CHAPTER 51 (The Bwisita)

9.4K 140 26
                                    

CHAPTER 51

(The Bwisita)

(A/N: Follow me on tumblr: http://ayoshifyumi.tumblr.com/

Follow me on twitter: http://twitter.com/AyoshiFyumi @AyoshiFyumi

Like my FB page: http://www.facebook.com/AyoshiFyumiStories

Join our FB group: http://www.facebook.com/groups/109302299244922/

Ask me anything: http://ask.fm/AyoshiFyumi

Bongga ko sa plug! Hahaha. Lubusin ko na ha? :D TY!)

(Michaela's POV)

Monday morning.

Nasa labas na kaya si Ian? Sana magkasabay kami ngayon para makapagusap na kami ng ayos.

Pero nung pagkalabas ko ng bahay wala pa si Ian. Siguro masyado akong napaaga. Hihintayin ko na lang sya dito.

Five minutes later. Thirty minutes before bell sa school namin. Matanong na kaya kay Nanay kung nasa loob pa si Ian? Tama, makapagtanong na lang.

Nag doorbell muna ako, ilang sandali lang may nagbukas na ng gate. Buong akala ko si Ian na yun. Hindi pala. Si Tatay yung nagbukas ng gate.

"Oh Michaela, may kaylangan ka ba?"

"Ah, tatanong ko lang po kung nasa loob pa si Ian."

"Naku ineng, maagang pumasok si Ian e."

"Ahh, ganun po ba. Maraming salamat po."

"Ay sya sige, mag iingat ka sa pagpasok."

"Sige po, mauna na po ako."

Maagang pumasok si Ian..pero bakit kaya? Akala ko pa naman makakapag usap na kami ngayon..

Kahapon, hindi kami nagkaroon ng chance para makapag usap. Nagpasama kasi sakin si Alex kahapon para mag hang out sa mall. Nung pauwi na kami, nakita ko si Ian na kasama si Miah. Nasa park sila tapos nakatambay sila doon habang nagkukwentuhan. Kasama pa nga nila si Barky..

Mukang masaya naman silang dalawa kahapon. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lungkot. Lungkot nga ba yung naramdaman ko o ano? Ewan, hindi ko alam. Basta ang alam ko, hindi ko gustong makita na magkasama sila kahit muka silang bagay sa isa't-isa. Aaaammfffff!!! :((

Ang alam ko pati maagang pumasok si Miah kanina..hindi kaya, sabay silang pumasok?

Aaaaah! Nakakabaliw naman mag isip! >o

*Beeep! Beeep!*

"Ay kamote!"

"Michaaaaa!"

Kaloka! Si Alex pala yung bumusina sakin. Gheeed, naglat ako dun ah. Ayoko talaga ng busina ng sasakyan. Nakakagulat. -_-

"Oh, Alex. Ikaw pala."

"Sabay ka na sakin, come on. Hop in."

Yes! Mapapa aga ako ng konti. :D

Bumaba pa talaga si Alex para mapagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Napaka gentleman talaga. Ngayon, mas umiba na yung tingin ko sa kanya. Kung dati, sobrang naiilang ako sa kanya pero ngayon parang ang gaan gaan na pag kasama ko sya. Mabait kasi syang tao e. Gwapo pa. :)

"Thank you ha."

"Actually susunduin talaga kita sa bahay nyo. Kaso nakaalis ka na pala. Na late kasi ako ng gising e."

"Bakit? Puyat ka?"

"Oo, napuyat ako kakaisip sayo."

"-____- Niloloko mo ba ako?" ang adik ni Alex, ang sarap pektusan sa lungs.

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon