CHAPTER 54
(Thinking of You)
(Michaela's POV)
Ilang araw na rin since hindi namamansin si Ian. Nakakainis sya. Oo aaminin ko, sobrang na mimiss ko na sya. :'(
Hindi niya ako kinakausap. O kahit tinitingnan man lang. Madalas pati na tahimik siya. Ang laki na talaga ng pinagbago niya. :(
Tapos, si Danica lang ang madalas niyang kinakausap. Pag minsan naman si Miah. Ewan ko ba kung paano sila naging close? Naiisip ko tuloy..wala na ba akong halaga bilang kaybigan ni Ian? Ang sakit lang pag naiisip ko yun. :(
Dati, ang tamad tamad niyang mag sulat kasi hihiramin niya ang notes ko sa bahay at sa bahay nila sya magsusulat. Pero ngayon, nagsusulat na siya. Napapasin ko pa nga na ang bilis niyang mag sulat e. Nauunahan pa niya ako.
Every lunch naman, ayaw pumayag ni Danica na hindi kami sabay-sabay. Para na kasi kaming barkada. Barkadang awkward. -____-
Kasa-kasama na rin namin lagi si Miah pero a lot of times tahimik din sya. Parang nagmamasid lang sya sa paligid. Ewan, napapansin ko ang weird din ng kapatid ko e.
At tuwing uwian naman, nagdadala na rin ng sasakyan si Ian kaya simula noong magkatampuhan kami, hindi na kami nagkasabay umuwi o pumasok.
Hinahatid pa niya si Danica sa bahay nito saka sya uuwi ng bahay. Araw-araw yun ginagawa ni Ian.
Si Alex na lang ang madalas kong kasabay umuwi at pumasok gamit ang kotse niya. Na mimiss ko na ngang maglakad e. :'(
Si Miah naman lagi naman yun gumagala tuwing hapon kasama yung iba niyang kaybigan.
Pag nasa bahay, lagi kong pinakikiramdaman si Ian kung ano ba ang ginagawa niya sa kwarto niya. Lampshade lang ang parati niyang ilaw. Pag minsan, ang lakas din ng soundtrip niya. Puro rock ang pinapatugtog niya. Napapansin ko pati na kapag nag pe-play ay senti bigla niyang nililipat.
Namimiss ko na yung pag uusap namin sa bintana..
Kahit ilang beses ko nang tangkaing kausapin siya at mag sorry lagi niya akong iniiwasan. Ako na nga yung lumalapit e. :'( Napapahiya lang tuloy ako pag minsan kaya hinahatak na lang ako ni Alex. Sabi ni Alex sakin minsan..
"Hayaan mong saluhin kita."
Noong una, nalilito ako kung ano ba yung ibig niyang sabihin. Pero na gets ko rin kalaunan..
Si Alex, nandyan palagi kapag nasasaktan ako. Hindi niya ako hahayaang ma argabyado. Tutulungan niya ako palagi at lagi lang siyang nasa likod ko. Hindi niya pati ako iniiwan.
Natatouch nga ako sa mga ginagawa niya. Kaya gagawa talaga ako ng paraan para makabawi sa kanya.
Pero sa totoo lang..walang araw na hindi ko iniisip si Ian. Na mimiss ko na talaga yung friendship namin.. gusto kong bumalik kami sa dati. Namimiss ko na ang lahat lahat sa kanya. Yung pagtawa niya, yung pang eencourage niya sakin, yung pag ko-compliment niya sakin, yung kadaldalan niya, yung sense of humor niya, yung panlilibre niya (joke lang yun.), yung pag uusap namin sa bintana, yung pag sabay namin sa pag pasok at pag uwi, yung pag share namin sa headphone pag nagsa-soundtrip kami at higit sa lahat..
Ang cherry blossom..
Na mimiss ko na rin sila. Matagal ko na rin silang hindi nakikita sa paligid. Noong una, ayoko silang nakikita pero ngayon..hinahanap hanap ko na sila..
Nararamdaman ko pa naman yung feeling na yun kapag kasama ko si Alex pero..iba yung kay Ian..nagagawa niya akong dalhin sa fantasy mula sa reality..
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...