CHAPTER 40
(Crazy Date Part 2: Indirect Kiss)
(Michaela's POV)
Hindi ako gutom pero gusto kong kumain ng kumain dahil naiinis ako sa dalawang babaeng katapat namin. Kanina pang tingin ng tingin e. Napapansin ko pati na parang nagpapa cute sila kay Ian. Badtrip. -_-
Padabog kong hinuho yung french fries sa tray na may tissue then pinag mix ko yung mayo at ketchup. Eto yung payborit ko e. XDD Baka sakaling mawala yung badtrip ko.
Bale tatlong piraso ng fries yung dinip ko sa mayo then sinamual ko sila ng buo. Aaahhmmff! Ang talap talap! *m*
Halos maubos ko yung dalawang pack ng fries. And guess what..gusto ko pa. -_____- I want more! I want more!
"Inubusan mo ko ng fries." -___- reklamo ni Ian. Enekepo! Hindi ko naalala na karibal ko nga pala sya dito.
"Tehehe. Sorry ha. Sorry talaga. Naubos ko. Mehehe." -_-v
"Umorder nalang tayo ulit."
Yun oh, ang daming inorder ni Ian. Sige. Pandisawa kami. XD Kaso kanina ko pang napapansin na habang kumakain ako tinititigan ako ng topless guy na to. -.- Hindi ko na lang pinapansin kasi gusto kong mag concentrate sa pagkain.
Pero nakakailang talaga! >___< Hindi talaga ako sanay nang tinititigan. Syet lungs. Tapos napansin ko pa na nakangiti sya. Pinagluluko ata ako ng lalaking ito ah. Buset. >__<
"Anong nakakatawa?" Tanong ko sa kanya.
"I'm not laughing, I'm just smiling. Naririnig mo ba akong humahalakhak?" :)
Okay, ako na ang shunga. -_- Pwede namang mag sorry di ba?
Naiinis talaga ako sa TG na to. Sabay subo ko ng maraming fries sa bibig ko. Ahhmmff!
Nabigla pati ako nung bigla syang lumapit sakin. Ay mali, yung muka pala niya ang papalapit sakin. Kyaa. Sa bigla ko napaatras tuloy ako. Wag nyang sabihing balak nya akong halikan? Chooooos! XDD
"I was just going to wipe the sauce."
O__O Ah, okay. Ako na naman ang panget na assuming. -__- Sabi ko na kasi e. Masamang mag assume.
Pero bigla akong kinilig nung tinanggal nya yung ketchup sa bibig ko. Tahaha. Ano kayo mga bruha sa tabi? Mamatay kayo sa inggit. Yeee~
Mas naloka pa ko kasi yung ketchup na tinanggal ni Ian sa bibig ko kinain nya! O____O
"Anong ginawa mo?"
"Sayang yung sauce e."
"Pero nasa bibig ko na yun!"
"Okay lang. Alam ko namang wala kang virus e. Tsaka madalas naman tayong nagse-share sa pagkain." :D
Tapos yun na. Kumain na sya na kala mo wala nang nangyari. Ilang beses na ba yun nangyari samin ni Ian? Kapag nangyayari yun hindi ko pa rin talaga maiwasang mabigla. Parang nafo-froze pa rin ako. @__@
Ang alam ko may tawag dun e, na research ko na yung ganung bagay..
I-indirect Kiss nga ba yun?
Uwaaa! Ibig sabihin ilang beses na kaming nag.. *toot*
=________=
"Aay! Girlfriend nga Sis!"
Narinig kong sabi nung isang babae na katapat namin. Tae, HINDI NYA AKO GIRLFRIEND! >____<
"Bulag ata yung guy." bulong naman nung isa sa kasama nya. Tanga nya, bumulong pa sya e rinig ko naman. -__-
Naiinis na talaga ako sa mga babaeng ito ah. Tatayo na sana ako para sabihin sa mga kulangot na yun na hindi ako girlfriend ni topless guy nang pigilan ako ni Ian sa braso ko.
"Just stay. Wag kang magpa apekto sa sinasabi nila." yung mata ni Ian deretsong nakatingin sa mga mata ko. Kung ganun, narinig din nya? Malamang. Kung ako nga e rinig na rinig ko. Si Ian pa kaya? Shunga ko talaga. -__-
"Just act that we're real couple." Sabi ni Ian.
O____O Ano daw?!
"Ayo ko nga. Di ko kaya no!" -___-
"Actually kanina pa natin ginagawa." XD
"-____- Anong ibig mong sabihin?"
"Sumakay ka na nga lang. Ako nang bahala."
Okaaaay. Pero ano kaya yung ibig sabihin ni Ian? Baka yung indirect kiss kanina? Ibig sabihin scripted lang yun?
Bigla akong nakaramdam ng dissapointment..
"Oh, kainin mo to. Ayokong nagugutom ang LABS ko. Say aahh.."
Talagang ang nilakasan ni Ian yung boses nya? Alam kong umabot yun sa pandinig nung dalawang babaeng kulangot. Nakatingin sila samin habang nanlalaki ang mata. Kwago lang ang peg? XD
Tae talaga to si Ian oh. -_- Tapos sinubuan nya ko nung sundae chocolate.
"Ehmeged sis! Confirmed. Girlfriend nga nya yung multo." Multo, panget, halimaw..blah blah. Michaela po ang pangalan ko bwiset. -__-
"Ang saya di ba? Nakapang asar ka na, nag enjoy ka pa." XD
Mas masaya sana kung totoo to at hindi biro lang..
Sira ulo tong TG na to. E kung totohanin nalang kaya natin to? Chossss! XD
(A/N: To Aleel_SonElf and PRIIngtamad. Sa next chapter ko na ilalagay yung cameo scene nyo ha? Tehehe. Thank you.
To all readers. Bisita naman kayo sa page ko. :( May link sa tabi. :) thank you. Kung willing kayo maging admin, pwedeng pwede. :D )
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...