CHAPTER 6.6

18.9K 245 52
                                    

CHAPTER 6.6

(Crazy Date)

(A/N: Asahan nyo na sa bawat chapters ko may Author's Note ako. Wala lang..nasabi ko lang. Mehehe~

At heto na nga..umabot na ng 6.6. May bigla kasing pumapasok sa isip ko na pwedeng idagdag. Kaya pagpasensyahan nyo na po ang shungang tulad ko. -_____- Ito na yata ang chapter na pinakamahaba at umabot ng 6.6! Kaloka lang. Promise! Tatapusin ko na dito ang "Crazy Date" ni Papa Ian at Mareng Mikay. Kyaaa~ @_@ naloloka na ko. *bow* )

(Ian's POV)

Pa commercial ulit. Haha. Paread po ng Still written by beautiful @PattyPot. Pag di nyu yun binasa..

Uhh, wala lang. Wahaha. Basta basahin nyo. Yun lang. Bow.

Bago nyo pala basahin ang Still, read nyo muna ang first part nun na Waiting..para di kayo malito sa Still. Thank you.

Nakatambay lang kaming dalawa sa food court ngayon at hinahayaan ko lang syang mag move on sa kabiguan niya sa pagkuha ng zombie..

Tss, buti na lang magaling ako dun kundi baka magdamag ng busangot ang muka niya. Una, di nya nabili yung kalansay kahit nabili ko naman for her and second pano kung hindi ko sya pinakealamang kumuha ng zombie? E di wagas na wagas na ang kalungkutan niya?

Hay naku. Weird nya talaga. -____-

Ngayon. Saan naman kaya kami pupunta? Medyo di pa naman hapon at 02:25pm pa lang. Parang masyado pang maaga para umuwi.

Ayoko pa kayang matapos to. Ang saya e.

Kanina, nakita ko sa groundfloor ang mga showing movies ngayon. E kung yayain ko kaya syang manuod ng sine? Eer? Sige try kong mag ask sa kanya.

"Uyy. Weird girl. Gusto mong manuod ng sine?"

"S-sine?"

"Oo. Nakita ko kanina na magaganda ang showings ngayon. Puro nga lang horror." Pupusta ako, mahilig si weird girl sa horror movies. Obvious naman e kasi ang hilig niya sa weird thingy.

"Horror?" at nakita ko na naman ang nagkikislapan niyang mga mata.

"Yup, nakita ko kanina showing ang paranormal activity, saw, wrong turn..tsaka..marami e."

"Kyaaa~ oo! Oo! Gusto ko! Tara na!"

-____- Sinasabi ko na nga ba! Pag dating sa mga nakakatakot na bagay game na game sya!

"Bili muna tayo ng ticket tsaka food."

"Food..pu-pwede bang ano.."

"Ano?"

"Imbes na popcorn, cup noodles na lang?"

Eer? -____- Cup noodles? Lumalala na talaga ang kaweirdohan ng babaeng to! Cup noodles? Sa sinehan?

Pinipigil ko lang ang tawa ko kasi baka ma offened si weird girl.

Oh sige..pagbigyan.. -_____-

"Okay..at saan naman tayo bibili dito ng cup noodles?"

Then binuksan nya yung bagpack niya and tadaaah! May baon pala syang cup noodles. -___- Okay, e di sya na nga ang girls scout.

Kaso isa lang ang dala niya e, sana may balak naman syang mamigay..

"Pano naman ang hot water nyan?"

"Tss. Di na problema yun. -_-"

Olryt. Makabili na nga ng ticket.

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon