CHAPTER 36
(The Annoying Girl Again)
(A/N: Bida-bida muna si Alexander Crisanto sa chapter na to ha? Tehehe.)
(Alex's POV)
"Hey! Hey! What are you doing?!"
"Please, runaway with me.."
"Runaway with you? Are you out of your mind? Hindi nga kita kilala e."
Who the hell is she? I dont even know her. Bigla na lang syang sumulpot sa harap ko and then, she hugged me. Pero, familiar sya saken. Lalo na yung malaking ribbon sa ulo nya at sa fashion nya. Pero hindi ko talaga matandaan kung saan ko sya na meet. Dagdag pa ang nakakatawang hair color niya. Muka syang barbie.
"Oh my gawd. Hindi mo na kaagad ako kilala? Ouwch lang ha!"
Nag uusap kami habang tumatakbo. Yeah, tumatakbo kami. As in ang bilis naming tumakbo. Hawak hawak niya ang braso ko at ang bilis niyang tumakbo. Ay mali, kinakaladkad pala niya ako.
Kasagsagan nung paglabas namin ni Micha sa sinehan. Nasa likod ako ni Micha nang biglang may humarang sa dinadaanan ko. Tapos ngumiti sya ng weird sakin then bigla nya akong niyakap! And then ito na. Nung pagkasabi niyang "please runaway with me" hindi pa ako nakakasagot e bigla nalang nya akong kinaladkad palayo. Palayo sa sinehan. Palayo kay Micha.
Hindi ko talaga alam kung saan ako dadalhin ng babaeng ito. Dalawang kamay niya ang nakahawak sa isa kong braso at ang lakas niya. Pero wala lang sakin ang lakas niya.
I'm with Micha that's why I have to go back with her. Inalis ko yung dalawa niyang kamay sa braso ko.
"I'm with someone at hinahanap na niya ako ngayon."
Tumingin sakin ng masama yung babae.
"Ilang taon na ba yung kasama mo?"
Mataray niyang tanong. Nag uumpisa na rin akong mairita sa kanya.
"Same age ko. Why?"
"Yun naman pala e. Kaya na nyang umuwi mag isa."
Nainis ako.
"Yeah she can, but I have to go."
Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na palayo. Then bigla nalang may narinig akong umaatungal.
"Uwaaa!"
Nakita ko sya na nakalupagi na sa sahig ng mall at nagpapapadyak. Holy sh*t! At pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid. Samantalang itong nakakahiyang babaeng ito tuloy pa rin ang pagngalngal. Damn!
Please stop! Ang lakas ng boses niya. Isipin pa ng mga tao na girlfriend ko ang babaeng ito at pinaiyak ko. Seriously, saang mental nakawala ang babaeng to?
Pero bigla akong natigilan. Parang dé javu. Hindi ako nagkakamali. Naka encounter na ako ng babaeng ganyan a month ago lang.
Nanlaki ang mata ko.
Now I know! That's her! Yung annoying girl na nameet ko dati sa mall. Yung nakipag agawan sakin sa zombie. Yung babaeng nanakawan at..
Lumupagi sa sahig ng ganyan at ngumalngal ng malakas! Oh..not now! -__-
Agad akong lumapit sa kanya.
"Ssshh! Please stop crying!"
"Ayaw!"
Damn. Ano ba tong babaeng ito?!
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...