CHAPTER 37
(Jealous Topless Guy)
(Weird Girl's POV)
"Oy Ian, late ka ng two minutes!" *pout*
"Masyado ka lang maaga. Aminin mo, excited ka na kaagad na makita ako ngayong umaga no? Yeee."
"H-hoy! Hindi ah! Ano ba yang sinasabi mo Ian?" >///<
"Oh bakit ka nag ba-blush? Ayeee."
Syet! Hindi naman e. Promise, kahapon ko pang napapansin tong Ian na to na lagi akong inaasar. Kaloka ha. Sana naman hindi ako obvious na kinikilig ako ng konti. Ayeee. XDD
Binilisan ko na lang yung paglalakad ko para hindi niya mapansin na nag ba-blush talaga aketch. Mehehe.
"Oy intay lang. Ang bilis mo namang maglakad."
Magkapantay na kami ngayon sa paglalakad.
Ganito naman kami tuwing papasok sa umaga. Madalas si Ian ang nag iintay sakin sa gate. Ewan ko ba kung bakit ang aga kong nagising kanina kahit puyat ako. Tapos parang masayang masaya pa ang pakiramdam ko. Parang ewan lang. -.-
Oh sige na! Aaminin ko na kung bakit ganito ako ngayong umaga. Kasi..
Natapos ko nang gawin yung bonnet ni Ian. :D Grabe ha, isang linggo ko rin yun ginawa. Pinilit ko talaga syang matapos kagabi kahit nagkasugat ako sa fingers. Pero keri ko pa naman. Salamat sa band aid at sa mahabang coat ng uniform ko dahil hindi masyadong kita yung mga sugat ko sa kamay. Mehehe. XD
Excited na nga ako na ibigay to sa kanya e. Yeee. >///< Sana matuwa sya sa ginawa kong bonnet. Hindi na rin ako makapag hintay na isuot nya mismo to. Kakalurkey. XD
"Teka lang. Huminto muna tayo Mikay."
E ako dere-deretso lang sa paglalakad kaya pinigilan nya ako sa braso ko.
"Bakit?"
Pinihit nya yung katawan ko sa harap nya habang nakahawak sa balikat ko. Hinawakan nya yung muka ko kaya nagulat ako. Eeek. Sana hindi nya naramdaman na medyo nakoryente ako sa pag hawak nya sa muka ko. Kakalurkey.
Then napansin ko na papalapit ng papalapit yung muka niya sa muka ko. Humigawd! Anong gagawin niya??!! >.< Uwaaa! Heeeeelp meee! >___< Ang dami na namang cherry blossoms sa paligid. XDD
Hahalikan nya ba ako?
Chos! Assumera na naman ang panget. Pero heto..papalapit ng papalapit ang muka nya nang biglang..
"Ang laki ata ng eyebags mo. Puyat ka ba?"
=_____= Dahil lang pala sa eyebags ko. Buseeet. Nung marinig ko yun pati yung mga cherry blossoms biglang nahulog ng mabilis sa lupa. Kanina slow motion e. =____= Enebe.
Umuna na lang ulit ako sa paglalakad. Asar e.
Narinig ko naman sya na tumatawa. Anyare?
"Bakit ka tumatawa dyan?"
"Hehe. Wala, natatawa lang ako sa reaction mo. Ang cute mo pala."
O___O Ako..? Cute..? Nagpapatawa ba sya? Pero pakiramdam ko umangat ulit yung mga cherry blossoms sa paligid tapos slow motion ulit kapag bumabagsak sa lupa..
Haaaay..ang sarap sa mata ng mga cherry blossoms na to. Lalo na tong Ian na to nakangiti pa na kala mo'y anghel na bumaba sa lupa. *///*
Ang cute mo pala..
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...