alam ang pangalan ni Weird Girl. I-describe ko na lang kaya?

Umangat ang dalawang kilay niya. Naghihintay kung sino ang gusto kong makausap.

"Iyong babaeng..."

"Two girls ang kasama ko dito sa bahay kaya sabihin mo kung ano ang pangalan ng hinahanap mo." Ay ang sungit.

"'Di ko alam ang pangalan, eh"

Naningkit ang mga mata niya at lalong kumunot ang noo. May mas ikukunot pa pala iyon.

"Ano ka ba naman, pare. Manliligaw ka na nga lang 'di mo pa alam ang pangalan ng liligawan mo."

The hell?! Manliligaw? Sa tanang buhay ko hindi ko pa nasusubukang manligaw dahil babae ang nangliligaw sa akin.

"I'm sorry? Hindi ako manliligaw, brad. These roses are for peace offering." Paliwanag ko.

Nawala na ang pagkakunot ng noo niya at nag kibit balikat na lamang siya. "Sino ba kasi ang hinahanap mo sa dalawa kong kapatid na babae? Si Miah o si Michaela?"

So, kapatid pala siya ni Weird Girl. Hindi ko naman kilala kung sino 'yong isa pa niyang tinutukoy kaya hindi ko alam ang isasagot kung Miah o Michaela ba ang pangalan ni Weird Girl.

"I don't know. Pwedeng i-describe na lang?"

"'Ge."

"Ah, mahaba ang buhok niya," tumango-tango siya. "Medyo maputla tingnan ang balat niya." Tumango ulit siya at mukhang nag-iisip. "Mahaba ang bangs niya at mukha siyang..." Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko na mukhang 'weirdo' ang kapatid niya. Baka masapak niya ako, eh. Sabihin naman niya nilalait ko ang kapatid niya.

"Mukhang...?"

"Hindi ko mapaliwanag pero nakakatakot ang aura niya." Iyon na lamang ang nasabi ko.

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon