CHAPTER 47
(Two Letters)
(Michaela's POV)
"Ian, punta muna ako sa locker ko. Nandun kasi yung filipino book ko."
"Sige."
"Ayaw mo'ng sumama?" nung pagkatanong ko kay Ian bigla syang tumingin sa ibang part.
"A-ah, ano. A-ah kasi..I mean, habang kinukuha mo yung notebook mo pupunta lang ako sa library. Dito na lang tayo magkita okay?"
"Ah, sige."
Sa third floor pa kasi yung library. Nakakapagod nga kung sasama pa sakin si Ian para kunin yung notebook ko tapos pupunta pa syang third floor. Napakasama ko namang kaibigan. :(
Medyo konti na lang ang tao sa school kaya mag isa na lang akong naglalakad sa hallway. Safe. Walang mangbubully.
Hinanap ko pa sa kasulok-sulukan ng bag ko yung susi ng locker ko. Mahirap na pag nawala to. Binuksan ko na yung locker ko. Then nabigla ako sa nakita ko..
May dalawang weird na sobre sa loob ng locker ko. Halaa. Ano to? Yung isa color pink then yung isa naman plain white paper pero ang bango. Nagmamadali na ako kaya hindi ko na inintindi itong dalawang sobreng ito. Basta kinuha ko na lang yung mga dapat kong kunin at umalis na. Baka nag iintay na sakin si Ian sa may gate.
Hayun, nauna na nga sya sakin sa gate. Ang bilis nya ah.
"Tara na?"
"Oh sige, sorry sa paghintay."
"Hindi ka naman ganun katagal."
Nag start na kaming maglakad. Maalala ko na weekend pala ngayon at bukas walang pasok. Hmm, saan kaya makapag hang out? Tutal tapos na rin yung study namin ni Alex at nakahabol na sya sa mga lectures. :) So..pwede na kami ni Ian na..
Ah wala. Joke lang yun. Hehe.
"Saturday bukas. Ano'ng gagawin mo?" Tanong ko kay Ian na kanina ko pang recess time napapansin na tahimik. Medyo nagulat pa nga sya nung magtanong ako sa kanya.
"U-uhh, ano..bahala na.." Sagot ni Ian. Bahala na. Ano kaya yun? Ang weird nya ngayon. Di ko tuloy maiwasang mag alala. Syempre kaibigan ko sya.
Baka may sinat na naman ang topless guy na to? Matingnan nga..
"Teka..ano bang ginagawa mo Mikay?" hinawakan ko ang nuo nya kung mainit. Letse, trying hard pa akong abutin ang nuo nya. Ang tangkad nya kasi e.
"Sunget mo naman. Chinechek ko lang kung may sakit ka. Ang tahimik mo kasi e at kanina ko pang napapansin yun after recess time." hindi naman mainit ang nuo nya. Siguro.. "May problema ka ba? Pwede mo namang sabihin sakin. Baka makatulong ako."
"W-wala. Wala akong problema and okay lang ako one hundred percent sure. So stop what you're thinking right now. Okay lang talaga ako." then nag smile sya. Medyo nawala na naman yung bumabagabag sa dib-dib ko nung ngumiti sya. Sana nga okay lang sya.
"Sabi mo ah. Pero kung may problema ka.." this time, hinawakan ko ang kamay niya na bahagya nyang ikinagulat. "pwede mong sabihin sakin dahil kaibigan kita at kaibigan mo ako." ngumiti ako sa kanya. Nakatingin sya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. And this time, tumingin naman sya sa mata ko.
"Kaibigan.."
Tumango naman ako sa sinabi niya. Letseng topless guy to. Pansin ko talagang parang may gumugulo sa isip nya. Medyo matagal na rin kaming magkakilala ni Ian at halos araw-araw kaming nagkikita. Kaya nararamdaman ko na may gumugulo talaga sa isip nya. Pero ang akin lang, bakit ayaw nyang sabihin sakin? :(
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...