CHAPTER 46
(Letse Plan)
(A/N: Sorry kung super tagal ng UD. :( Galing kasi ako sa Cam Sur at mahigit one week ako dun. So one week din akong hindi nakapag net. =__= )
(Miah's POV)
Ansabe! May POV ako sa pangalawang pagkakataon. Ayos ah. Thank you author.
Anyways. It's so nakakaloka telege. As in naloka ako sa nakita ko kanina sa room ni kapatid. Wow ha. Hawak nung dalawang gwapings ang magkabilang kamay ni kapatid. Pinag aagawan ang peg? Kaloka.
Buti na lang marami akong sources sa room nila. E ano pa, e di yung mga chismosang hippopotamus na classmate nila. I mean, mga ex classmates ko na rin. Nagpalipat kasi ako ng section e. Anyway hindi naman alam na magkapatid kami. Uso naman kasi sa school ang magkatulad ng last name. Tsaka hindi naman sila nag aaksaya ng panahon na alamin. Mga spoiled brat kasi. Duhh. Yung mga teachers lang sa palagay ko ang may alam.
Well, tinanong ko sila kung ano bang nangyari. E di yun nga. And grabe, kaloka si kapatid. Sya na ang pinag aagawan ng dalawang gwapo.
Ang alam ko dumadamoves tong si Alex sa kapatid ko. Kaso mukang nabo-blocked sya ni Ian kasi super close sila ni kapatid. Nakuu, yang dalawang yan. Akala nila hindi ko alam ang pag ha-hang outs nila at ang pag uusap nila window to window. Naririnig ko kaya sila. At kahit yung pag pasok ni Ian sa room ni kapatid. Alam na alam ko rin yun. Paano ko nalaman? Kasi isa akong magandang spy. Oo. As in magandang spy. Angal ka pa?! Tadyakan kita dyan e. Tss. -_-
Hindi tuloy ako makatulog ngayong gabi. Bwiset. Sa totoo lang wala naman akong pakelam sa kanila e. Kaso involve ang weirdo kong kapatid. At sa tingin ko mukang naiipit din sya sa dalawang yun. Tss. Ang haba kasi ng buhok ni kapatid e. Makatulog na nga lang.
Kinabukasan..
Kakagising ko lang nang makita ko sa bintana sa baba si kapatid at si Ian. Ang aga talaga nilang pumasok. =__= Ako na ang laging late. Nakakatamad kayang gumising ng maaga. Tss. Tapos ang dadatnan mo pa sa loob ng classroom yung mga hippopotamus mong mga classmates. Tss.
Balik tayo kina Ian. Simula nung magpasukan talaga, palaging maaga at sabay pumasok yang si kapatid at Ian e. Kung ako ang tatanungin talaga. Sa unang tingin, hindi sila mukang magkaibigan lang. Parang may something. Parang ganun. Pero alam ko naman kung ano ang nararamdaman ni Ian sa kapatid ko. Obvious naman kasi e. Hindi lang siguro napapansin yun ni kapatid. =__= Well, kelan kaya nya mapapansin?
Breaktime nun nang tamadin akong tumunganga lang sa classroom. Kaya pumunta na lang ako sa pinaka favorite tambayan ko sa school. Kung saan walang asungot. Walang maingay at walang mga demonyo. Kundi sa--rooftop.
Tatambay lang ako. E di kung mapapaidlip ako e di masaya. Cutting ang kahihinatnan ko. Masarap tumambay dito. Once na grumaduate na ako sa eskwelahang ito mamimiss ko tong rooftop sobra. Mas mamimiss ko to kesa sa mga mukang hippopotamus kong classmates. Stress reliever ko kasi ito. Pero pag minsan may mga tangang napapaligaw dito. Tinataboy ko naman sila. Yes. I own this place. Pag aari ko na ito kahit hindi. Bwahaha.
"Mag usap nga tayo!"
"Well, matagal ko nang gustong mangyari iyan!"
Halos mahulog ako sa kinahihigaan kong bench ng may marinig akong nagsisigawan. Medyo tumago ako para hindi nila ako makita. Halos malaglag ang panga ko ng makita ko si--Ian at Alex?!
Oh my gash! Nakakaloka silang dalawa! Bakit sila nandito at..my ghad! Muka silang magsusuntukan. Si Ian nakahawak sa colar ni Alex. Si Alex ganun din kay Ian. Tapos ang mata nila parehas nanghahamon. Oh my gi! Ang ganda mo kapatid!
Taena lang. Bakit dito pa nila napiling magsuntukan? Dapat sa stage nalang no para live. -__- Guguluhin pa nila ako dito. Pero..
Mukang maganda tong mangyayaring ito ah? Mukang kaylangan nga nilang mag usap kung sino ba talaga ang may mas karapatan sa kapatid ko.
Nakita ko na hinigpitan ni Ian ang paghawak niya sa colar ni Alex. "Ano bang pakay mo kay Mikay? Bakit ba lagi kang dikit ng dikit sa kanya?!" galit na tanong ni Ian kay Alex. Tinanggal naman ni Alex ang kamay ni Ian sa colar nya ng padabog.
"Dikit ng dikit ka rin naman kay Micha di ba? Parehas lang tayo. At alam ko, kung ano ang pakay ko sa kanya ay ganun din ang pakay mo sa kanya!" sagot ni Alex. Saglit na huminto sa pagsasalita si Alex pero nagpatuloy ulit. "May gusto ka kay Micha di ba?" panghahamong tanong ni Alex kay Ian.
"Oo. At wala ka nang pakialam dun!" pang asar na ngiti naman ang ginawa ni Alex. Grabe, ramdam na ramdam ko ang tensyon ng dalawang bakulaw na to.
Tumindig ng ayos si Ian at nagpamulsa sa pantalon nya. Saka sya nagsalita. "Liligawan ko si Mikay."
Tumindig din ng ayos si Alex. "Bago mo pa gawin yan, ginagawa ko na."
Nabigla naman si Ian. Nag tiim bagang sya. Pakiramdam ko napipikon na si Ian at ganun din si Alex. Hindi talaga malabong magkasuntukan sila. E bahala naman silang magpatayan dyan! De joke lang. Hehe. ^_^v Madali lang naman awatin yang dalawang yan. Gagayahin ko na lang si Sir Kakashi nung inawat nya si Naruto at Sasuke nung nag away sila sa rooftop nun. Nyahaha. Okay, ayawan na. Seryoso na ulit. -_-
"Sa palagay ko, kaylangang mamili sa ating dalawa si Micha." sabi ni Alex. Kumunot naman ang nuo ni Ian. "May naisip ako. Tutal, ayaw mong nakikitang kasama ko si Micha at ayoko ring nakikitang kasama ka nya, papiliin na lang natin sya." tumahimik sandali si Alex then nagsalita ulit sya. "Makipag kita tayo ng sabay kay Micha. Parehas ng araw, oras pero magkaiba ng lugar.." nakikinig lang naman si Ian. Mukang sumasang ayon naman ang hitsura nya e. "At doon natin malalaman, kung sino talaga sa atin ang pipiliin nya."
Huminga ng malalim si Ian bago nagsalita. "Sige, sang-ayon ako dyan. At gusto kong magdagdag sa suhestiyon mo."
"Sige ano yon?" kakaloka yung mga boses nila pag nagsasalita. Patigasan e. Katakot.
"Gusto ko..pag ako ang pinili ni Mikay, titigilan mo na ang pagtawag sa kanya ng "Micha". At wag ka na ring lalapit sa kanya. Usapang lalake to Alex. Sinasabi ko."
Ngumiti ng sarcastic si Alex.
"Ganun din ang gusto ko Ian, pag ako ang pinili nya."
Nagulat ako sa ginawang reaction ni Ian. Parang makikipag kamay sya kay Alex. Tinanggap naman yun ni Alex at nag shake hands sila.
Aah. Tama, dahil sa kasunduan nila. Ganyan ang mga lalake, nadadaan sa mabuting usapan hindi yung, basagan ng muka. Nakow, ang haba talaga ng buhok ni kapatid. Kaloka lang ha, si Alex ang tawag nya kay kapatid "Micha" tapos si Ian naman "Mikay". Hay nako, si kapatid na talaga. Tsk. Tsk. Pero infairness, ang cute.
Bigla tuloy parang may sumulpot na light bulb sa isip ko. >:D
E ano kaya kung..tama! Nyahaha. May plano ako. As in PLANO. Hindi ito EVIL plan. Isa itong LETSE PLAN. Isang letseng plano na panggulo sa kanila. Mas magiging exciting ang mangyayari dahil sa plano ko. Bwahaha! Alam kong magiging maayos ito. Ako pa! At kung ano itong Letse Plan ko..secret muna. Sakin lang muna ito.
At marami pang letseng plano ang nabubuo sa isip ko ngayon. >:D
(A/N: Waaa. Sorry sa napakatagal na UD :(
Eneweys, kung gusto nyong malaman ang kagagahang ginawa ko sa Camarines Sur, punta lang kayo sa tumblr ko. Read nyo na lang yung blog ko dun. Mag popost din ako ng mga pics doon. Yung mga places na pinuntahan ko din. Thank you!)
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...