CHAPTER 49 (The Truth)

9.8K 150 39
                                    

CHAPTER 49

(The Truth)

(A/N: Sa mga gustong magpadedic sabihin nyo lang po. Or post lang kayo sa MB ko.)

(Michaela's POV)

Pagkatapos namin mag usap ni Miah, nakapag desisyon na ako. Gusto kong itama ang mga mali. Gusto kong humingi sa kanya ng tawad at syempre magpasalamat.

Hanggang ngayon hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinabi ni Miah..

Pero alam ko namang nagsasabi ng totoo si Miah. Halos mapaiyak na nga rin sya habang nagkukwento sakin.

Malapit nang mag 1pm. Nag ayos na ako ng sarili para puntahan sya. Gusto ko na syang makausap sa lalong madaling panahon.

Halos takbuhin ko na yung meeting place namin. Para kasing ang bagal ng oras at parang hinihila ako pabalik. Naku, quater to two na..

Pagkadating ko roon, nakita ko si Alex na nakatalikod habang nakaharap sya sa ilog. Nandito nga sya..

Nung pagkakita ko sa kanya, tumulo na naman ang luha ko dahil naalala ko yung sinabi ni Miah kanina. Nagsakripisyo si Alex para sa akin. At hindi totoong sinaktan at niloko nya ako.

Sa kinatatayuan kong ito, tinawag ko sya kahit nasa malayo pa lang ako.

"A-Alex.." hindi ko na nagawang pahidin ang luha ko. Napansin ko naman na parang hindi sya makapaniwala sa pagdating ko. Yung gilid ng mata nya, parang may namumuong luha. At may hawak syang isang bungkos na bulaklak. Bigla syang napangiti. Sabay noon ay tumungo sya at pagtunghay niya may pumatak na luha galing sa mata niya.

"I-I can't believe this.. you came.." sabi niya.

Tumango naman ako habang lumuluha. Sa kinatatayuan kong ito, tumakbo na ako palapit sa kanya at niyakap ko sya..

Niyakap ko nang mahigpit si Alex at nagulat sya sa ginawa kong iyon.

Nalaglag pa yung hawak niyang bulaklak. Then he hugged me back.

"Alam ko na.. I'm really sorry.." sabi ko habang umiiyak.

"Y-you know what?"

"I'm sorry kung hindi ko inalam ang side mo. I'm sorry kung pinaniwala ko ang sarili ko na niloko mo lang ako. I'm sorry Alex. I'm really sorry.." palagay ko basang basa na ang dibdib ni Alex sa sobrang iyak ko.

Nararamdaman ko naman na hinahagod niya ang likod ko. "Ssssshh..tahan na. Nakaraan na yun e."

"I'm sorry kung sobra din kitang nasaktan.."

Hinawakan ni Alex ang muka ko gamit ang magkabila nyang kamay. Saka niya pinagdikit ang nuo namin. Nagsalita naman sya habang nakapikit.

"Alam mo bang ito na yata ang pinakamasayang araw na nangyari sakin? Sobrang saya ko kasi ngayon alam mo na.."

"Gusto ko lang malaman kung bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad?"

Bumuntong hininga si Alex bago nagsalita. "Dahil natakot ako na baka hindi mo ako paniwalaan. At kung sinabi ko sayo yun nung oras na bumalik ako, naisip ko na baka isipin mo lang na nagi-imbento ako ng kwento.."

Hindi nga talaga nagsisinungaling si Miah, totoo nga yung sinabi niya sa akin. Pero hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung ganun nga ang pumasok sa isip ko. Buti na lang alam ni Miah ang tungkol doon.

"Pero naniniwala na ako ngayon.."

"Sino nga pala ang nagsabi sayo? Sa pagkakaalam ko dalawang tao lang ang pinagsabihan ko niyan."

"Si Miah..kanina lang nya nasabi sakin dahil hindi na daw nya kayang itago."

"Thanks a lot to her.." dinampot ni Alex yung bulaklak na nalaglag sa sahig. "Para sayo nga pala to, nahulog tuloy sa sobrang shock ko."

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon