CHAPTER 50
(Set You Free)
(A/N: Oh vote muna mga tropa. XD wag nyong kalimutan utang na loob. Hahahaha.)
(Michaela's POV)
"Naku Alex! Ano'ng oras na pala?" Tumingin naman si Alex sa wrist watch nya.
"Three pm sakto. Bakit?"
"Three pm na?!" Gulat kong sabi. Emotionless naman ang muka niya kaya hindi ko mabasa ang muka niya. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na kaylangan kong puntahan si Ian.
"A-ano..kasi..magkikita kami ni Kuya Marco para mag grocery e." Waaah. Napaka makasalanan ko na talagang tao. Sinungaling ko talaga. :(
"Ahh..ganun ba, hatid na kita." Oh no! Hindi pede. >.
"H-hindi na..ako na lang ang pupunta mag isa tsaka malapit lang naman e."
"Pero malakas ang ulan oh." Pisti. ang lakas nga. Lagunos e. Waaah. Paano ba to?
"Ahh, okay. Sige."
At ngayon, lulan na ako sa sasakyan ni Alex papuntang grocery store. Tae naman, lalo pa akong napalayo sa East Floating Gazeebo. :( Naman e, dapat makapunta ako doon kaagad. Tatakbuhin ko na lang di bale nang mabasa ako. Sana nandoon pa talaga sya..
Ang balak ko, magpapahatid ako kay Alex hanggang sa grocery store, pero once na nakababa na ako sa sasakyan at nakaalis na sya, tatakbo na ako papunta sa Floating Gazeebo.
"Sige dito na lang Alex. Salamat sa paghatid. Ingat ka ha."
"Sige bye. Ikaw rin."
At umalis na si Alex. Nagpatagal naman ako ng konti para masigurado kong malayo na ang sasakyan ni Alex. Noong lumiko na sya sa kanto tumakbo na ako palabas ng store. Grabe, lakas ng ulan. Siguro naman hindi nagpapaulan ngayon si Ian dahil malaki naman yung Gazeebo at may bubong yun.
Hintayin mo ako Ian..
Medyo basa na ako. Psh. Di bale na, makarating lang ako ng buo sa pupuntahan ko. Mukang masisira pa nga itong payong ko sa sobrang lakas ng hangin. Waaah naman! Bumaligtad na yung payong ko at tuluyan na akong nabasa ng ulan. Aaargh. Di bale na nga!
Binitawan ko na yung sira kong payong dahil sagabal sya sa pagtakbo ko. Hinihingal na ako sa pagtakbo pero buti na lang malapit na ako sa Gazeebo.
"Iaaaaan!" Tinawag ko kaagad sya nung nasa floating bridge na ako papunta sa Gazeebo. Pero natatanaw ko na parang walang tao doon.
"Iaaaaan! Nasaan kaaaaa?!"
Wala na si Ian dito..saan na sya nagpunta? Akala ko ba may importante syang sasabihin sa akin? Bakit hindi nya ako hinintay?
Kasalanan ko rin naman e, hindi kaagad ako dumating. Napaluhod na lang ako sa sobrang disappointment. Naluha naman ako ng pumasok sa isip ko na baka nagalit na sya sa pag hintay sa akin..
Hindi naman sana. Ayoko nang magtampo pa sya sakin ulit. Ayokong nangyayari yun sa aming dalawa. Ang hirap kasi e, gusto ko lagi kaming masaya.
Pero ano tong ginawa ko? Itaboy ko man sa isip ko alam kong tampo na naman sya sakin ngayon. Kaya kinuha ko kaagad yung cellphone ko para tawagan sya. Buti naman hindi nabasa to sa loob ng bag ko.
Nagri-ring naman yung number nya pero hindi nya sinasagot. Ilang beses ko syang tinawagan pero hindi pa rin nya sinasagot. Kinutuban na tuloy ako. Baka nga tampo na naman sya sakin.
Tampo nga sya sakin dahil itong panghuling call ko sa kanya, kinancel nya yung tawag ko..
Hindi ko na sinubukang tumawag ulit..tampo nga sya e. Maka uwi na lang baka naka uwi na sya sa kanila.. Doon ko na lang sya kakausapin..
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...